Abakada ng SPPPC ( 2000)

Year 6

(Subok na Matibay, Subok na Matatag !!!)

BABALA: Ang mga sulating ito ay talagang makatotohanan, hango sa pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng SPPPC. Kaya kung may pagkakahalintulad sa buhay mo, pwes ikaw na nga ang tinutukoy namin! Wala kang dapat gawin kundi tanggapin ang katotohanan. Ang mga manunulat ay saksi sa mga pangyayari, kaya’t wala ng pasakali ikaw na ang bahalang umintindi, dahil never kami mag-sosorry!

A-    AILA, AMY, APOT, ALPI- nasan na kayo, kasama nyo ba si Jennifer? (Kilala nyo ba si Jennifer? Sya ang may ari kay bulak. O recall nyo na ba?) Hindi kaya nagkatuluyan na kayong apat? APOT- ba’t sumama ka kay Amy. Una ka namang naging akin ah! Humanda ka AMY pagbalik mo, ihuhulog kita sa jeep para mabukulan ka rin sa ulo. Kaya lang huwag mo naman akong pabugbog sa mga kamag-anak mo, pleeeaaaaseee…. Oh ikaw naman AILAFLOR, may balak ka daw sumama kay ALPI? Sorry ka na lang, dahil hindi ka una naging kanya. Mas mabilis kasi ang footstephs ni STEPH. ARAAAAYYY….ARAAAAY… Naku… ohh… oh… kay sakit naman ng ginawa mo. ARAAAYY…. Bakit???? Dahil ba hindi ka nabonggahan sa costume namin “ ATILEM ”? Hindi kasi si Peping Evangelista ang couturier namin. Eh si Ensyang Modista naman iyon ng Pozurrubio ah! Pareho naman silang may TA sa huli. Di ka naman nag-judge according to criteria dahil kung i-aaply mo yon, lalabas sa computation mo ang katotohanan. Technical reasons pa ang dahilan mo, eh pareho naman tayong di maintindihan yan! Di ka talaga marunong mag-APPRECIATE ng music! AMPALAYA- a tropical vegetable with bitter taste, grown at the backyards and alog of Quesban! AMPAIT talaga sila no, kaya tuloy pag may kinaiinisan ang mga Quesban pipol, sinasabi nila AMPAIT ka! Tama ba, Vilma at Leng-Leng? ADVANCE- Advance daw huh? …. Madam man-advance tila? Di pa kasi tapos ang contest nag-aadvance na ng prize, ayan tuloy nauna na ang announcement ng Judge na iyon… “ due to technicalities… blah.. blah.. blahhh…” hindi naman siya si Chief Justice Davide nagbigay na sya ng hatol. Isa kang accessory to the crime of being  biased, dapat na-impeach ka as Chairman of the Board of Judges. Mga choir ihahain na natin ang ARTICLES of impeachement sa GALICAYO Senate, on the grounds of ……

B-    BIAS and BETRAYAL of public trust. Di tuloy kami makauwi sa bahay ng gabing iyon dahil sa kahihiyan. Inaasahan pa naman nila ang iuuuwi naming salapi. Di ka ba naawa sa amin, ikinulong at di kami pinakain ng 2 araw dahil sa kagagawan mo. BULOK-ayan tuloy binansagan kaming BULOK. Hay naku sawang-sawa na kami sa kakapintas mo! Buti na lang di ka na pinapansin. Eh talaga naman you are entitled to your own opinion. Eh ang tanong? Tinatanong ba naming ang opinion mo? Mag-ingat ka baka balang araw eh kailanganin mo ang mga BULOK na sinasabi mo. When the time comes, pasensyahan na lang tayo. BULAKLAK, BULAKLAK, BULAKLAK sa hardin, ayan na ayan na, BUBUYOG, BUBUYOG! Umiwas, umiwas, hwag hayaang lumapit, panusok nya’y nakakasakit. ( A friendly reminder from the DENR- Department of Environment and National (nga ba????) Resources.) Eh, mahirap na naman, sasakit na naman ulo namin, kaya ikaw na lang BUBUYOG ang mag-isip. BRIBE- nabigyan ka lang ng V-cut at Mango Nectar ( sa amin pa ata yung nectar ah) pina-nalo mo na sila. Eh kung sinabi mo sana, madali lang kaming kausap. Sana binigyan ka namin ng chichacorn, sarap yun ah, worth 25 pesos lang dun sa puto-an sa may Central.  BONGGA- hindi yata choral competition ang napuntahan namin kundi advance FLORES DE MAYO dahil sa dami ng sagalas with their matching escorts! Mistulang BASAHAN ang aming uniporme kumpara sa mga creations ni Peping, Patis at Vida. Eh ikaw Ensyang??? Mistulang kawawa…. Aaaayy, pero di bale… taas noo pa rin kami…. Nadala naman kami ng yabang namin. Kaya nyo yon? Di hamak na mas mayabang ang dating namin kesa sa inyo!

C-    CELLPHONES- 1…. 2… 3….4… 5… hay naku, mahirap magbilang ha! Ikaw na lang ang magbilang kung ilan ang may celfone sa SPPPC. Sa palagay ko mga 40 na. Si Madam na lang ata ang wala. Pero, huwag ka may beeper sya!!! Beep ng beep pag may praktis. Gusto mo bang makitawag? Pwes sasagutin ka lang naman ng machine ng “ Your account balance is ……. Zero peso…. And zero centavos… GOODBYE! Malalastog kayo, di nyo naman mapanindigan ang lastog nyo! Pinagbibili na namin mga cellphones, P 500 pesos each kasi wala na kaming pang-almusal pag may praktis. Price is still negotiable! CHRIST THE KING 2000- Question: Sinong kumanta? Answer: O di ba kami? Apasakey la anto? CONSISTENT na ang SPPPC for the past 5 years. Gusto nyo bang magpakanta sa Christ the KinG nyo next year? CHORAL COMPETITION – ang alam namin blending ng boses ang no. 1 criteria hindi ang soloistang boses palaka. Kaya nga choral, hindi vocal solo competition. Aaaah… basta… sa mula pa ng mamulat, aming mga mata, nakilala nat nasulat, SPPPC talaga, ikaw lamang, wala ng iba! (Sung to the tune of Johnson & Johnson commercial)

D-    DUMENOS- Kala namin DOMINO’S pizza, yun pala DOMINUS tecum ang kinakanta nyo. Trying hard kasing mag-Latin, pag di alam huwag kantahin! DEN-DEN-may tinatago ka palang kagandahang boses. Di hamak na mas magaling ka pa sa 2 mong sisters. Kaya pala story of Cinderella ka- aping-api at hindi isinasama sa mga wedding singing engagements nila. Proven beyond reasonable doubt, mas sagat sila sa yo. Hindi ba Papa Judge DIOMEDES? Sagot : Yes your honor! DYNA- isa kang martir, pinabayaan mong maagaw ng iba ang dapat na naging sa yo. Ayon sa aming bubwit, MU na daw kayo. Pano, yan, kumanta ka na lang ng “ Sayang na Sayang “ ni Manilyn. DING-DONG-DING-DONG- boyfriend sya ni Jezza Zaragosa. Si Jezza natin ng Abakada Year 4. Nanumbalik na ang kanyang siglang mag-promote sa tin, kaya yan marami na naman tayong bookings. Mabuhay ka Jezza!

E-    EMMANUEL- hindi ka ata dumating sa tawag namin O Come , O Come EMMANUEL. Hindi mo ba nagustuhan ang 4 voices namin ito, isang umaga ng simbang gabi? Di ka ba nakatulog sa pag-hele namin sa ‘yo ng  “batang lalaki ang sanggol’? Hayaan mo sa susunod, Away in a Manger na lang para- ma-feel mo ang hold ng cradle sa huli. OOOps, kapit lang, baka mahulog ka sa katagalan ng hold. ENGAGEMENT- aray, sabi mo noon ako ang ka-engage mo? Bakit ngayon nagbago isip mo? Pabago-bago ka talaga ng isip, sino ba ang nag-iimpluwensya sa iyo?

F-  FAVORITISM- kung ito ang criteria mo dapat, kami ang nanalo dahil kami ang FAVORITE ng crowd. Saan ang FAIR judgement na sinasabi nyo? FOREST- naging masukal na ang alog dahil sa frequent rain shower and thunderstorms ng relasyon nyo. Tanggap nyo na ba na ganyan kayo? Puwes kami hindi. Matagal na kaming nagtitimpi… kung ayaw nyo, huwag nyo, marami pa naman kaming reserba dito.

G- GROW up Wilma! Kumain ka kaya ng GROW foods, para naman mag-GO-GO-GLOW and GROW din ang relasyon nyo. GATZ-pinaayos pa namin ang schedule mo dito. Nasayang ang P 105 para sa tatlong halo-halo, yun pala di ka darating sa practice. GALING mong umarte! Nakakabilib. GALICAYO- ang sponsor ng contest na sinalihan namin. Next time, ayusin ang rules and regulations para walang complaints.

H-. HELEN- bakit mo pinag-away ang kuya at BF mo? Gusto mo lang gumawa ng issue. Di mo na naiisp na si Pedro ang nagbibigay ng baon mo, mga kapricho at luho mo nasusunod. Yan tuloy, pending ang departure mo  for US dahil hi-nold ni Pedro ang pamasahe mo. Si Leah na tuloy ang paborito nya. HAPPY 10th ANNIVERSARY- sa yo, Paligsahan sa Awit. More power to you, sana umabot pa tayo ng 50 golden years.

I-  INDIANERO at INDIANERA- talagang birds of the same feather flock together. Kawawa naman kayo, pero wala kaming magagawa, gusto ng computer na isulat ito. Bato-bato sa langit, ang mag-react ay guilty. I-REFER- pag may humanap sa amin, I-refer mo naman. Huwag maliitin ang accomplishment namin sa Paligsahan. Katakot-takot na dugo, pawis at sakripisyo na ang aming pinuhunan sa project na ito. Konting INTERVIEW lang naman pinagkait mo pa. Madamot ka sa interview.

J-     JO- maasahan talaga ang sound system mo. Sulit na ang binayad naming P20,000. Apple of the eye ka pa rin hanggang ngayon ng SPPPC. Kaya nga pag late ka, lagi kang nasisita. JUNSEN, JOEY, JUN-JUN, JOVEN- the contest is still open kung may papa kayo starting with letter J, puwede pa kayong sumali. Ikaw, Desiree, isasali mo ba ang papa mo?

K- KABANG YAMAN- bilib ako sa iyo, very efficient ka sa yong trabaho. Wala ka ring kai-kaibigan o kama-kamg-anak, kahit na sino di mo inuurungan. KASAL- alam nyo na ba ang bagong chika? Ikakasal na si Balong at Maan (melag) sa year 2001. Best wishes sa inyong dalawa, from SPPPC. KISSMARK- ikaw talaga, hiding behind the band aid pa eh obvious naman. Next time, the best way to hide a kissmark is to wear a scarf around your neck. Bongga ka pa di ba? Kesa naman band aid..cheap! Hiram ka kay Aila, dami sya collections ng scarves. 

L-  LONDON- Ingat ka kay Lt. Col. Amy, andyan na sya sa London . Na-promote kasi sya nang maaresto nya ang drug lord na si Chavit. LESSON PLAN- lagi na lang ito ang dahilan mo, pag di ka nakaka-attend. Ibahin mo na lang ang rason, voice LESSONS naman kaya. Turuan mo kami ha? LINGAYEN – hindi sana kayo ang nanalo kung di naming kayo pinahiram ng amplifier. Pasalamat kayo sa Chairman, sya ang dahilan ng pagkapanalo nyo. 

M- MANIAC- lumipat na sa Quesban ang rapist sa Mancup. Ito ang nasagap naming sa mga Quesban pipol, lalo na itong si Sayong, siya ata ang informant. Mag-ingat kayo sa pag-uwi ng gabi, baka makasalubong nyo siya. MALING AKALA- sino ba talaga ang gusto mong tukuyin? Ang sabi mo kasi, improve na at mas magaling na sila. Palagi ka kasing nagsisimba sa schedule nilang alas singko. Kung alas singko ng Wednesday iyon, baka tama ka. Kaya lang, sabi mo alas singko ng Linggo. Eh di kami yon!!!???!!! Maraming namamatay sa maling akala! MIKRO- di pa lumalabas ang anak mi MIke at Rowena, may pangalan na. Imaginary baby, kailan ka ba lalabas?

N- NO ENTRY- wala naming warning sign, bakit ayaw kaming papasukin? Sampung taon na kaming dumadaan dyan, bakit ngayon biglang may pagbabago? Utos ba yan ng head nyo sa MMDA? Nagtatanong lang naman.

O- OPEN FORUM – ang birthday gift ng mga lalaki kay Madam. How sweet and throughtful naman.

P- PITONG SUGAT – nasan na ang sinasabi mong ito? Kayo talgang mga lalaki gusto pang I-dare ang mga kasama nyo. PRE-PAID- pautang naman ng P250 o? wala na kasing load ang celfones naming. Display lang ang mga celfones na yun. PAKIALAMERO- kalalaki nyong tao, mahilig kayo sa tsismis. Bakit PANINIRA ang ginawa nyo sa halip na PAGTUTULAY para masolve ang PROBLEMA? Nasan na ang bonding na pinagyayabang niyo sa mga babae? Talagang nasa huli ang PAGSISISI. PA-SIMPLE –ka pa pero garapal naman. Obvious na celfone number ang habol mo. Buti na lang natiktikan ng guardia civil, pinatalikod ang iyong biktima, para di ma-interview. PAPANSIN- sa tuwing kakain kami dyan sa Masayang Bubuyog restaurant lagi ka na lang lumalabas. Bakit sino ba ang tinitignan mo? Wala na syang honey, hinarvest ko na!

Q  QUATIT-kala ko mga SPPPC lang ang QUATIT, si Lexter rin pala. Di ka naman sumama sa practice ng Tanging Yaman, bakit ka nag-second voice? Sumama ka na lang sa practice ng Lupa, welcome na welcome ka dahil dyan bagay ang boses mo.

R- RICKY- sa wakas, natagpuan mo na ang katapat mo. Muli kang nabuhay sa katauhan ni RENIEL. Sadyang nakakabingi ang kanyang katahimikan. Kaya rin kaya nyang mag-split kagaya mo?

S-    SUGOD- mga kapatid!!! Ano ngayon, nasubukan mo na ang katapangan ng mga SPPPC boys? Ata-ata ka tuloy mag-explain, pero di ka rin umubra. Babalik sa yo ang ginawa mo, mahihirapan kang umutang sa premyo namin.

T-     TSEKE-  Nakalusot ka sa letrang C pero hindi sa letrang ito. Talagang nakaukit na magpakailanman sa ming palad ang yung pangalan. TIE-  still Maan and Didit. Kaya huwag kang magkakamaling gumawa ng kaartehan, dahil siguradong masusualt ka dito. Huwag mo kaming subukan! Sa Abakada, walang kama-kamaganak, walang kai-kaibigan!

U-    U-SHAPE- ayon sa aming mapa, ito na ang pinaka-tamang daan, eh ang hirap sa yo pina-detour mo pa kami. Siguro, gusto mo kaming hulihin para mako-tongan. Puwes, malakas kami sa head nyo, kaya nakarating din kami sa paroroonan, nakuha din namin ang gold mine. UNIFORM-  kailan kaya mapapalitan ang mga uniform nating ATILEM? Asa pa, palabhan nyo na lang kay LUMEN, wais iyon  sa SURF.

V-    VICTORY- JOE, Congrats! Ikaw ang nagwagi as our official sound system. VILMA- hay naku, Ate Vi, wag pag-aksayahan ng panahon ang iyong mga kababayan. Ignore them, masisira ang career mo sa Lipa. Talagang wala na silang pagbabago. Isulat mo na lang kay Ate Charo ang “AMPAIT” nilang karanasan.

W-  WINNER- para sa townspeople ng Calasiao, winner pa rin kami. WORLD TOUR- tuloy pa rin ang pag-spread ng wings ng SPPPC. Meron na rin kaming ambassador sa London, next year baka sa Australia naman. Pero cgurado sa 15th Year Anniversary naming sama-sama kami sa thanksgiving mass namin sa Vatican City, Rome. Haaay, nakakapagod naman yan!

X-    X-PRESS yourself- ito na ang bagong image ng choir. Prangka, at kung anong gusto syang ginagawa. Di na mapigil, di na maawat at di na natuto. Ang ala-sais ginagawang alas-syete, ang soft ginagawang loud, ang solo ginagawang unison, ang mabilis ginagawang mabagal, ang mabagal ginagawang mabilis, sobrang bilis, di na maka-catch-up sa tune. Ito ata ang dahilan kaya tayo natalo sa choral singing contest? Matigas talaga ang mga ulo n’yo mga choir.

Y-     YOURS TRULY- Maan and Didit Ang local Tigbak Authority ng Starttalk ng katulad naming kakinisan at kagandahang si Rosanna. Talagang ka-kalkalin naming ang inyong mga roots, kaya huwag nang magmalinis, alam namin ang darkest secrets nyo. Walang personalan, trabaho lang ito!

Z - ZIMBANG GABI- ikaw na lang palagi ang nagsisimula ng pasko. Ikaw din palagi ang official contest piece ng SPPPC. Apasakey met la!!! ZAYONARA!!!!           

 

I BackHomeNext  I