VISIONARY
TARAN(TULA)

TERAPI
Ninakaw, wallet na walang laman
Habang nakasakay sa Katipunan.
Sa Mass Comm, bumalik ang ID ni Kram.

Ang buhay ay masaya.

Isang open forum, nagalit si Melinda
Nang tanungin kung ba’t peryodismo’y pang-elitista,
“Masa dapat ang magsabi ng gagawin namin!” sigaw niya.

Ang buhay ay masaya.

May fans’ day sa Quezon Av. si Toto
Tulog na namamalimos sa mga samaritano,
Gusto kong magbigay, wala naman ako ni piso.

Ang buhay ay masaya.

Tangina.

|

September 19, 2004

song of the moment:Outrageous (that Raganarok sound)
current status:having blurred visions
wish ko lang: spend my time, energy, and money wisely

Ang Batch Interview

Pre-Batch Interview Silverbolt:

 Ngarag pagkatapos ng pabalik-balik na pagpunta sa Tanggapan ng mga Gawaing Pang-mag-aaral para sa kumpletong listahan ng mga kinilalang samahan ng mga mag-aaral ngayong taong pang-akademiko na para sa aking ulat na nagsisiyasat sa klase ko sa Pamamahayag 101 ni Ginoong Luis Teodoro.

 Nang ipapasa ko na ang liham-pakiusap para mabigyan ako ng Tanggapan ng mga Gawaing Pang-mag-aaral ng kumpletong listahan ng mga kinilalang samahan ng mga mag-aaral ngayong taong pang-akademiko para sa aking ulat na nagsisiyasat na para sa klase ko sa Pamamahayag 101 ni Ginoong Luis Teodoro, kailangan ko raw na papirmahan iyon sa aking butihing guro.

 Kaya naisipan ko na lang na huwag nang kumuha ng kumpletong listahan…dahil bukod sa pwede namang magtanong-tanong na lang ako, tinamad na ko.

 Tapos pumunta na ko sa Maskom. Nakita ko ang mga applikante na mukhang yuppies (bwiset, nasira na tagalog ko) na naglalakad papuntang Batibot. Batch interview na maya-maya. Bigla kong naalala, Mem Com head nga pala ako.

 Opkors, exaggeration lang yun. Pero ang talagang pumasok sa isip ko eh eto na yung aplikasyon ng aming paghihirap. Mas magiging maayos ba ang panayam sa kanilang henerasyon (sori, ano bang tagalog ng batch?) ngayon? Makakaya ko bang maging isang ate Kate?

 Opkors hinde. Ako si Jerry. Minsan Jerald. Dating Meteorcrasher. Ngayo’y Silverbolt. Ok lang naman siguro magkamali ako para matuto. Bahala na lang ang mga katauhan ko…Ok guys, let’s volt in!

*put Voltes V theme here*

Ang Briefing

Sa Batibot, habang hinihintay pa ang dalawang nawawalang apps, pinag-praktis ko muna sila ng Preamble nang sabay-sabay. Tapos walang humpay naman akong nagpapa-alala ng mga dapat nilang gagawin. Mahirap na kasi baka may mangyari. Pagkatapos ko, biglang nagsalita si Lawrence.

“At higit sa lahat, wag nyong kalimutang mag-enjoy!”

Oo nga naman.:)

Iyakan Mode

Ayoko ng nakakakita ng taong umiiyak. Pero parang kinailangan. Isang lesson sa pagiging MemCom head – paano maging bato at unan at the same time.

‘Ako! Ako!’

Sabi ng isang aplikante ayaw nyang magbanggit ng taong pabigat sa kanilang grupo dahil mas alam nya ang pagkakamali nya kesa ng iba. Naalala ko tuloy yung isang taong nagsabi rin nyan nung batch interview namin. Ako kasi ang tinaguriang ‘weakest link’ noon at walang takot nya kong pinagtanggol sa mga mems. Sinabi nya na ang tanong eh layuning makasakit ng damdamin hindi i-test ang batch unity.

Ang taong yun ang naging matalik na kaibigan ko sa UJP.

Hindi ‘Weakest Link’

Sinabihan ako ni Emman na gusto nyang ipasok yun pero hindi nya alam kung paano dahil baka maulit na naman ang nangyari dati kung saan pinasabi lang sa bawat app ang sa tingin nilang weakest link ng batch. So imagine ninyo kung names lang ang maririnig ninyo. Walang dahilan. Walang feedback.

Opkors, alam ko kung ano ang pakiramdam…hehe.

Kaya ganito ang ginawa kong tanong: Sino sa tingin ninyo ang may kakulangan sa performance bilang part ng inyong batch? Saka bakit? Wag nyong gawing rason na ayaw nyo ang ugali nya. Isipin nyo kung memorize nya ba ang preamble, alam ba nya ang consti, umaatend ba ng meetings nyo,work ethics,etc.

Tapos, sa lahat ng app na nabanggit, tinanong naman namin kung agree ba sya dito at ano na ang gagawin nya before induction pagkatapos marinig ang mga sinabi ng mga co-apps nya.

O diba? Napakasimple.Walang gulo.:)

Areas for Improvement

Maingay ang mems pag may nagsasalita. Maraming nahihilo at hinika. Mas napaghandaan ang batch presentation kesa consti. Bigla na lang may nag-bubutt in pag may nagsasalita.

Anong gagawin namin dito?

Saka na lang.

Committee Cheering Competition

Syempre panahon rin naman ng mga mems para magsaya. Kaya may contest kami ng mga cheers after ng interview.

Mem

Me-e-eeem (goat sound)

--cheerer ako nung haiskul at nahihiya ako sa cheer namin..

IP
Ip-ip-ip-ip
Ip-ip
--naka white shirt lahat tapos may wavy at callboy moves. Tapos may pyramid pa! :)

Sec

Go Sec! Go Sec! (Go USTe cheer)

--ang masasabi ko lang…how original..;)

Ad Hoc

A-D-H-O-C!
Go Ad Hoc!
Sila’y bulok.

--Si Glen lang ang nag-cheer.Biglang lumayo sa kanya sila Irish…hehe.

Educ

Edukasyon ! Edukasyon!
Karapatan ng Mamamayan!

Fin

Badyet ng UJP!
Dagdagan! Dagdagan! Huwag bawasan!

--hehe, san ka pa.

*and the winnah is...

CVCC!:)

Last Words

Salamat sa Batch Interview, parang nagkaroon ng reunion ang UJP. Si Ate Almi lang ata wala. At nag-uusap na rin ang lahat.:D



|

September 12, 2004

song of the moment:my place [nelly feat. shaim]
current status:happy is an understatement
wish ko lang: get through with acads stuff

kumpisal ng isang bata


Tandang-tanda ko pa nun…ang bawat detalyeng naganap sa silid na ‘yon.

Una, pinahubad nya ang short ko.

Sumunod ang brief ko.

Tapos pinahiga nya ako sa isang sulok habang nakalantad ang aking mulawin.

Medyo nanginginig ako nun kaso wala akong magawa…

Dose anyos ako nang nangyari ang lahat ng ito.

Kanina,napagpasyahan ko na siyang balikan. Ngayon, handa na ko.

Kasama si Mommy, bumalik ako upang haraping muli ang taong tumuli sa’kin –si Doc Borja.

Nitong nakaraang taon, kadalasang bawat araw ay dumudura ako ng dugo. Ngayon, malalaman na naming kung ano nga bang sakit ko pagkatapos ng ilang buwang pag-konsulta at pag-inom ng tatlong klaseng gamot araw-araw.

X-ray Result: CLEAR
Sputum Test: CLEAR

“Negative talaga ang resulta,”sabi ni Doc.
“So ano po ba ang sakit ko?”
“Stress.”

Stress. Kapaguran. Mental,emotional at physical strain. Sabi ni Doc, ito raw ang mga dapat kong gawin:

1. Inumin ang prescribed medicines para sa pagdurugo (hmm..bat parang mali ata..) at vitamins para sa pampalakas ng katawan (opkors).

2. Huwag uminom ng malalamig na inumin (ngek, pano kaya yun, kung puro pampalamig –sa ingles, refreshment yata – ang available lang sa paligid?).

3. Iwasang magbuhat ng mabibigat na bagay (ha? Next sem, weight training gusto kung kunin…tapos…).

4. Huwag magbibilad sa ilalim ng mainit na araw (pano ‘yan…naglalakad ako sa peyups para makatipid ng pamasahe…)

Nang umuwi na kami mula sa klinika ni Doc, sinabihan kaagad ako ni mommy. “Iwasan mo na yang pagsasali mo ng mga orgs, ha.”
“Mommy di lang naman ang orgs ang nakakasakit sa ulo. Pati pamilya…”

Tumahimik si mommy.

Kung bakit di na lang kasi acads ang sinabi ko.Kaso yun naman ang totoo. Pamilya, acads, orgs, kaibigan, pseudo-love life,at pera ang mga bagay na nakaapekto sa’kin nitong mga nakaraang buwan.Lahat konektado. Syempre ang Diyos, di naman talaga nakakasakit ng ulo pero Sya ang laging napagsasamaan ng loob sa mga nangyayari.

Napag-isip tuloy ako. Kailangan siguro di lang ako dumepende sa mga gamot para di na ko magluwa ng dugo tuwing umaga. Kailangan ko ng bagong perspektibo sa lahat ng bagay.

Kaya simula sa araw na ‘to, pipiliting kong magbago. Ito naman ang mga bagay na dapat kong gawin:

1. Priority dapat si God.Kung may pagkakataong gawin, gawin na.
2. Matutong kontrolin ang galit at magpasensya sa lahat. Sa lahat ng bagay, be subtle.
3. Less time sa orgs pero gagawin ang responsibilities, more time sa friends.
4. Isipin na wala akong dapat aalahanin sa sinasabi ng iba dahil wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Quoting lagsh: Anything is whatever you think it is.
5. Maging masaya at iwasan na ang pagiging madrama.
6. Magtipid. Once a week lang mag-bloblog. Gumastos sa pagkain hindi sa luho.
7. Mag-almusal bago umalis ng bahay.
8. Piliin ang mga taong pagsasabihan ng mga personal na bagay.
9. Low profile status.
10. Be myself. Or rather find who the hell I am.


Hmm..may nakalimutan pa ba ko? Ah, basta. Ngayon, palang na-eexcite na ‘ko. Simple lang naman ang buhay ko kung tutuusin, bat gagawin ko pang komplikado,diba? Bukas, itre-treat ko ang sarili ko sa McDo! Ay…wala pa la akong pera..monay na lang. :P


|

September 10, 2004

song of the moment:my place [nelly feat. shaim]
current status:broke
wish ko lang:magkapera

hanggang tingin na lang ba 'ko?



minsan lang dumating ito...nandyan sya sa harapan ko...

wala...

wala...

wala akong masabi...


September 4, 2004

song of the moment:ikaw nga [south border]
current status:acad mode
wish ko lang:maging mulawin



Ako si Jerry, isang melodramatic na tao. Sabi nila ang drama ko raw..masubukan ngang maging masaya…




Ka-cell ko si Roxanne Barcelo!


Actually, hindi talaga.Siyempre dun sya sa cell group ng mga babae. Mga dalawang meetings ko na rin syang nakikita.Kaya nga siguro, bukod na blessed ako bago pumasok sa film,inspired pa...hehe.:P Nacurious tuloy ako. P’ano kaya mag-share ng Gospel ang isang artista?

Pero ano bang magagawa ko? Na-stuck ako sa grupo ng mga lalake (pero full of wisdom :)) At ito pa, sa buong cell, ako lang ang hindi Streetdancer(next year pa,sana...)

Well,except si Roxanne…hehehe.





Crush ko Si Ms. SP!

Ito ang aking lihim na pilit tinatatago tuwing sya’y pumapasok sa Room M211. Sino bang hindi hahanga sa kanya? Maganda. Matalino. May MA pa sa Developmental Economics.

Kaya natutuwa ako pag bigla na lang nya kong tinatawag. Kinikilig ako. Parang haiskul ako ulit. Hehehe. Ewan ko ba, di naman ako bibo sa klase nya. Mas ok pa kasing makinig sa kanya kesa magsalita. Para akong nasa langit tuwing alas kwatro ng hapon.

Whew..

Fast forward. Dumating ang araw ng report namin. Tungkol sa TV kaya may trip kami sa labas ng classroom---ang napakalayong TV studio. Yun ang first time kong makapasok sa parte ng Maskom na’yun. Hmmm... dito pala ang kuta ng mga BC…

Medyo na-bobore na ata ang mga classmates ko sa lecture kaya naisipan namin ni Ara na mag-mini prod. Syempre, nag-volunteer akong maging talent.Tinanggal ko ang salamin ko at pahapyaw na inayos ang shirt ko. Aba, ito na yata ang sinasabi ni Erik Santos: “This is the moment!”

Pinapasok kami sa mismong studio sa baba. Ang lawak pala nun. Nandun ung mga cams,props, lights,etc. Tinuruan muna ni Kuya A gumamit ng camera ang dalawa naming kaklase habang kami ni Ara, nag-iisip ng gagawin.

Kaunti lang kaming pinababa dun kasi manood yung classmates namin sa itaas. Na-curious ako sa mic na sa taas ko.Tinanong ko yung isang BC major kung naka-on ung mic. Sabi nya hindi raw. Di ko alam kung anong pumasok sa’kin, basta bigla na lang akong sumigaw:

“Ang ganda ni Ms. SP!”

Tumahimik ang lahat sa studio.Bakit kaya, tanong ko. Di ba obvious na lahat ng lalake sa klase'y lab si ma'am? Tapos nilapitan ako ng isa kong kaklase. “Jerry…”sabi nya.Sabay turo sa dako paroon. Pagtingin ko sa hagdanan, naroroon si Ms. SP.Nakangiti sa’kin.

Shet.

Kaya ‘yun.Nang bumalik na kami sa taas, para akong sorbetes na natunaw, tinapakan, at dinilaan ng aso. Di na tago ang lihim ko. ‘Ala na.

Nang ako na ang mag-rereport, di ko magawang makatingin sa kanya. Kunyari di sha nag-eexist kaso di ko napigilan. Tiningan ko pa rin sha for half-second sabay lihis sa pangkista nyang katabi.

Next time talaga, di ko na tatanggalin ang salamin ko.

battle of the mulawins : to the death!


Hawkman

VS


Archangel



and the winnah is..

kanta na lang tayo…


SOUTH BORDER

Ikaw Nga

[I.]
Heto na naman
Nag-iisip, minsa'y nagtataka
Na sa 'kin na ang lahat
Bakit nangungulila

[II.]
At nang makita ka
Ibang sigla ang nadarama
Pag-ibig nga ba ito
Ako'y nangangamba

[Refrain I:]

Nais kong ipagtapat sa'yo
Sana'y dinggin mo
Ang lihim ng pusong ito
Kahit na tayo'y magkaibang mundo

[Chorus:]

Ikaw nga ang syang hanap-hanap
Kay tagal na ako ay nangarap
Lumuluhod, nakikiusap
Ako ay mahalin mo sinta

Ikaw nga ang syang magbabago
Sa akin, sa aking buhay
Handang iwanan ang lahat
(upang makapiling ka / para lang sa'yo) sinta

[III.]
Nang makilala ka
Ibang saya ang nadarama
Alam kong pag-ibig ito,
Anong ligaya

[Refrain II:]

Nais kong ipatapat sa 'yo
Sana'y pagbigyan
Dinggin ang puso kong ito
Kahit na tayo'y magkaibang mundo
.. upang makapiling ka sinta ..

Darating ang cast ng mulawin sa martes! Isa po itong ACLE! Hanapin si Angel Locsin!

hey, dito na lang kayo mag-comment sa long grey bar na itech, try nyo, mas maganda!:)


|

September 2, 2004

song of the moment:anak ng pasig (bakit ba?)
current status:moving on
wish ko lang:comprehend Prof. Tabada

first step

1. the last movie you watched? - Calendar Girls (ganda!panoorin nyo kaso tapos na..hehe..sa dvd na lang ;))

2. the last tv show you watched? - hiram..(ei, maganda naman to eh..)

3. the last song you heard? - Sayaw Kikay (lalalalalalala)

4. the last thing you bought? - sopas na mainit

5. the last place you went [besides your house]? - ujp tambayan

6. the last food you ate? - sopas na mainit

7. the last thing you heard from your parents? - mommy: baon mo. (hehe..magaling na sha :))

8. the last thing you said to your parents? - salamat.labyu!(sabay kiss)

9. the last thing you said to one of your friends? - cge..punta ako alva..

10. the last thing you read? - "di maabot ang kawalang-malay" --astig na short story sa MP 10! galing!

11. how do feel right now? - weary.

12. brain content? - natsci 2.J101 investigative report.

Who was: 1. the last person you called? - jaypee..pero wala sha.

2. the last person who called you? - jaypee miscalled me earlier..does that count?

3. the last person you texted? - jaypee.

4. the last person who texted you? - jaypee.

5. the last person who said good night last night? - mommy.

6. the last person who said I love you? - i can't remember..

7. the last person who gave you a Testimonial? - si shelle.

8. the last person who messaged you - exo

9. the last person you hugged? - sommayah abdulah.

10. the last person you saw on tv? - dina bunebi.(hiram nga pinanood ko di ba?)

11. Do you believe that love is forever? - quoting xylo:"there is no such thing as forever."

12 Do you get hurt by people easily? - quoting xylo:"depending who are the people." deepest hurts come from "failed" friendship..kung nobody naman ung tao sa'yo, bakit ka masasaktan?hehe. quoting my fil 25 prof:"ang nagpapasaya sa'yo ang siyang nagpapalungkot sa'yo..at ang nagpapalungkot sa'yo ay ang nagpapasaya sa'yo"

13 Do you believe that all people are generally good at heart? - quoting xylo:"50/50" (sowee puro quote na lang ako..nasabi na kasi..)

14 Can you be anyone you want to be? - yup.gusto knog maging superhero.

15 Do mean people make you sad? - no.just hurt(hmm..iba ba yun sa sad?oo, iba..)

16 Does ice cream make you happy? - absolutely.

17 Do you sing in the shower? - ako pa.shempre OO.i love singing.

18 When it rains, do you like to splash in the puddles? - ayaw.kaw na lang kaya..

19 If you see a pretty girl walk down the street, do you smile and tell her she's pretty? - ngek.kung di ko naman sha kaano-ano, i'll just keep it to myself

20 Do you notice when people have pretty eyes? - medyo.malabo kasi mata ko, eh..

21 Have you ever cried at a movie? If yes, what movie? - yes. A Beautiful Mind.

22 Is it cute when old people are holding hands? - cute?ang panget ng question mo..

23 Are you a happy person? - malapit na.pero di rin naman ako malungkot.

24 Do you tend NOT to worry, even when you know something bad is about to happen? - ako pa?shempre i always tend to worry.

25 Is it okay to cut off Barbie's hair? - sunugin na lang natin,mas ok pa un..hehe

26 Have you ever laughed so hard your stomach hurt? - yup.opkors.

27 was it recently? - hinde.nakalimutan ko na nga.masyado na siguro akong seryoso.

28 Are you slightly lazy? - quoting xylo:"yes. everyone is."

29 Do you like to drive with the windows down? - may windows ba ang bump car?

30 If you have twenty dollars, are you rich? - have you heard of the phrase "you can never be richer?"

31. kampante o kilig (in a relationship)? - both.but kampante outweighs kilig. kikiligin ka ba kung mabaho paa ng asawa mo? in the first place, hindi kayo magiging mag-asawa kung di kayo kampante sa isa't isa.


+August 04+



NABIGASYON

back to HOME

BULAKBOLARYO

The noun "silver" is a lustrous medium gray. The adjective "silver" is "having a soft, clear, resonant sound" or "eloquent; persuasive." The noun "bolt" is a sudden movement toward or away.

KAGILALAS-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN

CHOSEN GROUND
The UP Streetdance Club in Concert
September 23, Friday
Bahay ng Alumni 7:30 pm


SULONG: UJP @ XVI
Sept. 20-24

KARUNISTANG PINOY, KARTUNISTANG MULAT
Exhibit: Sept. 20
Awarding Ceremonies: Sept. 24

TAMBULI
The Official Student Publication of the Union of Journalists of the Philippines- UP Diliman
September 20, Monday


CAMPUS JOURNALISTS UNDER FIRE
College of Mass Communication auditorium
Sept.23, Thursday 1-4 pm

UJP Tambayan Cleaners
»every Friday
kate-kathryn
rey-maya

almi-stox

jerald-liezl

emman-rachel
ryan-frank
jaypee-joanne
kirk-twinkle
lawrence-paul
mau-shayne
irish-jacqui
camille-erika
hallel-glen

» Verdant articles deadline late September





Stop Killing Journalists!

SECRET IDENTITY

Silverbolt

SILVERBOLT

18 | 10.20.1985 | Libra
Makati City | Philippines

Sophomore | UP Diliman | CMC
BA Journalism

UJP-UP membership officer | UP Greenminds print committee head
singing | dancing | drawing | writing
adobo | comics | emotional
bipolar| science of the mind center, inc. scholar
web designer-in-training | christian | eldest son
nearsighted | dreams of joining Star in a Million| hates bitches
panic-striken | ex-band vocalist | ex-choir member
loves to eat | sleepwalker | single

MANGASO

Yahoo! IM:
jerald_gwapo
Friendster:
jerald_gwapo@yahoo.com
UP Webmail:
jerald.uy@up.edu.ph

BUWANANG DALAW

JULY 04
AUGUST 04
NOONG UNANG PANAHON
days of the meteorcrasher

MRT
trip
message sent
access denied
who is jesus?
ragnarok
id
the math building moment
SIDEKICKS

makati science high school
abel
amy
allan
bebet
bien
caesar
cleng
emman
erika c.
erika s.
francine
gretel
j-Ray
jamie
jaycee
jaykie
joy
julie
kae
kaizen
kate
katt
klara
krammer
lagsh
lawrence
liezl
maya
mayee
the_paradox
pat
paul
stox
SHORTCUT

Peyups
Tinig.com
Friendster
Comicboards
Rotten
Vocalist
MTV
Culture Crash
Kubori Kikiam
Luis Teodoro.com
Danilo Arao Online
INQ7.net
Bulatlat
Quizilla
Yehey! Tabloids
Philippine Sites
Bob Ong

ATBP.

design by
silverbolt
banner by
jason paul laxamana
imagehosts:photobucket, geocities, photoshop

this site is handcoded
BLACK HOLE












































































































































































































































































































































































































































all some rights reserved © september 2004
jerald uy
the boy you'd wish you never knew...