Back To
MGA TANONG NA DAPAT SAGUTIN 

MGA TANONG NA DAPAT SAGUTIN ni John Blanchard

Isinalin sa Tagalog ni R. M. Puzon





 

ANONG PAGKAKAMALI ANG NANGYARI ?

    Ang tiyakang sagot sa tanong ba ito ay : sa pamamagitan ng isang tao`y pumasok sa sanlibutan ang kasalanan , at sa pamamagitan ng kasalanan ang kamatayan .

    Ang unang lalaki at babae ( Si Adan at si Eba ) ay binigyan ng dakilang kalayaan ngunit may isang mahalagang babala  Huwag mong kakainin ang bunga ng punong - kahoy ng pagkilala sa mabuti at masama pagkat pag kainin moito tiyak namamamatay ka . Ito ay isang magandang pagsubok sa kasiyahan ng tao na sumunod sa pinag - uutos ng Dios dahil lamang sa simpleng kadahilanan na ito`y iniutos ng Dios . Ngunit tinukso ng diablo si Eba nahuwag maniwala at suwayin ang salita ng Dios at sinuway nga niya . Nang makita ng babae na ang bunga ng kahoy ay mabuting pagkain , nakahahalina sa paningin at nagdulot ng karunungan kumuha siya ng ilan at kumain . Binigyan din niya ang kanyang asawa na kasama niya roon , at kumain din siya .

    Sa sandaling iyon pumasok ang kasalanan sa mundo . Sa pamamagitan ng sadyang pagsuway , inihiwalay ng tao ang sarili sa Dios . Sa halip na ibigan ang Dios , si Adan at si Eba ay natakot sa Kaniya , kaya , nagkubli sila sa mga punong - kahoy sa loob ng hardin .  Sa halip na may katiyakan at kasiyahan , ang dinulot ng kasalanan sa kanila`y kahihiyan , pagkakasala , at pagkatakot .

    Ngunit sinabi ng Dios na mamamatay ang tao pag sumuway at siya`y namatay . Ang kahulugan ng kamatayan ay pagkawalay , at sa isang nakapangilabot na saglit , ang tao ay nawalay sa Dios at namatay siya sa espiritu .

    Nag - umpisa rin siyang mamatay sa pisikal at ngayo`y may kaluluwa siyang patay at mamamatay na katawan . Hindi lang iyan ang lahat ng anak ni Adan at Eba ay nagmana ng kanilang bulok na kalikasan at makasalanang pagkatao . Mula noon , parang polusyon sa bunganga ng ilog , ang lason ng kasalanan ay umagos sa lahat ng lahi ni Adan , at sa ganitong paraan , lahat ng tao ay namatay pagkat lahat ay nagkasala .

    Pansinin ang mahalagang salitang lahat , kung saan malinaw na kasali ang manunulat at mambabasa ng pahinang ito . Maaaring hinde nga tayo magkita kailanman sa mundong ito , ngunit may bagay na totoo sa atin pareho tayo`y makasalanan at tayo`y mamamatay . Kung sinasabi nating wala tayong kasalanan ,  dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan , at kung sabihin nating di tayo namamatay , tayo`y nagiging katawa - tawa . Ang pakikipaglaro sa katotohanan ay hinde makapagbabago sa mga ito .

    Marami sa mga pangunahing balita ng mga diario , telebisyon at radio ngayon ay nagpapaalala sa atin ng katotohanang magulo ang mundo . Madaling sumpain ang karahasan , kawalan ng katarungan at maling gawain sa lipunan , ngunit bago natin pulaan ang iba , itanong mo muna sa iyong sarili kung ikaw ba ay ganap na at namumuhay nang kalugod  - lugod sa Dios na banal . Ikaw ba`y lubos ng tapat , malinis , mapagmahal at di makasarili ? Alam ng Dios ang sagot sa mga tanong na ito at ikaw din , Lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Dios . Ikaw ay makasalanan sa kapanganakan pa lamang , sa kalikasan  , sa pagpili at sa pamumuhay , at kinakailangang harapin mo ang katotothanan at ang bunga nito .

    Roma 5 : 15
    Genesis 2 : 17
    Genesis 3 : 6
    Genesis 3 : 6
    Genesis 3 : 8
    Roma 5 : 12
    I Juan 1 : 8
    Roma 3 : 23