IKAW PA RIN PALA

Minsan tayo ay nagsumapaan
Habang buhay magmamahalan
Minsan tayong dalawa'y nangako
Naging isa ang ating puso

Ngunit lahat ng 'ya'y nagbago
Pag-iibigan ay naglaho
Ikaw ay nasaktan
Ako ay iniwan
'Di ka man lamang nagpaalam

Ilang taong na rin ang lumipas
Ika'y nakita
Hindi ko magawang umiwas
At nang titigan ka'y
Bigla kong naalala
Ang tamis ng iyong halik
Yakap mong napakahigpit

Hindi pa rin nagbabago'ng
Damdamin ko sa 'yo
At sabi mo'y hanggang ngayon
Mahal mo pa ako
Bakit kita nasaktan?
Bakit ako'y iniwan?
Akala ko'y wala na 
Akong maaasahan

Ikaw pa rin pala
Ang aking mamahalin
Ikaw pa rin pala ang iibigin
Hindi ko akalain 
Na pagkatapos ng lahat
Ikaw pa rin pala ang mamahalin

Mula ngayo'y 'di na pababayaan
Aking mahal
Hinding hindi na papayag
Na mawala kang muli
Sa piling ko
Oh, mahal ko

Ikaw pa rin pala
Ang aking mamahalin
Ikaw pa rin pala ang iibigin
Hindi ko akalain 
Na pagkatapos ng lahat
Ikaw pa rin pala
Ikaw pa rin pala
Ikaw pa rin pala
Ang mamahalin

This page is hosted by: Geocities
Get your own Free Home Page.