Friday, February 12, 1999 at
the penthouse of Marc Building.
A record 33 classmates plus two wives attended Ericson's
birthday happening last Friday!
Hindi akalain ni Ericson, kasi 20 lang daw ang nag-confirm!
At ayaw na naman halos maghiwa-hiwalay, kaya inabot kami
nang 1:30 am doon!
I need time to write the kuwento, pero eto ang umpisa:
Tanghali pa lang nung Friday, tumawag na dito si Elmer.
Pupunta siya, siempre! Nung hapon, tumawag si Pinky. Nasa may National
Library na raw siya, at siguradong pupunta rin!
Si Pat, nag-e-mail na baka ma-late, pino-problema pa
ang sasakyan ko. Huwag na kako akong alalahanin, it is very convenient
to commute from the office!
I left at 6 pm and was there before 7 pm. Inabutan ko na doon si i Ruth Monserrate-Villareal. Niyayaya akong sumama sa Los Banos that night! (Baka kako ipapulis ako ni Ojie pag di ako umuwi ng bahay, but if he will fetch me at Eric's, sige, sasama ako kahit walang change of clothes na dala!)
Nandoon na rin si Jose Osteria and his wife. Late pala nag-asawa si Jose, at age 35. Bata pa ang asawa niya, and she does not work, just takes care of the home and two kids, a boy and a girl. Niloloko namin ang asawa ni Jose.She looks pretty enough to be a mistress! Biro ko nga, "Tayo-tayo lang naman, ikaw nga ba ang asawa ni Jose?" She took it as a compliment naman, siempre!
Dumating si Pinky. "O, naunahan pa kita", sabi ko. When she was asked if she wants a drink, she asked for coffee. Coffee?, ang aga naman! Kasi daw gutom na siya! O, di kumuha ka na doon, Eric pointed to the buffet set outside. She did.
Sabay dumating si Wilma, Ella at Zeny K. Wow, solid red ang suot ni Wilma! Ang usapan pala ng barkada nila, either red or gold ang isusuot! Zeny K. gave me their new family picture for scanning.
Si Ched looks good in a becoming hairdo and dressy outfit and dancing shoes. Lumayo ka sa akin, ang bango-bango mo, hihikain ako, sabi ni Wilma after nag-beso-beso sila.
Ang male-late daw na si Pat, naka-French twist hairdo pa (practice daw iyon for her anniversary), at bitbit ang dalawang sexy. "Ay, ang mga kaklase kong hindi amoy-lupa, nandito na!"
Ruth Ramos-Flores and Girlie arrived together.
Dumating si Benjamin, kasama si Baby. Round of introductions, siempre. Baby is tall (5'6'') and slim.
Surprise, Gil appeared dun sa terrace. Paano ka napunta diyan? Saan ka nanggaling? He must have taken the wrong turn from the elevator!
Wala nang nakaupo. Dumating si Dennis."Mukhang lumago ang buhok niya buhat nang umuwi ang asawa niya", bulong sa amin ni Tessie.
Binulatlat ang mga merchandise for sale ni Dexter, instant tiangge! Bags, skirts, shirts, etc. Pati si Nini (asawa ni Ericson), at si Erica (anak ni Ericson) ay nag-shopping!
The boys grouped together outside to drink. Hindi ako nasali doon, kasi distracted ng shopping!
(to be continued)
Wala na ito sa sequence, ha?
Sabi ni Ericson, ipasasama niya dun sa librong ginawa
ng anak niya yung mga messages ng prep65, kaya puede pa kayong humabol
ng pagpapadala. And you can view the webpage for Ericson's birthday at
http://www.oocities.org/SoHo/Cafe/2588/cyberchismis.html
or at
http://www.oocities.org/SoHo/Cafe/2588/1999ericgold.html
Natapos ang shopping, naligpit ang merchandise, nang magtawag for dinner dun sa open air roof garden.
Pinansin pa ni Donya Ruth kung bakit may plastic sheets over the tablecloth sa settings. Talaga naman!
Pinag-lead ni Ericson ng dasal si Benjamin. Tagalog yung dasal niya. Hindi makapaniwala si Gil na magaling sa dasal si Benjamin.
Asus, tabi-tabi na naman ang mga girls, so niyaya ko si
Pinky na doon kami sa mga boys sumali. Sama na rin sa amin si Rose.
Talk shop agad si Vergel at si Rose, about banking systems.
Nagsisisi daw si Gil kung bakit di niya nadalaw si Ma'am nung buhay pa. Di siya nakapunta sa necrological service, pero nakahabol sa funeral. Ako rin kako e hindi nakadalaw sa UPIS. Pero nakita raw niya yung note ko. Oo, pinadala ko sa brother ko.
So napunta ang usapan sa mga operasyon.Kami ni Pinky ang
nakuwentuhan ni Gil ng gall bladder operation niya 3 years ago.
Na-mention ko na EQ had that done recently. Dumami ang
nakinig. Tapos dumating pa sina Ino at Emmeline, so nakumusta na rin namin
ang lagay ni EQ.
For the account of EQ's operation (napakahabang kuwento),
please browse http://www.oocities.org/Eureka/Promenade/5418
or see
http://www.oocities.org/SoHo/Cafe/2588/bigkabag.html
Sabay dumating si Felix at Loida, coordinated pa ang suot, parehong white top saka dark pants. "Kayo na ba ngayon?", chorus ng mga asar.
Bakit wala ang mga taga-West Coast? Dadating sila! Nakapag-dinner and dancing na nga kami (Pat and Franklin, Dexter, Hector and Albert,saka ako) nung Tuesday! Nakita pa nga namin si Dong Puno dun sa 'Bogota'. (censored ang detalye nito)
Pagsungaw ni Maria Paz, sabi agad ni Gil: "Napanood
kita sa TV". (Sa Balitang K nga, kasi client niya si
Alfred Romualdez sa suit ni Teresita Albert for child support.)
Pagdating ni Albert at Hector, na-quiz agad to identify the classmates. Walang dalang kodigo na Prepian Annual, kaya medyo nahirapan ang dalawa!
Hindi kasama ni Noel ang ibinilin kong si Camilo (na crush daw ni Dexter) saka si Andy. Nalimutan daw niya silang tawagan!
Maganda ang epekto ng microwater kay Manny Deus, buhat ng bangko naman ni Tessie sa product niya.
Hindi maalala ni Luis kung sino yung mga bagong mukha, kaya sumimple munang nagtanong bago nambati.
Masigabong palakpakan ang lahat nang dumating si Francis!
(Hindi pa raw nanganganak, pero kabuwanan ngayong Feb.)
Nagkaroon ng instant program. Tinawag ang mga out of towners para magsipagsalita.
Ikinuwento ni Elmer sa body yung details about his life
na naka-upload din naman sa webpage natin. (Please browse at
http://www.oocities.org/SoHo/Cafe/2588/elmerstaana.html
)
Sinabi rin ang phone number at nag-imbita sa mga pupunta
sa New Jersey.
Matatas naman ang Tagalog ni Albert, kahit 24 years na hindi nakauwi! Sa Information Technology field rin siya. Dati daw siyang consultant, pero he went into government service kasi mas stable. "Dito hindi!" sumisigaw na sabad ni Luis, na sinundan ng malutong na halakhak pa. ( Please browse at http://www.oocities.org/SoHo/Cafe/albertzaporteza.html )
English ang tungo kahit magsimula sa Tagalog si Hector. Ang business daw niya sa CA ay reglazing-painting tiles of bathtubs instead of the more expensive changing of the tiles. He is looking at the business of rocks - making Mactan stone and the like out of cement - here in the Philippines, but he does not know the market here, which construction companies to partner with.
He said he still recognizes most of us, but just can't recall the names. "Loida here, I remember was one among the four beauties in the class." "Pare, ang taas naman ng standard mo!", sigaw ni Luis. "Mas marami naman sa apat ang magaganda sa klase natin!" Mas malutong na halakhak this time.
Ayaw magsalita isa-isa ng mga locals.
(Itutuloy)
Si Gil lang pala ang nagsalita among the locals. Siya nga pala ang unang tinawag ni Ericson, na nagsalita sa Wikang Filipino. Masayang masaya daw siya sa pakikipagtipon sa atin. Tehnically, he is married daw. Bahala na raw tayong umisip kung ano ang ibig sabihin noon.
Earlier, nakuwento pala ni Vergel na nang tawagan niya si Gil sa UP, sa gulat niya sa sumagot ng 'Kasaysayan, Magandang Umaga po!', ay pangalang Gil Torres ang nasabi niyang ibig kausapin. Ang sagot siempre e walang ganoong tao doon!
Ayaw na nga magsalita ng other locals, kaya ni-run-down na ni Ericson ang info tungkol sa bawa't isa. He also got updated and occassionally, corrected, in the process. Example: si Ana, one of the boys, taga NFA, dalaga (binata na ngayon, with a medical certificate to prove it!)
Ni-recite ni Wilma yung poem niyang especially penned for Eric's b-day. (You should also see the one she did for the Mangonons' silver anniversary! Please browse at http://www.oocities.org/SoHo/Cafe/2588/silverpatfrank.html )
Binasa ni Pat yung message niya for Eric. Yung mga iba, ayaw nang mag-recite (hindi naman graded recitation!).
Nanood kami ng video presentation prepared by Eric's son and his friends. It showed Eric in various stages of his basketball career (Michael Jordan, eat your heart out!) as well as the greetings of all his family, friends and staff. Ericson is one well-loved person, and don't we know it!
Sayang di pa namin nakita yung book prepared by his family entitled 'Ponciano's Gold' . I am convincing Tricia to put up an online copy of it. Doon isasali yung mga messages natin, so habol na yung di pa gumagawa!
Nagkaroon din ng konting sayawan - exhibition ng LA style soulful dancing ni Hector and Tessie, plus mahinhin na dancing ni Dexter, saka playful dancing ni Luis at Wilma.
At nag-business meeting rin. Emmeline made a pitch for membership in the UPIS Foundation, for P500 each. May mga nakolektahan na rin siya doon. (I still say I do not have an emotional atttachment to UPIS.)
itutuloy pa
Maaga umalis si Jose and wife, susunduin pa raw ang anak na naiwanan ng school bus sa Greenhills?
Si Jimmy, nauna sa amin, may early flight daw siya kinabukasan at guest speaker siya dun sa Catarman. He is into recycling.
Nauna rin si Maripaz, who will go home to Valenzuela, and Ruth M., who will go home to Los Banos. Nag-iisa ang daughter niya sa bahay. "O, ano?" ultimatum niya sa akin. "Wala si Ojie, di ako sasama." (Hindi pala talaga dapat kasi naiwan ko nga ang medicines ko at na-skip ko na nga that day.)
Ang tanong sa akin ni Joemelo, "Mukha ba akong may problema?" Sagot ko, "Oo, it shows on your face!" Sa negosyo daw, pero kaya niyang dalhin.
Hindi na kumpleto ang classmates nang maalalang mag-class picture(s).
Pinanood pa pala namin yung video nung reunion sa West Coast, at pati yung video done by Franklin that very same night.
Tinanong ko pala si Hector kagabi (sa anniversary nina Pat and Franklin) kung sino yung 4 beauties sa list niya: Agnes, Mila, Tessie and Loida raw.
Hala, naghahalo na itong chismis, lito na yata ako! Okay na rin!
Sabi ni Arlette, we should see Elizabeth Plana raw, who is as beautiful as ever!
Maganda rin ang kuwento ni Tessie about Vic Yenko! Tumirik daw yung Mustang ni Vic at si Tessie ang good samaritan na tumigil at nagpahiram ng celfone. Si Vic daw ang nakakilala sa kanya.
Si Dexter, hanggang ngayon ay di pa ma-reconcile yung Ana B. na promdi na studious na seatmate niya sa Sampaguita na nag-degenerate into the tsismosa that I am now. Siya kasi ang ubod nang daldal noon (at in character pa rin hanggang ngayon!)
aayusin ko na lang uli ito bukas