home | about me | my articles | site map | links | guestbook |
PRAYMER SA TUBERCULOSIS | |
Ano ang Tuberculosis o TB? Ang TB ay isang sakit na dulot ng mikrobyong Mycobacterium tuberculosis na karaniwang umaatake at bumubutas sa baga. Kapag di naagapan, maaari itong makaapekto sa utak, buto, bato, bituka, atay, at sa iba't ibang bahagi ng katawan. |
MAHAHALAGANG STATISTIKA TUNGKOL SA TB
|
Source: Council of Health and Development
Paano malalaman kung may TB ang isang tao? May sintomas ang TB na tumatagal nang dalawa hanggang tatlong linggo: | |||
| ![]() | ||
Nakakahawa ba ang TB?![]() | |||
Nagagamot ba ang TB? Oo. Ang TB ay isa lamang impeksiyon. Madali itong mapagaling sa pamamagitan ng pag-inom ng mabibisang gamot sa loob ng anim na buwan. ![]() Ang susunod na apat na buwan ay tinatawag na MAINTENANCE PHASE. Dalawa o tatlong gamot ang kailangang inumin sa panahong ito. | |||
Bakit kailangang maraming gamot? Ito ay upang maiwasan ang "drug-resistant" TB o TB na hindi na kayang puskain ng gamot. Ang TB ay maaaring maging drug-resistant kung paisa-isa o paputol-putol ang pag-inom ng gamot. Ito rin ay para mapaiksi sa anim na buwan ang dating 18 na buwang gamutan. | |||
Bakit kailangang 6 na buwan ang gamutan? Ito ay upang maiwasan ang "relapse", ang pagbalik o pag-ulit ng TB. Hindi lahat ng mikrobyo ay napupuksa kung ang paggamot ay kumulang sa 6 na buwan. | ![]() | ||
Ano ang maaaring mangyari kung hindi gumaling ang TB? | |||
| |||
Bakit mataas ang bilang ng mga Pilipinong may TB? Ayon sa Council for Health and Development, dalawa ang rason para dito. Una, mataas ang poverty incidence sa ating bansa. Dahil di prayoridad ng gobyerno ang pagbibigay seguridad sa pagkain sa nakararami, 70% ng mga sambahayan ang nasa ibaba ng "food threshold". Ang kakulangan sa pagkain ay nagdudulot ng malnutrisyon o mababang resistensiya na siya naming madaling kapitan ng TB. Pangalawa, hindi mainam ang sistema ng health care sa bansa. Bukod sa kakulangan ng mga gamot para sa TB at di pagsunod sa pamantayan sa pagsuri at paggamot sa TB, hindi rin sapat ang binibigay na impormasyon sa mga karaniwang mamamayan ukol dito. | |||
Kaya Tandaan.. Kung may nararamdamang sintomas ng TB, huwag itong ipawalang-saysay bilang isang simpleng ubo lamang. Magpatingin sa doktor upang maagapan agad ito kung sakali. | |||
Kung may sakit ng TB: | |||
| ![]() | ||
Para maiwasan ang sakit na ito, tamang pagkain at pag-alaga sa baga ang kinakailangan. |