MGA TANONG NA DAPAT SAGUTIN ni John Blanchard

Isinalin sa Tagalog ni R. M. Puzon





 

Paunang Salita...

    Ang buhay ay puno ng mga katanungan . Ang ilan ay walang gaanong halaga , ang iba ay mas mahalaga at mayroon namang napakahalaga .

    Maging habang binabasa mo ito ay maaring may mga katanungan ka patungkol sa iyong kalusugan , sa iyong pinansyal na katayuan , trabaho , pamilya o iyong kinabukasan .

    Ngunit pinakamahalga , pinakamabigat na mga tanong ang tungkol sa Dios at sa relasyon mo sa kanya . Walang hihigit na mahalaga , sa buhay , kaysa rito . Ang mabuting kalusugan , pinansyal na katatagan , mabuting trabaho , masayang pamilya at kinabukasang may pag asa ay mga bagay na ninanais ng lahat . Ngunit ang mga ito ay pansamantala lamang at sa dakong huli ay walang saysay , liban lamang kung mayroon kang isang buhay na relasyon sa Dios , malinaw at tiyak at pang walang hanggan .

    Sa mga susunod na pahina , malalaman mo kung bakit gayong relasyon ay agad na kinakailngan at kung paanong mangyayari ito sa iyong buhay .

    Ang mga susunod na katanungan ay pinakamabigat at pinakamahalaga na maaring itanong ninuman . kailangan ng bawat tao ang mga kasagutan dito .

    Nawa ay maingat at lubusang basahin ang mga pahinang ito at kung kailangan , ng higit pa sa isang beses .

    Hinde mo makukuhang kaligtaan ang kanilang mensahe .

  • MAYROON BANG DIOS ?
  • NANGUNGUSAP BA ANG DIOS ?
  • ANO ANG ANYO NG DIOS ?
  • SINO AKO ?
  • ANONG PAGKAKAMALI ANG NANGYARI ?
  • MALUBHA BA ANG LAGAY NG KASALANAN ?
  • SAAN AKO PUPUNTA MULA DITO ?
  • MAKAKATULONG BA ANG RELIHIYON ?
  • MAY KASAGUTAN BA ?
  • BAKIT ANG KRUS ?
  • PAANO AKO MALILIGTAS ?
  • ANO KA NGAYON ?