appetizer at
side dressing
- kung pinalad
kayong nakakuha, nakabili, nakahiram o sa mas madalas ay
nabigyan (ko) ng kopya ng tugmaang walang tugma,
batid mong di ganito ang nilalaman ng bahaging ito ng
aklat. gayunpaman, maari n'yo pa ring matunghayan ang
orihinal na teksto sa nakalimbag na aklat. eto: paki-klik. maliban sa appetizer at side
dressing at sa ilan pang dagdag upang maging angkop
para sa pagpa-publish ko sa internet, wala akong binago
sa nilalaman ng aklat.
-
- sinadya ko na
ring baguhin ang bahaging ito, para sa gayun ay
makapaglinaw na rin tungkol sa aking aklat. sa tutoo lang
- simula nang mai-release ang aklat noong mayo 9, 1999;
gamedyo masalimuot na rin ang inabot ng pagbabakasakali
kong ito.
-
- unang
paglilinaw: hanggang sa ngayon ay 200 kopya pa lamang ang
lumalabas. may natitira pa sa imprenta. di ko pa rin
mailabas dahil sa suliraning pinansyal. ang tutoo nya'y
gamuntik na akong mademanda dahil dito. kaya paumanhin sa
mjc press corporation, lalu na sa may-aring si mon
mojica. (aayusin ko pa rin ang atraso ko sa 'yo.)
-
- ika-2: dahil
wala naman akong intensyon ibenta ang aklat (ipamimigay
lang sana), wala akong natukoy na outlet upang paglakuan
nito. maliban sa white mountains, isang outdoor shop sa
makati cinema square, di matatagpuan ang aking aklat sa
anumang bookstore. salamat caloy at karen. una kong
sinubok na ilako ito sa bookmark, inc. nakapasa na sana
at handa na silang i-distribyut, lamang ay wala pang isbn
number ang aklat na isa nilang rekwayrments. noon namang
naikuha ko na ng isbn no. bigla namang nagbago ang
desisyon ng kanilang editorial board. ewan kung dahil
sub-standard ang aklat o di nila trip ang nilalaman.
malaking opurtunidad sana ang goodwill bookstore, dahil
talagang aprubado na ang aklat para sa distribusyon,
katotothana'y isinasali na ito sa book fair nila noong
nakaraang setyembre, ang siste - wala akong mai-deliber
na kopya sa kanila kasi nga'y di ko matubos-tubos sa
imprenta ang iba pang kopya.
-
- sayang.
-
- ika-3: may
ilang nakompromisong tula dito sa bersyon niya sa
internet. dahil di ito naitulad sa pagkakalimbag sa
aklat. esensyal na bahagi pa naman ng tula kasi'y
nagsubok akong mag-eksperimento sa porma at anyo ng mga
ito. sanhi na rin ng aking limitasyon sa web publishing.
ganito sana:
- depresyon
/
ikalawang linya - patiwarik na daigdig:
literal na nakatiwarik ang linyang ito sa orihinal
- salamin: ang buong
tula ay naka-reverse ang printing. kung kaya
mangangailangan ka ng salamin upang mas madaling
mabasa ito.
- si
bojo...sa kaharian ng bungang tulog: di ko magawa
ang orihinal na porma nito. dapat sana 'pag
itinagilid ang aklat (o kung iti-twist mo ang iyong
ulo pakaliwa habang nakatingin sa monitor), may
mabubuong hugis ang mga letra. kaugnay rin ng tula
ang hugis na makikita.
- ganunpaman,
may ilang akda namang nag-benepisyo sa internet bersyon.
tulad ng:
- pre-marital
seks: ito'y matagal ng tulang ibinigay ko sa
aking kapatid at hipag. kaya lang noong ilalathala na
ang aklat, di ko makita ang orihinal na sipi. at
dahil gusto ko pa ring isama, nilagyan ko ng kung
anu-anong laman. dito sa internet, nahiram ko ang
sipi ng aking kapatid at nailagay ko na ang orihinal
na tula.
- tugmaang
walang tugma: ito ang pinakamahalaga sa lahat. paano'y
noong mailimbag ang aklat, di ko pala kursunada ang
pagkakalay-out ng pahina. mahirap sundan, mahirap
basahin, di gasinong readable at maliit masyado ang
font na aking ginamit, kung kaya para sa aki'y di
nito nakamit ang impact na nais ko sanang ihatid sa
mambabasa. ito pa naman ang kumbaga'y carrier
single ng aklat. sa pagkakataong ito - ihanda nyo
na ang sarili ninyo!
- sumbi sa
tungki ng ilong (isang limot na epiko): gamedyo pahabol
na rin ito sa aklat, kung kaya kahit nais ko sanang
magpalikha ng guhit o drowing sa ilang kaibigang
dibuhista para doon sa mga bakanteng espasyo ng
aklat, di ko na nakaya. nagawan ko na ito ngayon ng
paraan.
- at higit sa
lahat, dito sa internet bersyon, nagkaroon ako ng
pagkakataong itama ang ilang maling ispeling, grammar at
mga teknikal na problema sa nakalimbag na aklat. di pa
rin ako nakakasigurong syento porsyentong maayos na ito
ngayon. lalu pa nga't di naman din ako tutoong bihasa sa
web publishing. pero ang titiyakin ko sa aking mga
kaibigan at mga bagong kakilala, lalu't higit ay sa mga
nais makatunghay ng aking mga akda at nagre-rekwes din ng
kopya ng tugmaang walang tugma: ang bersyong ito sa
internet ay halos walang pinag-iba sa nakalimbag na
bersyon. maingat kong binitbit ang puso't kaluluwa ng
aking aklat upang masuyong maisanib sa bersyong ito.
-
- tutal ay muli
na naman akong napasubo sa pagtatangkang ito,
pangangatawanan ko na. ito na rin ang magsisilbing venue
para sa aking mga bagong akda at ng mga akda mo rin. oo!
di ka nagkamali ng pagbabasa - inaanyayahan kitang
makipagpalitan sa akin ng iyong mga akda (kung meron).
susubukan kong maglaan ng lugar para sa mga akda ng aking
mga kaibigan, kakilala at mambabasa. naniniwala akong ang
unang pagkabigo ay ang di pagtatangka.
-
- napapanahon
lang naman sigurong bigyan natin kahit na kapirasong
puwang ang literatura sa ating buhay. at titiyakin ko sa
'yo. cool ito!
-
- baklasin na
natin ang kaisipang, baduy ang isang tao kapag nagbabasa
siya ng literaturang pilipino. o kaya'y korni at weirdo.
-
- sa
pagtatapos, inaasahan ko sana ang inyong mga puna,
opinyon, reaksyon o kung anuman hinggil sa website kong
ito. ang tutoo niyan, ang inyong mga puna ang
pinakamahalagang konsolasyon sa pagbabakasakali kong ito.
-
- maligayang
pagbabasa!
ika-14 ng
nobyembre, 1999
Balik
sa Main Page