Message Board : : Old Guestbook : : JologWords : : Grad Song Lyrics


The Jologs Dictionary
Legend: the word the meaning usage

Agihap
>>> libag na dumidikit sa panty o brief dahil sa labis na pagmamahal sa suot-panloob
>>> nabubuo ang agihap kung and panty o brief ay nasuot na nang di bababa sa tatlong araw
"Ang AGIHAP ay mahirap tanggalin... kahit gamitan pa ng Ariel."

Alpombra
>>> kasuotan sa paa na kadalasang nakikitang suot ng mga tindero ng yosi sa Quiapo
>>> ito'y may makipot na suotan ng paa at manipis na suwelas
>>> mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mga lalaki
"...available in green, blue, pink, etc..."

Arenola
>>> isang kagamitan na parang kaldero na nagsisilbing anidoro
>>> ito ay karaniwang ginagamit ng mga tao sa lalo sa gabi sa maraming kadahilanan kabilang na ang takot, pagkatamad at iba pa

"Nay... gising ka, samahan mo ako sa baba kasi nakalimutan kong ipanhik yung ARENOLA."

Asogue
>>> buhok sa kili-kili
"Nakita mo ba ang kanyang ASOGUEng mala-gubat? Nakakadireee!"

Bakokang
>>> higanteng peklat
>>> madalas na dulot ng sugat na malalaki
>>> imbis na normal na normal na balat ang nakatakip sa BAKOKANG, ito'y mayroong makintab na takip
"Aargh! Nakakatakot ang BAKOKANG mo!"


Bakti
>>> paikling salita sa bakat-panty
"Nakita mo ba si Ma'am? Bakti na naman siya..."

Baktol

>>> ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili
>>> ang BAKTOL ay kaparehong amoy ng nabubulok na bayabas
>>> ito'y dumidikit sa damit at humahalo sa pawis
>>> madalas na naaamoy tuwing registration lalo na sa mga GE subjects gaya ng natsci, comm, socsci, etc. dahil sa sobrang siksikan ng mga estudyante
"Shiyet! Sino'ng amoy BAKTOL sa inyo???"

Baktung
>>> paikling salita sa bakat-utong
"Uy, Jefferson! Tignan mo si Ma'am... BAKTUNG na naman..."

Barnakol
>>> maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon
"Ang BARNAKOL ay karaniwan sa mga tabaing tao."

Batuytuy
>>> etits ng bata
"Umatras ang kanyang BATUYTUY nang makita ang itak na pantuli."

Bultokachi
>>> tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang higanteng ebak
"Utoy, palakasan tayo ng BULTOKACHI."


Burnik
>>> taeng sumabet sa buhok sa pwet
>>> madalas na nararanasan ng mgataongnagtitissue lamang pagkatapos tumae
>>> ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito
>>> ipinapayo sa may mga BURNIK na maligo na lamang para maalis ito
"Labs, alam ko kinain mo kanina..."

Dukit
>>> ito'y ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang iyong daliri sa pwet mo
"Try it to prove it... that's DUKIT!"


Ebak
>>> tae
>>> jeb o jebs

(Sa c.r.) "Huy (sabay kalampag sa pinto)! Ano ba... ang bagal mo... lalabas na yung ebak ko!"

Jabarr
>>> hango sa panalan ng isang dating sikat na basketbolista na grabe magpawis
>>> pawis ng katawan
"Pare... buwiset! JABARR na JABARR na ako!"

Jeb
>>> tae
>>> ebak
>>> JEBS pag madame
"Dude... pa-JEBS nga..."

Jowa
>>> sing-irog
>>> kasintahan
"Ang JOWA ko ay di-kagandahan pero mayaman."

Kalamantutay
>>> mabahong pangalan

Kukurikapu
>>> libag sa ilalim ng boobs
>>> madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan
>>> maaari ring mamuo kung di talaga naliligo o naghihilod ang isang babae
>>> ang KUKURIKAPU ay mas madalas mamuo sa mgababaeng malalaki ang joga.
"Honey, maligo ka na kaya para maalis yang KUKURIKAPU mo..."

Lapongga
>>> kahalintulad sa laplapan o lamasan
"Hoy Utoy! Bakit ba ang hilig mo sa sineng puro LAPONGGA lang ang palabas?"

Mc Arthur
>>> taeng bumabalik after mong i-flush
"It's back!!!"

Mulmul
>>> buhok sa gitna ng isang nunal
>>> mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal
>>> di talaga ito naaalis kahit na bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipapa-laser
"How nice naman your MULMUL!"

Spongklong
>>> ito'y isang makabagong wika na nangangahulugang isang estupidong tao
"Ay! Sadyang kay dami ng SPONGKLONG sa lipunan!"

Weneklek
>>> ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad
>>> meron din ang mga babae nito
"Inay! Inay! Si Itay sinaksak yung kapitbahay natin kasi hinila yung WENEKLEK niya."