![]() |
![]() |
HOME I SITE MAP I SITE LINKS I PHOTOS I ABOUT KPB
Kasaysayan
Sa mga nagdaang panahon,napakarami ng mga samahan at organisasyon ng mga kabataan ang naitatag sa bayan ng Valenzuela. Nakalulungkot nga laman dahil karamihan sa mga ito ay , makalipas lamang ang ilang buwan, dagling nabubuwag at hindi nagtatagal. Ang dahilan ng pangyayaring ito ay ang katatohanang walang kaukulang paghahanda at mabuway ang pundasyon ng mga samahang ito.
Ikinalungkot ng Punong Bayan ng Valenzuela na si Mayor Bobbit Carlos ang mga pangyayaring ito. Naniniala siyang malaki ang papel ng mga kabataan sa pagsulong ng kaunlaran ng lungsod. Nanghinayang siya sa kinasapitan ng mga samahang dapat sana ay magmomobilisa sa mga kabataan tungo sa pagkilos.
Ninais ni Mayor Carlos na magkaroon nag isang samahang pangkabataan na mayroong matatag na punadasyon na magmumula sa mga pagsasanay. Sa tulong ng kanyang mga kasama noon sa Kabataan Barangay (KB) na sina Ka Racquel Balatico at Ka Cenon Mayor, sila ay naghanda ng pagasasanay para sa mga magiging miyembro ng samahang ito na tinawag nilang "Kabataang Pag-asa ng Bayan."
Noong ika-17 hanggang ika-19 ng Mayo 2002, 58 piling kabataan mula sa iba't-ibang barangay ng Valenzuela ang lumahok sa unang tatlong araw na pagsimulang pagsasanay sa Nasyonalismong Pilipino at pamumuno. Sila ang bumubuo sa KPB-Batch 1.
Bahagi ng pagsasanay ang pagdaan ng mga kabataan sa iba't-ibang mga pagsubok, seminars, team-building activities, at mga palaro.
Naging matagumpay ang unang pagsasanay at nasundan pa ito ng iba pang batch:
- (Batch 2)Hunyo 14-16,2002 Mt.Makiling, Laguna
- (Batch 3)Hunyo 28-30,2002 Mt.Makiling, Laguna
- (Batch 4)Pebrero 21-23,2003 Ipo Dam, Norzagaray, Bulacan
- (Batch 5)Marso 11-13,2003 Ipo Dam, Norzagaray, Bulacan
- (Batch 6)Mayo 23-25,2003 Ipo Dam, Norzagaray, Bulacan
- (Batch 7)Hunyo 13-15,2003 Ipo Dam, Norzagaray, Bulacan
Kaalinsabay ng mga pagsasanay na ito, ang samahan ay nagsasagawa ng mga proyekto sa lungsod kagaya ng mga sumusunod.
-Oplan Linis at Tree Planting (Setyembre 2002-kasalukuyan-iba-ibang bgy. ng Valenzuela)
-fund raising activities:
Cake Raffle (Disyembre 6, 2002)
Rap 'N Dance Contest (April 11,2003-Polo Covered Court at April 29,2003-Valenzuela Sports Complex)
-Inter-Color Sportsfest
Sagupaan 2002 (Disyembre 27-28,2002)
Sagupaan 2003 (Mayo1-5,2003)
-Gift Giving-Kapaskuhan Alay sa mga Batang Malnourished (Disyembre 19,2002)
-buwanang narangay orientations
Sa kasalukuyan ang samahan ay mayroon ng humigit-kumulang 500 miyembro at patuoloy pang nagkakaroon ng mga pagsasanay para sa mga nagnanais maging miyembro.
Kabataang Pag-Asa ng Bayan
3rd Floor, Aurea Bldg. Maysan, Valenzuela City
Tel. No. 277-70-40
All Rights Reserved
2003
Rio Pamposa Jarlega