In this episode, Ingkong Logio returns to Pantabangan,
his hometown.
Nang akoy magkapanahon nay ang una kong dinalaw ay ang libingan ng aking yumaong ama.
Makaraan ang may apat na buan ng aking masaya at maligayang buhay sa Pantabangan , ay ipinagtapat sa akin ng Sargento ng Guardia Civil na Kastila na si Pedro Martinez, na ako raw ay lubhang kinaiinisan ng Cura (pare), sapagkat una, ay ayaw ko raw humalik ng kamay sa pare, at ikalaway kung ikaw raw ay makipag usap sa pare ay para lamang sa iyong kauri at hindi ka nag uukol ng pag galang na karapat dapat sa isang pare na kahalili ng Dios sa lupa at ipinagbilin pa raw sa kanya na sa anomang pagkakamali ko ay hindi dapat ipag paumanhin kundi bagkus pa ngang laging parusahan at laging subaybayan ang lahat ng kanyang kilos, sapagkat ang taong iyan ay lubhang mapanganib.
Pinasalamatan ko ang Sargento at sinabi kong ng ako ay bata pa ay akoy humahalik sa kamay ng mga pare, ngunit ngayong akoy malaki na at may bait ay akoy nahihiya ng humalik sa kamay ng mga pare, sapagkat baka hinalain nilang akoy bata pa rin hangga ngayon. Ang Sargento ay natawa. Tungkol naman sa paggalang, patuloy ko, kailan may hindi ko ninais tipirin ang aking pag galang sa kaninoman at lalong lalo na sa isang itinuturing na ama ng kalulwa, at kung akoy nakikipag usap sa kanya (sa pare) ay sumasagot ako ng malumanay at buong katotohanan. Dinadaya siya ng kanyang paniniwala.
Talagang ganiyan sila (ang mga pare) ang sabi ng Sargento, sa Espana man ay ganiyan din ang kanilang ugali, silay lubhang mahilingin ngunit hindi marunong magbigay.
Ang Sargentong Castilang ito ay naging kaibigan kong matalik sapagkat mula ng akoy dumating sa Pantabangan , at kamiy magka kilala , ay naipahayag niya sa akin na siyay tiga Andalucia, at mula nooy kinausap ko na siya ng wikang Andaluz, kayat ang Sargentoy nagkaroon nga pagkagiliw sa akin. (Natutuhan ko ang wikang Andaluz sa Crucero Velazco, sa mga marinong Andaluz).
Makalipas ang ilang araw mula ng mag usap kami ng Sargento ng tungkol sa pare ay isang ale ko naman ang nagpakita ng isang sulat sa akin at sinabi niyang "basahin mo". Binasa ko ang sulat na nagsasabi ng ganito: "Maria, huag mon pabayan si Eulogio pumaron sa bahay mo, yan isan tulisan, demonio galin sa infierno makasalanan. An iyon Sacerdote.
Sa mga sumunod na araw ay nakatuklas na naman ako ng dalawa o tatlong sulat pa sa ibat ibang bahay na may dalaga at humigit kumulang ay katulad din ng sulat na nabasa kong una.
Ang balita ng Sargento at ang mga sulat ng pare na aking natuklasan ay naging maliwanag na babala sa akin, na sa aking likuray may isang maitim na anino ng panganib, sapagkat ng mga panahong yaoy umaalingasaw na ang amoy ng Revolucion o ang paghihimagsik ng mga Tagalog.
Isang gabiy iniulat ko sa aking ina ang nangyayari sa akin, at sinabi kong kailangang akoy umalis muna, magbabalik ako sa Maynila. Nang masabi ko itoy nanangis ang aking ina at sinabi niyang "sa pagdating mo rito sa piling koy naniwala akong akoy mapalad na, at ang kaligayahan koy madadala ko na hangan sa libingan, ngunit hindi pala kundi bagkus mo pa akong paluluhain". Ang dalamhati ng aking inay halos hindi ko mailarawan. Gayon may magiliw kong sinabi sa aking ina, na huag kang mabahala inang at kakamtan mong lahat ang inaasahan mong kaligayahan sa tulong ng Poong Bathala; maniwala ka inang na ang akoy umalis muna, sapagkat makalilibong mabuti, na may anak kang nagmamahal sa iyo kahit nasa malayo kaysa agawin sa piling mo ang minamahal mong anak. Pagka sabi ko nitoy wala nang nagbuka ng bibig sa aming dalawa at mga luha na lamang ang aming pinapag-usap.
Sa malungkot na tagpung itoy walang nakasaksi kundi ang dilim ng gabi sa loob ng bahay, sapagkat pinatay namin ang ilaw at anasan lamang ang salitaan, sa pag aalalang kamiy masubukan.
Mula sa kinabukasan ng gabing yaoy
hindi na ako nakita ninoman sa bayan ng Pantabangan.
Next episode, Ingkong Logio
joins the Katipunan ng mga Anak ng Bayan.