![]() |
||||
![]() |
||||
Tips on Communication research.. PHILIPPINE EDUCATION:Plagued by Debt Crisis
UP COMMUNICATION RESEARCH SOCIETY's 24th ANNIVERSARY! APRIL'S TUNE GRACE'S NOOK SITE MAP
It's alright to resist TEMPTATIONS Taste it now! Get to know our friends, classmates another reference sites.
Page 1 Frame 1 Top Cap: Matagal ng nililigawan ni Steve si Buday ngunit hanggang ngayon ay?
Steve: (normal balloon) Kailan mo ba ako sasagutin?
Buday: (normal balloon) Ang kulit mo! Sige pag nag-resign na si Erap!.
Illustration:Magkatabing nanonood ng tv si Steve at Joel sa sala. Maliit lamang ang sala na pinalibutan ng dilaw na kurtina. Sa center table ay may nakapatong na puting plorera na may namumulang rosas. Si Buday ay nakaitim na blusa't pantalon samantalang naka-printed na polo't khaki naman si Steve. Frame 2 font face="tempus sans itc" color="gold">Top Cap:Nabuhayan ng loob si Steve sa sinabi ni Buday.
Steve: (normal balloon)Talaga! Kapag nag-resign na siya sasagutin mo na ako?
Buday: (normal balloon) Kung magreresign siya. Di pa nga tapos ang trial e! Bottom Cap: At nauwi ang lahat sa pustahan.
Illustration: Frame 3 Top Cap:Ika-23 na araw: ipinahayag ni Davide ang pagkapanalo ng 11 senador na bumotong huwag buksan ang sobre.
Steve: (shouting balloon) Grabe nang panloloko 'to! Kailangan nang magresign ni Erap.
Buday: (thought balloon) Delikado! Baka magPeople's Power na't matalo pa ako sa pustahan.
Illustration: Nanonood sila ng TV. May hawak silang libro. Naka- maong na shorts, putting T-shirt at tsinelas pambahay si Buday. Samantalang naka-printed shirt at buggy pants naman si Steve.
Page 2 Frame 1 Nangyari nga ang kinakatakutan ni Buday: ang People's Power.
SFX: < Erap Resign!> Illustration: Sari-saring militanteng grupo ang nagrarally sa lansangan. Makikita ang iba't ibang placards at streamers ng KMU, Akbayan, at Kompil na nagsasaad ng galit nila kay Erap at sa 11 senador. Karamihan sa kanila'y naka-itim. Ang iba pa nga'y may nakasulat na "Erap Resign" sa kanilang T-shirt. Frame 2 Top Cap: Sa unibersidad, nagmamadali ang dalawa. Late na sila sa kanilang klase ngunit?
Joel: (normal balloon) Aga niyo. Sabi ni Sir Avecilla pumunta raw sa Edsa't, maki-rally.
Steve: (shouting balloon)Yes! Wala tayong exam.Tara walk-out na rin tayo.
Buday: (normal balloon) Hay naku! Magpapagod lang kayo. Di siya magre-resign.
Illustration: Apat na lamang silang natira sa classroom (Joel, Mike, Steve, at Buday). Si Joel at Steve ay kapwang naka-T shirt at shorts na may dalang back pack na bag. Si Mike nama'y abalang gumagawa ng placard na nakasulat "Oretang Pokpok" na may litratong seksing dalagang pinatungan ng mukha ng Senadora. Si Buday nama'y naka-sleeveless at pantalon. Siya ay may hawak na tote bag. Frame 3 Top Cap: Palabas nang naglalakad patungong lobby ang magkakaibigan.
Buday: (normal balloon)Hindi ako sasama. Papanoorin ko na lang kayo sa TV.
Mike: (normal balloon)Hoy! Once in a lifetime lang to!
Steve: (normal balloona)Magiging part pa tayo ng history.
Joel: (normal balloon) Bahala ka.
Bottom Cap: Hindi nila napilit si Buday.
Illustration: Nasa lobby sila. May tatlong estudyanteng nag-uusap sa likuran nila. Frame 4 Top Cap: Kinagabiha'y nanood ng balita si Buday kasama ang kaniyang nanay.
Nanay: (normal balloon) Kawawang Erap. Hindi man lang tinapos ang Impeachment. Hinatulan na siya ng tao!
Buday: (thought balloon) Tama lang yan. Ang kapal na ng mukha niya no!
Illustration: Naka-upo ang mag-ina sa kama sa loob ng kuwarto. Kaharap nila ang TV na may katabing larawan nilang dalawa. Frame 5 Top Cap: Kinabukasan, sabay dumating ang sasakyan ni Steve at Buday sa parking lot.. Sila'y nag-usap.
Steve: (shouting balloon) Grabe. Ang hirap! Siksikan doon.
Buday: (normal balloon)Talaga? Kwentuhan mo naman ako.
Botton Cap: Tuloy nagkayayaan ang dalawa na kumain muna.
Illustration: Nasa parking lot sila. Berde ang sasakyan ni Buday at asul naman kay Steve. Gwapong-gwapo si Steve. Siya'y naka-itim na pantaloon at puting polo. Si Buday nama'y naka-asul na maong dress. © 2001. Mary Grace Guiang and April Ni? P. de Mata. |