Classmates,
Napakasaya at napakasarap! At least masayang pagsasama bago umalis si
Rommel ng apat na taon! Ang mga dumating: Terry, Glenn, Rommel, Edwin, David, George, Nestor,
Arnelette, Mr. Salazar, Mr. Mia, Mr. Baltazar at syempre si Arnel.
Ang mga Pagkain hinanda ni Arnel and Jennifer: Goto ( original ng Lipa),
binanging malalaking tipak ng baboy , binagoongan, inihaw na sariwang-sariwang
tilapia, ginataang manok, paho at pulang itlog, inihaw na talong, bagong
pitas na mura ( buko ), barakong kape.
Mga kwentuhan : sari-saring kwentong joke ni George Dee ( walang nalugi!),
mga dating taga La Salle na namatay na, politika sa Lipa at pagkadidatong
konsehal ni Mr. Salazar, mga nangyaring magaganda at malulungkot sa
La Salle at dati nating mga guro, review ng Spanish with Mr. Mia, legal
consultation ni Mr. Mia kay Atty. Dee, kurukotok, at kung ano-ano pa.
Arnelette 'Intel Boy' Abjelina |
Eto ang picture namin during lunch. Natakluban ni Mr. Mia si George,
hindi tuloy nakitang mu-al siya. Sabi ni Edwin, ang tapang daw kumain
ni George. Aba eh, kain ng inihaw na baboy kasama ang taba! Sabi naman
ni Glenn, hayaan na pa-minsan minsan lamang daw ito.
Asikaso kaming maigi ni Jennifer, Arnel's wife. She was Jennifer Rosales
before she got married. Now she is Jennifer Lopez, J Lo, for short.
Arnel's Tatay-in-law was also there to supervise the cooking. Recipe
niya ang kaldereta. He confided to me that he wants to put up a restaurant
and call it "Cooking ng Tatay Mo". In my opinion, magci-click
ito. Ang inaalala lang niya ay baka may magtayo sa tapat at tawaging
"Cooking ng Ina Mo". Pag nangyari ito, magtatayo rin ako at
papangalanan kong "Cooking ng Ina Mo Rin". I am worried baka
may magtayo sa kanto ng "Cooking ng Ina Ninyong Lahat"!
Teka, nasaan ang dini-dispedidahan sa picture? Wala, kasi siya ang camera
man. Sarap na sarap ako sa Bicol express, paho at ilog na pula, inihaw
na talong, ihihaw na tilapia na pumapaltok pa bago iluto sa sariwa......I
will miss all these in Saudi Arabia and Bahrain.
Si David "I've Been to the Mountain Top" Cornejo, Jr. ay dumating
din. Pagyakap ko sa kanya ay nakapa ko ang kanyang boga! Di na balisong
ang dinadala niya. Ikinumpisal ko sa kanya na ako ang dahilan kung bakit
siya napalabas sa classroom ni Bro. Gregory 35 years ago. Hindi na niya
maalala. Akala ni Bro. Greg ay si David pa rin ang nagdududutdot ng
papel na may tunog na parang typewriter sa ilalim ng desk niya. Ako
iyon! Before that ay sinaway na ang klase ni Bro. Greg na itigil na.
Tuloy pa rin ako. Ay sa wakas, na purga na rin itong kasalanang ito
na matagal ko nang kinakarga.
Ang style ni Mr. Mia na babanggit ng pangalan pero nakatingin sa iba,
ay ina-dapt daw ni Arnel Lopez sa kanyang mga lectures and presentations.
Ito ang legacy ni Mr. Mia sa kanya. Bukod ang kanyang infamous saying
na "Ang apog ay masama sa mata, kung bubulagin....." Tama
ga ito? Mukhang mali yata. Dapat yata ay "Kung ang bulag ay aapugin
ay masama sa mata...." Do I hear "ehhhhhhhhhhh". Matagal
na tayong hindi nagkakalugihan. Tingnan ninyo ang paniimulang bungad
sa email ni Kabise Robert -- "Mga Kalugihan".
Rodel "Tiger Pogi" Reyes called after lunch from Vienna and
talked to all of us. Natatandaan pa siya ni Mr. Salazar na taga Banay
Banay at medyo mestizohin. Sabi ko kay Sir, nito na lamang siya nag-improve
ang kulay noong nag-migrate sa Austria dahil bibihirang maarawan doon.
Si Chuck...Nagpaplanong magbakasyon sa Espanya at nagrereview ngayon
ng Spanish. Minemomorize daw niya ulit ang "Mi Ultimo Adios".
Noong dumating siya ay may nagsalita na wala siyang dalang kontrabando.
Doc hindi ako iyon ha?
Si Terry ay hindi mamukhaan ni Mr. Salazar. Sabi ko,"Nakow, Sir,
si Terry ho ay kasama namin nina Beron at Marcel sa Mosquito Divsion.
Noon ho ang tawag sa kanya ay "Kuto" (same genus as "Kuyumad"
and "Lisa"). Ngayon ho ay "Garapata" na kaya hindi
ninyo mamukaan."
Let me end by thanking all of you. Our class is blessed to have the
gift of friendship. We continue to enjoy each others company and our
"mighty bond" continues to grow and strengthen in every gathering.
Mabuhay ang 1972 Red 505 at ang ating mga mahal na guro. We are what
we are now because of them.
General Rommel 'Bayaw' Rosales
|
Salamat din sa iyo General. Ikaw yata ang pinaka-masipag sa grupo
na mag-organize palagi ng ating mga reunion. Medyo malulungkot kami
at malalayo ka na sa aming paningin.
Salamat ke Konsehal at sa kangyang magandang maybahay na si Jennifer
sa pag-aasikaso sa amin. Sarap ng pagkain, sarap ng clima, sarap ng
kape, sarap ng pritong saging na saba at tikoy, sarap ng mura’,
sarap ng kwentuhan, sarap ng Swing, at higit sa lahat, sarap na namnamin
ang pagiging-mga magkakaibigan.
Kahapon ay naalala ko ulit ang mga salitang kurokutok, huyo at sigaras.
Merong mabantot na jokes si Fixcal pero kumita pa rin.
Sabi sa akin ni Mr. Mia ng ihatid ko na siya pa-uwi: “Ito ang
isa sa pinakamasaya kong napuntahan na reunion. Ang pagkain ay na-iiba
at pinaka-nagustuhan niya.”
Hasta pronto mi amigos…
Glenn 'Bruce Willis' Tolentino |