What We Do: UJP-UP Activities
BMEx (Basic Masses Exposure) - Through
the years, the UJP-UP has engaged in several exposure trips to different
areas in Metro Manila to awaken its members to the various realities of
life.
sa simpleng pananalita, nasa BMEx ang puso ng UJP. Pumupunta tayo
sa mga depressed areas sa Metro Manila (minsan pa nga, sa mga karatig-lugar
pa, tulad ng Laguna) para mamulat ang mga miyembro at aplikante ukol
sa tunay na takbo ng buhay sa labas ng unibersidad.
EDs (Educational Discussions) - We
at UJP-UP believe in the importance of taking a stand on pertinent issues
occurring inside and outside the University. Furthermore, we push for
informed choices; our EDs provide a venue in which members can formulate
their own stands, no pressures involved.
kami sa UJP ay naniniwalang mahalaga ang magkaroon ng paninindigan
- pero hindi gaya ng karaniwang misconception, ang pagkakaroon ng paninindigan
ay hindi naman nangangahulugang kinakailangang maging 'aktibista' o
'tibak' para makisali sa mga educational discussions ng Unyon. bukas
sa lahat ang mga EDs dito - may isyu, pag-usapan natin, maging sino
ka man. (our apologies to Rey Valera)
"Kartunistang Pinoy, Kartunistang Mulat"
- A yearly contest held simultaneously with
the UJP-UP Week. It aims to promote awareness and enlightenment among
students through the editorial cartoon, a more entertaining social commentary
delivered through illustration.
naniniwala kami sa UJP na hindi lang sa pamamagitan ng pagsusulat
maipahahayag ang opinyon at kuru-kuro - kaya namin inaanyayahan ang
lahat ng may talento sa pagguhit na ipahayag ang kanilang mga saloobin
sa pamamaraang mas malapit sa puso nila - sa pamamagitan ng mga editorial
cartoon.
Tinta (literary folio) - For
the past few years, UJP-UP has concentrated on releasing the Tambuli,
UJP-UP's official newsletter that features articles on relevant and controversial
issues. This year, however, the org will publish Tinta, the literary
folio. We are making way for Tinta because we believe in developing
not just the students' journalistic skills, but their full potential as
writers and artists as well.
ang mga batang UJP, hindi lang pang-Journ - pang-Maalaala Mo Kaya
rin! seriously, hindi naman sa ayaw na naming magsulat ng balita, gusto
lang namin ibahin naman ngayong taon ang gimik namin. = )
atbp...
EDs at BMEx pa lang, baka isipin niyo nang sobrang seryoso naman
ng UJP bilang org. siyempre, hindi kami UJP kung wala ang mga aspeto
na ito, pero hindi nangangahulugang wala na kaming ibang ginagawa kundi
mag-ED at mag-BMEx (uy exag!)
marunong din naman kami mag-enjoy, mag-relax, at paminsan-minsan,
magkatuwaan. daan kayo sa tambayan minsan nang masaksihan ang
mga nagkukulitang miyembro, ang on the works na UJP Chorale and Dance
Group (uy! magiging performing org na nga ba ang UJP?) >> hindi
natin alam. abangan!