and the time is |
| Home | About Me | Articles | Site Links | Site Map | My Guestbook |
For most college students, particularly those from the province, the dormitory is the first option to stay in while in the university. I say first option because it,s cheaper and it provides cheaper access to the campus. Now it's not the first option if: (a) you have loads of money to spend on renting spacious pads/condo units or expensive boarding houses; (b) you have loads of stamina to endure the pain of commuting to and from the university (if you're just from Bulacan and other so-near-yet-so-far provinces); (c) you have a relative where you can stay in; (d) you just don,t feel like living in a dorm; or (e) you are just downright maarte (Yuck! Sa dorm?! Di ba you have to share bathrooms there? That's so kadiri!!!) Anyway, some say living in a dorm is actually a privilege (the brochures they give actually say that) because not everybody is admitted. Now, living there is not easy at all times, so here are some tips that will hopefully help you survive dorm life: Getting In Of course, you have to be admitted first before you become a dormer. When applying... · Be in your Miss Congeniality/Goody-Two-Shoes mode. Put on your sweet, shy smile that would make you look like a vulnerable six-year-old. Dorm managers have the reputation of being tigers but they actually soften at the sight of innocence and friendliness. · Talk to her as you would to your own mother, at the same time keeping those extra- polite manners. · Exaggerate. Tell him/her your family's financial status is not that steady, that paying 1000/month for boarding houses is just too much for you. · If he/she argues that your province is just nearby (like Bulacan or Cavite), tell him/her your body cannot take the day-to-day traffic and that you spend too much time in the library studying to even bother going home. That way you can persuade her to give you a slot. DORMing Proper · Check-in a few days earlier so you can choose which part of the room you want to be in (beside the window, beside the wall, or near the door). · Love your roommates. You'll live with them for a good 5 months or probably for the rest of your college life, so you better know them well so you can all live harmoniously. · If you are not used to puyatan, then you better prepare yourself. A dormer's definition of "early to bed" is around 11 p.m., or even later. · Have some sense of control. · Be resourceful. |
| ORAPRONOBIS: Isang Reaksyon Minsan sa buhay ng isang tao, dumarating ang pagkakataon na kailangan niyang gumawa ng isang mabigat na desisyon - mga desisyong magdudulot ng malaking epekto sa kanyang buhay, kung hindi man tuluyang pagbabago. Minsan, nagiging madali ang pagpili. 'Yung tipong hindi mo na kailangang pumailalim sa walang humpay na pagtatanong at pagmumuni-muni, kasi ang puso at isipan mo ay umaayon sa iisang bagay - kung ano ang gusto mo. Pero minsan, kapag masyadong komplikado ang sitwasyon, kailangan ng masinsinang pag- iisip, upang sa huli ay hindi mo pagsisihan ang iyong hakbang. Ang Orapronobis, ay isang pelikulang puno ng pagtatanong at paggawa ng desisyon. Ang pangunahing tauhan na si Jimmy Cordero (Phillip Salvador) ay nasa isang komplikadong sitwasyon. Isa syang political prisoner noong rehimeng Marcos at pinalaya nang matapos ang diktadura. Ipinagpatuloy niya ang gawain sa pagsulong ng karapatang pantao. Akala niya at ng iba pa ay maayos na takbo ng lipunan sa ilalaim ng bagong administrasyon, subalit nang sumabog ang balita ng mga krimeng nagaganap sa isang nayong di kalayuan sa Maynila, nag- iba ang takbo ng mga bagay bagay. Sa istorya, dalawang karakter ang nagsisilbing kunsensyang nagbabalik ng nakaraan ni Jimmy, at ng mga naiwan niyang responsilbilidad - Si Esper (Gina Alajar) at ang anak nitong si Camilo (na ang ama ay si Jimmy). Ang mga kalupitang dinaranas nila na humantong din sa kanilang pagkamatay ang mag-uudyok kay Jimmy na bumalik sa kilusan, sa tinatawag na "armed struggle". Kung ating susuriin, lumalabas na kailangan pang magkaroon ng isang "driving force" bago tuluyang magdesisyon si Jimmy. Ang kanyang pagbabalik sa underground ay tulak ng kanyang pagnanais na maghiganti at magbigay proteksyon - maghiganti para sa babae at anak na biktima ng kabulukan ng sistema, at magbigay proteksyon sa asawa at anak niya na maaaring mawala sa kanya kung hindi siya ikilos para sa pagbabago. Sa huling eksena ng pelikula, niya tawagan ang numerong bigay ni Rene ay minasdan muna niya ang kanyang natutulog na asawa at anak. Ito ay isang malinaw na patunay na ang kanyang desisyong bumalik ay apektado ng kanyang naising ialyo ang pamilya sa mga panganib na maaaring dumating sa kanyang buhay. Hayaan niyo muna akong magbigay ng isang maikling salaysay. Noong Edsa Dos, sumama ako sa rally isang araw. Huwebes noon at mainit ang panahon, sa literal at piguratibang pagpapakahulugan. Nagtipon ang mga estudyante, guro at iba pang miyembro ng komunidad ng UP sa Quezon Hall. Mula roon ay nagmartsa ang delegasyon papuntang Edsa Shrine. Yoon ang kauna- unahang pagkakataon na sumama ako sa ganoong uri ng lakaran. Mahaba- haba rin ang distansya mula UP hanggang Edsa Shrine. Dahil sa pagod at pananakit ng mga paa, pagdating sa Cubao ay sumakay ako ng MRT. Naisip ko noon, dapat mahiya ako, kasi ni hindi ko man lang pinanindigan na maglakad "all the way". Ni hindi ko man lang nilabanan ang init ng araw at ang pananakit ng mga paa ko. Kung tutuusin, napakaliit na bagay lang nun, ung paglalakad ko. 'Yung iba nga e, ilang araw na dun sa Edsa o sa Mendiola. Samantalang ako, isang beses lang naglakad, nag- MRT pa. Pero pagdating ko dun, nawala na sa isip ko 'yung mga pag- aalinlangan. Iba ang pakiramdam pag nandun ka na, doon mismo sa kalsada kasama ang maraming tao. Ni hindi ko nga kilala ang karamihan sa kanila, pero sa tuwing sumisigaw na ng "Sobra nang pahirap, patalsikin si Erap" o kaya "ERAP RESIGN!", iba ang pakiramdam. Masaya, nakakaiyak, nakakapagbigay ng "sense of belonging" . Umuwi ako nang araw ding iyon talaga namang isang di malilimutang karanasan ang nangyaring iyon. Iyon di ang huling rally/ martsa na nasamahan ko. Madalas nga ay tinatanong ko ang sarili ko, ano ba talaga ako, aktibista o nag- aakti- aktibistahan lang? Gaano ba dapat kalalim ang "social involvement" mo tungo sa pagbabago? Oo, may pakialam ako, hindi ko gusto ang kalakaran ng sistema, pero may ginagawa ba ako tungkol dito? Sapat na ba na mainis ako sa tuwing napapanood ang mga balita sa TV? Sapat na ba na kamuhiaan ko ang mga taong nagpapalakad ng gobyerno na walang ginawa kundi magpaloko sa mga Kano at pabayaang ang mga totong isyu at problemang kinakaharap ng lipunan? Dapat ba na antayin ko pang matapakan ang karapatan ko bago ako kumilos at isigaw ang pagtutol sa sistema? Alam kong hindi sapat iyon. At alam ko rin na sa puntong ito, hindi pa ako handang magdesisyon kung saan ba talaga ako lulugar. Basta ang alam ko, gusto ko ng pagbabago. Hindi ba't yun ang gusto rin ng karamihan? Sa isang eksena sa pelikula ay binanggit ni Komander Kontra ang mga katagang ito - "Sabi nila, ang rebelde ay isda, ang masa ay dagat. Ang rebelde ngayon ay sisinghap- singhap sapagkat pinatutuyo namin ang dagat, at hindi kami titigil hangga't hindi sila mauubusan ng lalanguyan." Sa konteksto ng istorya, hindi maganda ang pakahulugan dito dahil ito ay mula sa isang taong walang awang kumikitil ng buhay at lumalabag sa karapatang pantao. Subalit kung isasakonteksto natin ito sa usapin ng "social involvement", nararapat ang nais nitong ipahatid. Ang bulok na sistema at mga taong nagpapatakbo rito ay ay mga isda, at tayo - tayong mga mamamayan ang siyang dapat kumilos upang maubusan sila ng lalanguyan at upang maging maayos ang takbo ng lipunan. |
Back to top
|