|
THE "Divas"
PAINTED THE TOWN RED
The Divas invaded the Times Square.
After leaving ten thousand messages on his cell phone, Joseph
finally called me back. I was beginning to think that he wasn’t really
interested in meeting with us but I was wrong. Apparently, his cell
phone was acting up so he never got our messages.
We met at Port Authority on 42nd Street. I was so excited to see
Joseph again after so many years. He looked good. Pero sabi nga ni Manny,
mukha daw siyang public school principal sa Manila. Kasi naman naka-suit
siya e. Kasama naming nag- hang out si Chris Jornales, Manny Tuazon and
Joseph’s nephew, Vernon, na I hope hindi naloka-loka sa tilian namin. Sa
pagtawid sa mga kalsada sa Times Square ay binubusinahan kami pano ang
lalandi’, tapos tawanan ng tawanan. Kada busina naman, sabay tili namin
ng “Ayyyy!!!” Siguro nga nakaabot kay Fenchie sa Canada ang tilian e. Super-saya!!!
Naku, walang pakialam sa mundo ang mga “Divas”, picture taking sa daan,
sa restaurant, sa café, mistulang mga supermodels kaya naman ang
mga tao ay napapalingon at muling napapalingon. Kasi naman nga,
abot langit ang tilian eh.
At The Cafe on Christopher Street....Ayaw paawat!!!
We walked around times Square looking for a restaurant but most of them
were crowded so we decided to just go to any restaurant na walang pila
since gahol nga kami sa panahon. Joseph had a plane to catch early morning
pa. Walang patid na tsikahan ang nangyari from lovelife to sex life at
kung anu-ano pang kaeklatan sa buhay. Joseph told us about his mala-Titanic
experience kung saan muntik ng mabuking na siya pala ay isang sirena (Dyesebel,
vaga!) Lumubog kasi ang cruise ship na pinagta-trabahuhan nya. (Ano ba
yan?). Talagang mala-Darna daw siyang tumalon mula sa sinking ship to the
small raft. Bongga talaga siya, di ba? At ngayon nga, alive and kicking
pa rin siya, no? Pero naloka naman siya sa aking World Trade Center tragedy
na muntik ko ng ika-dedu Manzano no? Aba, lumabas pa nga ang picture
ko sa New York Post nung Sept. 10, 2002. I was with a crowd crossing
Brooklyn Bridge after the second tower collapsed. Mistulang refugee na
tumatakas sa giyera ang drama ko. . That same pic came out sa People mag
last year. I’m not proud of it though. Wala akong ganda no? Si Manny nga,
feel daw niyang magkaroon din ng life-threatening experience pero sabi
ko paano naman kung hindi siya makaligtas, eh di sisimba siya ng may bulak
sa ilong. Kahindik-hindik isipin, di ba?
The Divas in Port Authority.
Ngayon, mabalik tayo sa Mexican restaurant, kung saan kami napadpad.
Ang mga tao sa restaurant, tinginan ng tinginan kasi nga malakas ang boses
namin habang tawanan ng tawanan at syempre, Tagalog ang usapan. Wala
kaming pakialam. Pagkatapos noon, lakad ulit sa ulan. Ako syempre nakapayong
no? Gusto ko sanang mag-ala- Vilma Santos sa Tag-ulan sa Tag-araw pero
sa totoo lang, hindi kakayanin ng buhok ko no? Si Joseph, yung jacket
niya ang itinalukbomg sa ulo. May survival skills din, di ba? Troop 85
kasi eh! Si Chris naman humihilahod ang laylayan ng pantalon sa kalye,
parang mina-mop ang kalsada. Pero sabi nya, yun daw ang style noon, so
merese, di va? Si Manny naman, naka-hat pa na mala Audrey Hepburn
(Charing!). We eventually decided to go downtown. Ayaw kasi naman
sa Starbucks at walang maupuan. Wala pa ring tigil ang ulan. Parang sumasabay
sa lakas ng aming halakhakan. Punta kami sa isang café sa West Village,
kung saan nagha hang-out ang mga “cool” na tao at ang kabadingan ay bongga!
Sa labas na kami pumuwesto mereseng maginaw at maanggihan kasi malalakas
ang boses ng mga “Divas” eh. Kwentuhan pa ring walang patumangga. Pabilisan
ng salita kasi ang oras bumubilis din ang takbo no? Ang saya-saya!
We finally said our goodbyes before midnight kasi nararamdaman ko na malapit
na akong maging daga. Mala-Cinderela kasi ako. Hanggang midnight lang maganda.
Yon kasi ang kundisyon ng aking fairy godmother eh. Anyways, as we were
walking to the car, nag-dialogue ang Josephine Broken ng “ Masarap…
dahlin’, kumakain ka ba ng nilagang baka?” na ala-Rita Gomez, naku, nabangag
kami sa katatawa! Okray pa rin ang Joseph na minsa’y gumanap bilang Super
Gee sa isa sa mga homeroom presentations nila. Invited ako pag may special
silang palabas na ganoon eh.
Joseph & Manny at Port Authority
Hanggang sa train papauwi, nangingiti ako. Ang mga Divas (O,di va?)
kasi, nagwala sa Nueva York. For a while, parang nasa Rotonda lang
kami o naglalakad sa Gagalangin. Wala na kaming inhibitions pa. Tilian
ng tilian just like the old times. Nakaka-miss. I’m thankful na kahit
isang gabi lang, for a few hours nagkadaupang palad namin si Joseph. Now,
I believe Christopher when he said that life just goes around. Yung mga
taong na-meet mo noon, mami-meet mo ulit. Ikot lang ng ikot vaga, parang
ferris wheel, diva?
At the Cafe pa rin. Beauty pa rin, diba???
Well folks, sabi nga nila, all good things must come to an end. Gusto
pa sana naming pigilin ang pagtakbo ng oras pero lalo naming nag-Lydia
de Vega sa bilis ang oras. Masaya ang aming mini-reunion. Para kasing nabuo
na yung circle. Buhay pa ang mga Divas ng Torres high School (at BY pa
rin no?) at namamayagpag sa iba’t ibang parte ng Amerika. Babalik daw ang
Josefa sa November. Sana magkita-kita ulit kami at minsan pa, lunurin
sa aming mga halakhak ang siyudad na hindi natutulog (o hindi makatulog?)
Hanggang dito na lamang at maraming salamat po. Yon lang at babu!
Joseph & Vic at Port Authority
- Thanks, Kuya Vic. -
Top
|