Malinaw na ito ang susunod na katanungang dapat harapin . Ang pagpakilala na may Dios ay may kaibahan kaysa pagkilala sa kanya na isang Dios na nangungusap sa atin sa pamamagitan ng Kanyang nilikha at ng Banal na Kasulatan . Ngunit kailangang may higit pa tayong malaman . Ano nga ba ang talagang anyo ng Dios ? Nagbigay ang Biblia ng marami at tahasang sagot sa napakahalagang tanong sa ito . Narito ang ilan sa kanila : Ang Dios ay personal . Ang Dios ay hindi isang bagay,pwersa o impluwensiya . Siya`y nag - iisip, nakakaramdam , nagnanais at kumilos sa paraang nagpapatunay na Siya ay may buhay at personal na ka - Diosan . Ngunit hinde Siya basta lamang ang taong nasa itaas o isang uri ng superman . Ang Panginoon ang tunay na Dios ; Siya ang Dios na buhay , ang Haring walang hanggan . Ang Dios ay iisa . Iisa lamang ang tunay na Dios . ,Sinabi Niya , Ako ang una at Ako ang huli ; Liban sa Akin ay walang ibang Dios . Ngunit inihayag ng Dios ang Sarili Niya bilang isang trinidad na binubuo ng tatlong Persona ang Ama , ang Anak( Jesu Cristo ) at ang Banal na Espiritu ; bawat isa ay Dios na tunay , ganap at magkakapantay na Dios . Isinasasaad ng Biblia ang tunay sa kaluwalhatian ng Dios Ama ; sinabi nito na ang salita ( Jesu Cristo ) ay Dios ; at nagsasabi ng tungkol sa Panginoon , na Siyang Espiritu . Bagamat iisa ang Dios , may Tatlong Persona sa pagka Dios . Ang Dios ay espiritu . Wala Siyang psisikal na sukat . Wala Siyang katawan o anumang katangiang matatawag na laki o hubog . Ang Dios ay Espiritu at ang sasamba sa kanyay kailangang sumamba sa Espiritu at sa katotohanan . Ang ibig sabihin , ang Dios ay hindi nakikita . Walang taong nakakita sa Dios kailanman . Ibig ding sabihin ay , ang Dios ay hinde nahahanggahan ng isang dako sa isang panahon , kundi Siya ay nasa lahat ng dako sa lahat ng sandali . Hindi ba Ako ang pumupuno sa langit at lupa ? sinabi ng Panginoon . at bukod sa ano pa man , ang kahulugan nito ay , lubos na alam ng Dios ang lahat ng bagayat lahat ng nangyayarisa lahat ng dako . Kasali dito hinde lamang ang bawat ginagawa o sinasabi mo , kundi ang bawa`t iniisip mo . Ang Dios ay magpawalang - hanggan . Ang Dios ay walang pinagmulan . Ayon sa Biblia , mula sa walang hanggan hanggang sa walang hanggan , ikaw ay Dios . Palaging may Dios . Inilarawan ng Dios ang Kanyang Sarili bilang ang kasalukuyan , ang nakaraan , at ang darating . Siya ay nananatiling hinde nagbabago magpakailanman . Akong Panginoon ay hinde nagbabago . Kung ano ang Dios sa nakaraan ay Siya rin sa Kasalukuyan at mananatiling Siya sa hinaharap . Ang Dios ay may kasarinlan at di umaasa kaninuman . Ang bawat tao 0 anumang may buhay ay umaasa sa kapwa tao o bagay sa kahulihulihan ay sa Dios ngunit ang Dios ay ganap na may kasarinlanat di umaasa sa kanyang nilalang . Nabubuhay Siya sa Kanyang Sarili . Hinde Siya pinaglilingkuran ng mga kamay ng tao dahil sa nangangailangan Siya ng anuman , pagkat Siya mismo ang nagbibigay ng buhay at hininga sa lahat ng tao at bawat bagay . Ang Dios ay banal . Dakila ang Iyong Kabanalan , kahanga-hanga ang Iyong kaluwalhatian . Walang maihahambing sa kabanalan ng Dios . Wala isa mang banal na tulad ng Panginoon , na wala kahit anong kalikuan o kapinatsan . Ang sabi ng Biblia tungkol sa Kaniya , napakalinis ng mga mata Mo para tumingin sa kasamaan . At itong banal na Dios na ito ay humihingi ng kabanalan mula sa bawat isa sa atin . Ang utos Niya ngayon ay ; Kayo`y magpakabanal sapagkat Ako`y banal . Ang Dios ay makatarungan . Sinabi sa Bibliana ang Panginoon ay Dios ng katarungan , at katuwiran at katarungan ang saligan ng Kanyang trono . Ang Dios ay hinde lamang ating Manlilikha at Manunubos ; Siya rin ang ating Hukom,naggagantimpala at nagpapaprusa , sa takdang panahonat sa walang hanggan , na may ganap na katarungan , na hindi maaapilahan o masalungat . Ang Dios ay perpekto o ganap . Ang kaalaman Niya ay perpekto . Walang anumang maikukubli sa paningin ng Dios . Ang lahat ay hayag at lantad sa Kanyang paningin at sa Kanya tayo magsusulit . Alam ng Dios ang lahat sa kasalukuyan , sa nakaraan at sa at sa darating , pati lahat ng ating iniisip , sinasalita at ginagawa . Perpekto ang Kaniyang karunungan at lubusang di maaabot ng ating pag-unawa . O , napakasagana ng kayamanan ng Dios , Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman , Di malirip ang Kanyang mga hatol at pamamaraan . Ang Dios ay ang Pinakamataas na Tagapamahala . Siya ang ang tangi at Pinakamataas na Tgapamahala sa sansinukob at nasa Kanya ang lahat ng kapamahalaan . Ginagawa ng Panginoon ang anumang nakalulugod sa Kanya sa kalangitan at sa ibabaw ng lupa . Sa Dios ay walang swerte o aksidente lamang o sorpresang pangyayari . Siya ang sumusulat ng kasaysayan ng mundo at nagsasagawa ng lahatng bagay batay sa Kanyang layunin at kalooban . Hinde kailangan ng Dios ang payo o pahintulot sa anumang naisin Niyang gawin . Walang makakapipigil sa Kanya na gawin ang anumang nakalulugod sa Kanya . Walang makapipigil sa Kanyang kamay o makapagsabi sa Kanya : Ano ba itong ginagawa Mo ? Ang Dios ay lubos na makapangyarihan . Siya`y pinakamakapangyarihan sa lahat . Siya ang nagsabi , Ako ang Panginoon , ang Dios ng sangkatauhan . Mayroon bang bagay na mahirap para sa Akin ? Ito ay hinde nangangahulugang maari Niyang gawin ang pagsisinungaling , pagbabago-bago o magkasala at itutuwa ang sarili . Ang ibig sabihin ay magagawa Niya ang anumang naaayon sa Kanyang pag-uugali at katangian . Ito ay isa lamang maigsing paglalarawan ng Sariling kalikasan at katangian ng Dios na inihayag Niya sa Biblia . Marami pang ibang katotohanan tungkol sa Dios ang nasa Biblia , bagamat maraming bagay tungkol sa Kanya na hindi natin kayang maunawaan . Gumagawa Siya sa kababalaghang hindi matatarok at ng mga himalang di kayang bilangin . Sa kaisipang iyan , ang Makapangyarihan sa lahat ay di natin maaabot , at walang sutak ng karunungan o pangangatuwiran ng tao ang makapagbabago niyan . di Siya magiging karapat-dapat sa ating pagsamba . Jeremias 10 : 10 ISamuel 2 : 2 Isaias 44 : 6 Habacuc 1 : 13 Filipos 2 : 11 IPedro 1 : 16 Juan 1 : 1 Isaias 30 : 18 2 Corinto 3 : 18 Mga Awit 97 : 2 Juan 4 : 28 Hebrero 4 : 13 Juan 1 : 18 Roma 11 : 133 Jeremias 23 : 24 Mga Awit 135 : 6 Awit 90 : 2 Efeso 1 : 11 Pahayag 1 : 8 Daniel 4 : 35 Malakias 3 : 6 Jeremias 32 : 27 Mga Gawa 17 : 25 Job 5 : 9 Exodo 15 :11 Job 37 : 23 |
|
|