Puwede Rin (Mar-Apr)

Up ]

 

Up        

 

HANDOG KAY ALMA MATER (A Translation)

Binibini! kahit minsan la'ng tayo nagkatagpo,
'di ko malilimutan ang bawa't sandali;
at kung ang tagpuan natin ay di na muling maulit,
ang 'yong anyo sa aking isip ay mananatili.
'di ko sasabihing "Mahal" kahit ang aking diwa
ay kaiba sa nararamdaman:
Pilitin ko man, na itaboy ka sa aking dibdib,
ang isip ko'y lalong nasasaktan;
pilitin ko man, na iwasan ang bawa't dampi
ng himutok sa nasambit na kat'wiran:
"Marahil, pag-ibig mo'y 'di ko makakamtan
ngunit, ang ating tagpuan ay 'di ko malilimutan." 

Author: Ano ni Mos 

Ang Himutok

'Gusto kong maghandog ng isang magandang tula para sa aking
paaralan -
Isang taos-pusong paglalahad ng aking nararamdaman.
Hindi malalim na mahirap maunawaan
at hindi rin mababaw na parang walang kabuluhan.
Nguni't sa pagnanasa kong mabigyan ng kahulugan
at sabihin ang aking nararamdaman, tunay na ako'y nahihirapan.
Gusto kong sambitin kung gaano kita kamahal nguni't,
hindi ko malaman kung papaano ko sisimulan.
Ang isip ko'y punung-puno ng panahong nagdaan,
na nagpapasaya at nagpapaalab ng aking damdamin...
sa tuwinang maala-ala ang lakbay ng kabataan.
Bakit ba kapag sinusubukan kong sambitin
kung ano talaga ang gustong sabihin
ay 'di ko mahagilap ang tamang salitain?
Nararamdaman at gustong isigaw subalit,
'pag buka ng bibig, walang masambit kahit ang puso at diwa'y nag-uumapaw!
Alam kong alam mo kung ano talaga ang aking nararamdaman;
'di ko man masabi ay iyong maiintindihan.
Malapit o malayo man, kung 'di na kita muling mamasdan,
ang ala-ala mong sumusunod saan man ako mapadpad,
ay larawang nakaukit sa aking isipan.

Author: sangbungkos=69

Sali-salimuot

Sounds strange! Parang kahalintulad ng ‘Samot-samot’, “Samot-sari’, ‘sari-sari’, o ‘Kahit ano’. Parang pansit. May mahaba, may maiklii. Sala-salabid parang lubid. Dikit-dikit. Ginisa sa toyo, masarap habhabin. Hahanap-hanapin. Kahit iwasan ay muling uulitin. Ay, buhay!

K’wentong Seylor I

Naa-alaala ko pa nung nag-join ako sa Navy. Unang beses na kumain kami, ng mga kasama kong recruit sa ‘pinas, sa galley (mess hall). Ang daming pagkain! ‘kala mo may handaan, tuloy. May steak, eggs to order, baked potato, corn on the cob, salad, stew at iba’t-ibang pamutat. E, takaw-tingin kaya, kumuha kami ng marami. Nakatingin nga sa amin ‘yong mga puti at itim.

Sabi ni MessCook na ‘pinoy , “Bakit ang dami n’yong kinuha, p’wede namang bumalik?”

Sagot ng isa sa grupo, “Baka kasi may bayad na!”

May kumuha ng salad, isang bunton. Naghahanap s’ya ng dressing. Nakita ‘sya ni MessCook. Tanong: “Ano’ng hinahanap mo?”

Sagot ni homeboy (smartly): “Puro kasi French dressing, Italian dressing e, wala bang Filipino dressing?”

“Meron,” sabi ni MessCook. “’eto!” Sabay abot.

“Toyo?”

K’wentong Seylor II

Homeboy #1: “Talagang hindi ko maintindihan ‘yang si Pepe. Minsan lang nag-liberty sa WestPac (deployment) at nakakita ng chick e, gusto ng hiwalayan ang kanyang asawa! Napakabait pa naman. Ano pa ang hahanapin n’ya e, masipag, masarap magluto, marunong mag-alaga ng bata, madasalin at, higit sa lahat, nurse! Ano pa’ng hahanapin n’ya?”

Homeboy #2: “E, maganda ba?”

Homeboy #1: “Nurse!” 

K’wentong Seylor pa rin

Batian ng mga ‘bagong salta’ (recruit sa ‘pinas) sa Navy:

“How are you, ‘ga?”

“ Ala, ay fine, e!”

Batu-bato sa langit, tamaan ay ‘wag magagalit. Ganyan lang tayong ‘pinoy. Kahit anong hampas at dagok ang ating abutin, parang kawayan, sumasabay lang sa hangin. Kalungkutan? Kalimutan. Marami tayo n’yan pero, ayos pa rin!

Author: Ano ni Mos (rin)

Click here for previous issue.

Back to the top  or  BACK TO "SITE MAP"

Send email to the  Web Team via Guest Book  with questions or comments about QPHS69ers' web site.