PAHAYAG NG PAKIKIPAGKAISA
SA PANAWAGANG RECALL
LABAN SA MGA OPISYALES NG EMBAHADA NG PILIPINAS
SA RIYADH
23 Disyembre 2003
Mula sa aming hanay ay nakikiisa kami sa hinagpis
at hinaing ng ating mga kababayan ng nag-hunger
strike diyan sa Riyadh. Ito ay isang paglalarawan
ng katotohanan kung sino ang pinaglilingkuran
ng ating embahada. Nawawala ang tunay na kahulugan
ng institusyong ito na mag-lingkod at protektahan
ang interes ng mga mangagawang Pilipino. Manhid,
bingi at inutil na maituturing ang mga taong responsable
na kumalinga at sumagip sa ating mga kababayan
na humihingi ng tulong sa kanila.
Sa kadahilanan ng mga pangyayari ngayon sa ating
mga kasamang manggagawa sa Riyadh nanawagan kami
sa lahat ng ating mga kababayan dito sa kaharian
ng Saudi Arabia na maki-isa tayo at mag-samasama
sa pagpapatanggal sa mga walang silbing mga kawani
ng embahada. Hindi ganitong uri ng mga Embassy
officials ang dapat nariyan sa Embahada ngayon
... na pinasusuweldo ng ating mamamayan subalit
ni hindi makatulong sa mga suliraning kinakaharap
ng ating mga kababayan.
Muli, mula sa aming hanay kami ay lubos na sumusuporta
sa mga hinaing ng ating mga kasamang OFW na makauwi
at makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay
ngayong darating na Pasko.
Rene Valenzuela
Tagapangulo
Lakas Mangagawa sa Silangang Probinsya
LMSP