glaring light

Men get out!!!Highly confidential!!!## Strictly for women only!!!


MAIN PAGE


THIS MONTH'S ARTICLES:

...all you have to do.

Tips on Communication research..

Pinagpustahan Daw Ba? Erap Resign!

PHILIPPINE EDUCATION:Plagued by Debt Crisis No to tuition fee increase!

UP COMMUNICATION RESEARCH SOCIETY's 24th ANNIVERSARY!join the UP COMMRESSOC

UST Singers' CD

Taste the TEMPTATIONS

SITE MAP

APRIL'S TUNE


GRACE'S NOOK

Give your comments and ideas.

Get to know our friends, classmates andother reference sites.

A primer on various groups who have different views and opinions about President Estrada.




Laman ng lahat ng diyaryo ang pagkakasangkot ng pinakamataas na opisyal ng bansa sa kontrobersiyang pagtanggap ng suhol mula kay Gobernador Luis Chavit Singson ng Ilocos Norte. Sa ginawang pag-eendorso ni Speaker Manny Villar sa impeachment complaint kay Pangulong Joseph Ejercito Estrada noong nakaraang Nobyembre 13, 2000, ang pangulop ay pormal na sinampahan ng apat na kaso:

1. Kasong "bribery" o panunuhol

Mula Nobyembre 1998 hanggang Agosto 2000, ang Pangulo ay tumatanggap ng 10 milyong piso kada buwan mula sa ilegal na huweteng.
2. Kasong "graft and corruption"

Ang presidente ay nakatanggap ng 130 milyong piso na ipinalalbas ni Kalihim Benjamin Diokno ng Department of Budget.

3. "betrayal of public trust"

Dito nasasalamin ang ginawang panlilinlang sa taong-bayan sa pamamamagitan ng pagmamanipula sa mga stocks sa BW. Siya rin ay nakialam sa isinasagawang imbestigasyon ng Securities and Exchange Commission ukol sa nagaganap na anomalya sa BW shares. Nagkasala rin ang presidente nang ilagay niya sa iba-ibang posisyon ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan.
4. Kasong paglabag sa Konstitusyon

Nakapaloob dito ang pagbawi ng pangulo sa mga pang-opisyal; na sasakyan at iba pang kagamitan.
Sa pormal na pagkakahain ng kaso laban sa pangulo, siya ay tinatayang sumailalim sa paglilitis mula Disyembre 7, 2000 hanggang Enero 15, 2001. Sa mga panahong ito ay tatawagin ang mga taong nasangkot o mga saksi na maaaring magdaan sa iba't ibang proseso ng pagtatanong mula sa depensa o sa panig ng Pangulo at sa 11-man prosecution team na kumakatawan sa bayan at binubuo ng mga kongresista. Ang mga tumatayong hukom ay ang 22 senador na pinamumunuan ni Chief Hilario Davide. Siya lamang ang namamahala sa paglilitis ngunit di siya maaring bumoto.
Para sa kaalaman ng lahat, si Presidente Estrada ay "impeached" na noong Nobyembre 13, 2000 sa Kongreso at kailangan na lamang na mapatunayan na siya ay nagkasala sa isa sa apat na inakusa sa kanya. Dapat na 2/3 vote o 15 mula sa 22 senador ang bumoto laban sa pangulo upang siya ay mapatunayang nagkasala.
Ang pangunahing layunin ng impeachment ay ang pagpapaalis sa kanyang posisyon at pagbabawal na humawak ng anumang puwesto sa pamahalaan. Pagkatapos niyon, ang akusado ay maaaring sampahan ng kasomg kriminal dahil siya ay pribadong indibidwal na lamang. Ang buong proseso ay katulad sa pangkaraniwang korte kung saan ang prosekusyon ay mauunang maglahad ng kanilang mga ebidensiya kasunod ng depensa. Pagkatapos ay ang pagbibigay ng buod ng kaso bago ang isa-isang paglalahad ng desisyon ng 22 senador.
Sa gitna ng mga kontrobersyang ito, iba't-ibang grupo ang naglabasan upang iparating ang kani-kanilang opinyon hinggil sa kaso. Iba't-iba ang kanilang kalalagyan at hinihingi, bawat isa ay may matinding argumento na masasalamin sa kanilang mga ideolohiya.
Narito ang ilan sa mga grupong nagnanais na mapaptalsik si Pangulong Estrada:

MGA GRUPONG MAY "OUST-ERAP" CAMPAIGN

  • Diagonal Exclamation Point

  • Local Anarchist Network

  • Philippine Greens

  • Overseas' Movement to Oust Erap

Ang grupong Diagonal Exclamation Point ay may mensaheng "Sobra na, tama na!" at binubuo ng mga mangangalakal at mga beterano ng 1986 EDSA revolution. Ayon sa kanila ang kanilang simbolo ay pahiwatig ng isang mapayapang protesta laban sa politikal, pang-ekonomiya at sosyal na kalagayan ng bansa ngunit sino man ay maaaring magbigay ng kanilang kahulugan sa naturang simbolo. Simula pa lamang Marso 30, 2000 ay humihingi na sila na itigil na ang pangungurakot at pagtatalaga ng mga taong malapit mismo sa pangulo.
Ang ilan naman sa kanila ay humihingi ng boluntaryong pagbibiti ng pangulo sa kanyang tungkulin:

MGA GRUPONG MAY "ERAP RESIGN" CAMPAIGN

  • elagda

  • Estrada Resign Movement

  • GALIT Erap (Gays and Lesbians for the Immediate Tsugi of Erap)

  • Bayan Muna

  • People's Action to Remove Erap

  • Movement to Advance Democracy and End Elite Rule

Ang mga grupong nabanggit ay may [pagkakapareha sa kanilang mga ipinaglalaban. Sila ay laban sa maling pamamalakad ng administrasyong Estrada, ang malalang pangungurakot, mga cronies at iba pang pagkasangkot ng Pangulo sa mga ilegal na gawain. Bagamat ilan sa kanila ay isinasagawa ang kanilang protesta sa pamamgitan lamang ng pangangalap ng mga lagda at pirma tulad ng Diagonal Exclamation Point, karamihan sa kanila ay nagsasagawa ng malawakang demonstrasyon sa kalye at lansangan, walkouts, kampanya sa telebisyon at radyo at ang paglalagay ng kanilang sariling web page upang makapag-engganyo ng mas maraming taga-suporta.
Masasabing mas epektibo pa rin ang mga demonstrasyon sa mga kalye at lansangan kagaya ng natunghayan sa mga sunud-sunod na rally noong buwan ng Nobyembre. Libu-libong mamamayan ang lumahok at sumali dahil dito ay di masyadong kumikilala sa estado sa buhay. Ang mga taong maralita ay kakikitaan na rin ng protesta kahit na sinasabi pang sila ang pangunahing tagapagtaguyod ng Presidente. Sa mga rally makikita ang mga taong ito na nagpapahayag ng kanilang pagkamuhi sa taong kanilang iniluklok sa puwesto.

April Niña de Mata
Mary Grace Guiang



© 2001.
College of Mass Communication
UP DILIMAN, QUEZON CITY
All Rights Reserved