Abakada ng SPPPC ( 1999)

Year 5

Sarap Ulit-ulitin!

 

Basahin mo ito sa tamang mapang-akit na bigkas: Oooohhh, limang taon ka na pala. Well kahit ten years ka pa hindi kami magsasawang magbigay ng sakit-ulo sa mga avid readers)

BABALA: Ang babasahing ito ay likha lamang ng lalong dumumi at malaswang pag-iisip ng mga manunulat. Kung may pagkakahalintilad sa iyong buhay, hindi ito  lubusang sinasadya, naging basehan lang siguro. Pero mag-isip ka na rin baka it fits your personality at kapulutan pa ng aral. Patnubayan mo ang lang ang sarili mo.

A-  ALOG- isang lugar sa tabing ilog, mataas ang mga puno, pati na rin ang mga damo. Magandang mag-relax at gustong-gusto ng mga lovers sa choir. Peaceful kasi doon very conducive for…….. reflection and meditation. (Akala mo kung ano na, ano?) At biglang may sumigaw eeehhhh AHAS!- in English snake! At sa Pangasinan naman ay oleg! HISSS ka talaga, matapos ang lahat , lilingkisin mo lang kami. Hindi tuloy kami makakanta ng maayos at halos mangati na kami sa iyong scaly skin. Para namamahinga lang kami sa alog. Manlupos ka la para bumalik na ang dati mong kulay. AILA- please tulungan niyo naman kaming hanapin siya. She was last seen wearing a neon green, flowery, and velvety, mid rib, spaghetti strapped blouse, with matching fuchsia leggings and lavender clogs. (OO, talagang Versace model siya). Please e-mail us at lostandfound@spppcpolka.com

B-   Ang BAGONG BALONG- bagong mama, bagong celphone, bagong cheke, bagong kotse, bagong balat, pero hindi sa puwet, dahil masuwerte na siya ngayon. At kapansin-pansin din ang bago niyang kasipagan, baka may balak siyang magpa-re-elect bilang millennium president. Huwag ka dahil di pa I-tu-turnover ni Didith ang kaniyang trono. After the success of Miss Calasiao, ini-offer na kasi sa atin ang Limgas ng Dayat. Say niyo, BONGGA talaga!!!! BAKLA-BADAF-BADING-BAYOT- correct ka diyan; nagmu-multiply na sila… at very powerful at influential sila sa “pag-agaw” ng ekesena. Example na lang itong gustong mag-guest sa Paligsahan, at solo dance number pa ang inambisyon. Okay lang sana huwag mo lang agawin ang lahat sa amin. (Mukhang Sharon movie ito) BOBO- isang malaking parangal ang iginawad mo kay Didit Mr. O Ms. Messy Concerned Citizen of Calasiao. Sabihan mo ba naman siyang BOBO, eh di natuwa pa iyon. Siya ata ang founding member ng MAS BOBO Team ng SPPPC.

C-  CHANCE – give CHANCE to others… kaya masakit man sa loob, kailangan tanggapin. Maki-sing na lang kami with April Boy ng “ Di ko kayang tanggapin, na mawawala ka na sa amin….. napakasakit mang marining na ayaw na nila sa amin…..” CHALLENGE- challenge the loser; kaya lang sorry ka dahil hindi kami na-challenge dahil sa kantang : All to Jesus I surrender… I surrender all… I surrender all… (Sssshhhh soft lang ang kanta mga soprano). CHARLOTTE- ang atribidang bading na katulong ni Kris at Robin sa sitcom na PUWEDENG-PUWEDE pero hindi naman puwede. Manood ka every Wednesday, Channel 2, 8 o’ clock, ewan ko lang kung ‘di ka maimbyerna sa character na ito. CEBU-  Ikaw ang dahilan kung bakit na-abandon kami ng presidente at kung bakit muntik na rin siyang ma-abandon ng kaniyang PAPA. Ayan tuloy parang gusto na rin kaming bandonahin ng “kapalaran”. COPY CAT- “You’re nothing but a second rate, trying hard, COPY CAT!!! ( At binuhusan si Sharon sa mukha ng tubig ni LAVINIA-  scene from Bituing Walang Ningning). Kasi ginaya ba naman ni Sharon ang performance ni Cherrie Gil, ewan ko huh, pero hindi naman ata niya na-justify. Ano sa palagay mo? Ikaw ang nanood eh. CHALLENGING- very CHALLENGING talaga ang Miss CALASIAO 1999. Bakit kamo????? Answer: O di ba very CHALLENGING dahil hindi ka maka-answer??? CHEKE-  akala mo makakaligtas ka na ano? Puwes, nagkakamali ka, hindi pa tapos ang laban, o di ba mga SPPPC pipol?

D- DYNA-DESIREE, DEN-DEN- the SILVERIO sisters…. Mga soloista, sa kasalan mo sila makikita, mga “sagat” pagdating sa bayad dahil mahilig kasing kumain. Aba daig pa ang SPPPC sa charge, mga ambisyosa! Gusto niyo nang humiwalay sa grupo ano? Kasi naliliitan na kayo sa 300 pesos na bayad sa atin sa choir. DRUM AND LYRE COMPETITION- isa ring project ng SPPPC. Kung may mga taong ‘di marunong tumanggap ng pagkatalo, sorry na lang sila dahil  mas lalong hindi kami marunong tumanggap ng complaints. The decision of the judges is final and irrevocable.

E- ERE- ERE- nanganak na ang OLEG sa ALOG, at dalawa pa… dalawang badaf, kapansin-pansin kasi ang 360 degrees na “kiwel-kiwel” nila. Mag-ingat mga pipol sa alog, baka bigla tayong tuklwin, makamandag sila. Masaya ka na ngayon letter E dahil hindi ka na EWAN at di na rin MaE-EWAN! Dahil forever ng may oleg!

F-  FRIEND- A faithful firend is a strong defense. Lumabas na ang hatol, wala pang depensa ang mga nasasakdal. Nasaan ang katarungan. So, wala talaga kaming friend. Next year, asahan mo wala ka na sa letter F.  FANS- hina-hanap hanap niyo rin kami ano? Na-miss niyo na ang Galikin, kaya hayan after FIVE days of waiting kinanta na namin. Satisfied na ba kayo? FORGIVE & FORGET- sa inyo mga kapwa naming Sharonian, eto ang aming awit: “Forgive and Forget (2x) at sana’y huwag tayong muling magkagalit. Di ba’t pati ang sa ‘tiy nagmamahal ay nadadamay sa gusot; at dahil sa tampuhan ang mga kaibigan halos ay nasasangkot; Di naman mahirap tayong magpatawad sa isang pagkakamali…. Forgive na is to gain, forget na is to _______ay…. Naku….. mahirap yata yan. Di talaga kami maka-forget period.

G- GOWN COMPETITION- naalala niyo pa ba ang DIOS DE SALVE MARIA? Wala lang naalala lang namin, may complain? GUILTY or not GUILTY–  Do you swear to tell the truth and nothing but the truth? So help me God. Ignorance of the law excuses no one. Huwag ka ng mag-maang-maangan dahil isa kang accomplice. Sabi ng state witness nakita ka raw sa crime scene ng oras na iyon na nagpra-praktice ng ballet. DECISION: GUILTY beyond reasonable doubt. PENALTY: Four consecutive days improsonment. GABI ng lagim- mag-ingat sa mga daraang gabi, iwasan ang paglabas, ipinid ang pintuan, isara ang mga bintana, paghandaan ang pagsalakay ng GABING pananim- mahilig siyang mangalkal ng roots ng iba. GIRLIE- replica of Ricky.

H- very HECTIC- talaga ang schedule namin (May pagbabago ba?) Hanggang ngayon nagtataka ka pa, masanay ka na. If I know wish niyo sin maki-join sa ka-hectic-an naming. Kaya naman himbing na himbing talaga kami pag tulog. Kantahan man kami ng gumising… gumising… mga nahihimbing…. Di’ talaga kami magigising. Hindi kaya talagang nakakantok ang pampagising na ito? HAPPY BIRTHDAY- sarili… sinalubong mo ba naman ako ng intensity 6 na lindol. Talagang bongga at unique dahil alas dos ng madaling araw. I wasn’t expecting it… feeling ko minañanita ako kahit nakalimutan ako ni Maan ng tugtugan. HAPPY BIRTHDAY also to Perla and Papa Joven. 

I-   INTRIGA- sa mga talunan sa Ms. Calasiao nang-IINTRIGA so ibig sabihin nai-INGGIT ka? Hindi mo ba matanggap na may mas magaling sa iyo? INVADE – inivade daw uli ng KIWANIS at SPPPC ang beauty pageant? Eh kung magpakilala ka kaya Mr. o Miss Messy Concerned Citizen para mai-recommend ka naming nang hindi na lang kami palagi ang nakabilad sa limelight.

J-  the  10th letter of the alphabet, favorite letter ni Maan at Didith. JAMPACKED- ang plaza, successful na naman ang Miss Calasiao At Paligsahan sa Awit ’99. Basta kami ang gumalaw, walang palpak, kungmeron man di naming napansin yon ah.

K-  KARMA- naniniwala ka ba dito? Do not do unto others what you don’t want others to do unto you.

L-  LINDOL – hindi ka pa ba nakunsensiya? Maliwanag na di umaayon ang “nature” sa mga pangyayari. Baka naman kasi mas mabigat na ang kabilang kamay ni LADY Justice. Nakapiring pa naman siya kaya kailangan ng unbiased guidance.

M- MISS CALASIAO ’99- nakahilera ka na naman sa mga successful projects ng SPPPC. Buti na lang ay may MAYOR na patuloy na naniniwala sa atin. MARAMING salamat MAYOR!

N- gusto ng NOTA na kantahin siya sa tamang tono, kaya nga meron nito para hindi ka masintunado. Paki-usap-kung iibahin ang nota, ipagpaalam  muna sa composer kasi pag nagalit siya, baka hindi na siya gumawa ng kanta at lalong wala ka nang makantang nota.

O-  OVER-  talaga ang mga pangyayari this year ’99. Muntik na kaming ma-OVERTHROW at ma-OVER POWER; buti na lang magaling kaming magdala ng ka-OVERAN.

P-   PEEPING TOM- akala mo makakapagtago ka sa sarili mong anino? Kung hindi mo alam nakita ka ng mga “halogen” eyes namin. Eh ano ba kasi ang gusto mong malaman? Sana tinanong mo na lang, di ka naman mapapahiya eh. PROFESSIONAL- late ka na sa balita, pang 1,987 13  multiplied by the square root of 69 ka na sa mga nagsabing expert na talaga kami. (Expert mang-asar, expert lumusot at expert mambola).

Q-  QUATIT-  na-miss ka na naming word kaya ibabalik ka namin dahil timing ka ngayon.

R-   RICKY- replica of Girlie. REPLICA- girlie and Ricky, abangan ang tambalang ito….

S-   SABEL- sabi nila bata pa raw si Sabel, kaya lang ‘di talaga maiwasan kung marami siyang manliligaw isa na itong si Balong. SIMBANG GABI- simula ng pasko, pero mukhang hindi ata kami ang nagsimula. Pero oks lang ika nga nila “Save the best for last.”

T- TUPPERWARE- mabenta talaga ito, dahil durable sila, makapal na makapal ang texture, buong buo, hindi basta basta mababasag, kahit tapak-tapakan. Maaasahan sa lahat ng parties, weddings at debut. Sa mga nagbabalak bumili, mag-ingat sa imitation, baka masilaw kayo sa colorful beauty nila, iba pa rin syempre ang may pangalan. ….. TUPPERWARE the name you can trust.! TIE- still the unbeatable Maan and Didith. At II kami nga ang nag-sulat. Nasagot na ang katanungan mo. Salamat sa iyo Mr. O Miss Messy, Destructive, concerned citizen of Calasiao dahil sa iyong inspiring letter, nabugyan kami ng chance to write an also inspiring ABAKADA.

U-  pa UNDERDOG- effect kuno… nakakaawa… aping-api… walang kakampi… pero lahat ng pabor nasa kanila. Sino kaya ang mga tunay na UNDERDOGS?

V-  VOLTES FIVE- talagang pag nag-colt in sila kahit sino kaya nilang sagupain. VIVA FOREVER- hindi ka talaga makalimutan, isa kang energizer, to the max talaga ang power mo! It gets the SPPPC going.. and going… and going….

W- WORLD TOUR -  mapa – Chicago, Minessotta, Kansas, California, Saudi, Hongkong at maging local na Cebu at Baguio; Pang-international na talaga ang appeal ng SPPPC, talagang hindi na siya mapigilan sa pag-spread ng kaniyang mga wings. FLY… FLY… FLY AWAY… you let me FLY so high…. Thank you, thank you, thank God for you are the wind beneath our wings.

X- X- GIRLFRIENDS- huwag nang ipagduldulan ang sarili, huwag magpa-cute o di kaya ay magpakitang gilas dahil ang dati niyong mga boyfriends pag-aari ng  ng iba.

Y- YT – short for yours truly, Maan and Didith. Kung gusto ninyong maki-tie sa amin, gumawa kayo ng isang Abakada o higitan mo NUMBERS kaya? Kaya niyo yon?

Z-  ZHUT UP!!!!! aZUMPAL la!! – sa mga mahilig magpakitang gilas, para sa iyo ang letrang ito, kung may naiiisip kang appropriate word sabihin mo na lang dahil ‘ di na makakahabol sa press. Next year na lang. PeaZe men!

 

Back Home  I  Next  I