- narito ang orihinal na teksto ng appetizer at side dressing na matatagpuan sa nakalimbag na aklat:
- magsulat.....
- anong isusulat?
- magsalaysay.....
- anong isasalaysay?
- buhat sa kawalan.....
- magkakatugma ba ang mga bagay-bagay?
- paano ba magpakilala ng isang aklat ang isang di-bihasang manunulat?
- aywan ko!
- sadyang ‘di nga ako bihasa.
- paano ba magiging bihasa ang isang ‘di bihasa?
- kaylan ba masasanay ang ‘di sanay?
- paano ba matututo ang walang alam?
- at bakit ba dapat umabante ang nasa sa hulihan?
- aywan ko!
- ang lahat ng katanungang nauna’y pagtatangkaan kong sagutin.
- sa aking pinakatotoong sarili.
- sa pamamagitan ng mga tugmaang walang tugma sa aklat na ito.
- kung anong kahinatnan?
- aywan ko!
![]()