Kung ang isang sakit ay nasuri na , mahalagang itanong : Malubha ba ang lagay nito ? Lalong mahalaga na itanong kung malubha ang espiritwal na sakit na kasalanan . Maraming tao ang halos natutuwa kaagad na umaming sila`y makasalanan , dahil hindi nila tanto kung ano talaga ang kahulugan nito . Sinasabi nila na likas iyon sa tao o di kaya`y nagdadahilan sila at ikinakatwirang ginagawa naman ng lahat ito . Ngunit ang ganoong mga kaugalian ay pag-iwas sa talagang isyu malubha ba ang lagay ng kasalanan ? Narito ang ilang sinasabi ng Biblia sa pagiging makasalanan . Ikaw ay napakasama . Hindi ito nangangahulugang ika`y sukdulan na sa kasamaan , o lagi kang gumagawa ng bawat kasalanan . Hindi rin nangangahulugang di mo alam ang mabuti at mali o di mo kayang gumawa ng mga bagay na mabuti at nakatutulong . Ngunit ang kahulugan nito ay napasok na ng kasalanan ang bawat bahagi ng iyong kalikasan at personalidad ang iyong pag-iisip , kalooban , damdamin , konsensya , disposisyon at imahinasyon . Ang puso ay higit na magdaraya kaysa alinmang bagay at walang kagamutan . Ang ugat ng iyong suliranin ay hindi kung ano ang ginagawa mo kundi kung ano ka ! Nagkakasala ka dahil sa ikaw ay isang makasalanan . Ikaw ay narumihan . Diretso ang Biblia dito : Sapagkat mula saloob , sa puso ng tao , nagmumula ang masamang isipan , pakiki-apid , pagnanakaw , pagpatay , pangangalunya , pag-iimbot , kahalayan , pagdaraya , pagkainggit , paninira , kayabangan at kahangalan . Pansinin na ang listahan ay sumaklaw sa pag-iisip , pananalita , at pagkilos . Ito ay nagpapakita lamang na sa paningin ng Dios , lahat ng kasalanan ay pareparehong malubha . Hinahangganan ng ilang tao ang kanilang palagay na kasalanan ay gawa ng pagpatay , pakikiaapid at pagnanakaw , ngunit ipinaliliwanag ng Biblia na wala tayong karapatang mag-isip tungkol sa kasalanan sa ganitong paraan . Ang kasalanan ay anumang hindi nakakaabot sa perpektong pamantayan ng Dios . Anumang ating salitain , isipin o gawin na hindi perpekto ay kasalanan . Ngayon harapin natin ang tanong : Sino ang makapagsabi : Ang puso ko`y napanatili ; ako ay malinis at walang kasalanan . Masasabi mo ba yan ? Kung hindi , ikaw ay narumihan . Ikaw ay naghimagsik . Sinasabi ng Biblia na ang Kasalanan ay laban sa kautusan, sadyang paghihimagsik sa awtoridad at batas ng Dios . Walang batas-sibil na pipilit sa iyo na magsinungaling , mandaya o mag-alaga ng maruming isip o magkasala sa anumang paraan . Pinipili mong magkasala . Pinipili mong suwayin ang banal na utos ng Dios . Sinasadya mong labagin Siya at iyan ay delikado dahil ang Dios ay Hukom na matuwid , isang Dios na magpapahayag ng Kanyang poot araw-araw . Hindi kailanman babaliwalain ng Dios ang kasalanan , at makatitiyak kang hindi palampasin kahit isang pagkakasala sa kaparusahan . Ilan sa mga bahagi ng kaparusahan ng Dios ay dumarating sa buhay mo ngayon bagamat hindi natin nalalaman ito . Ngunit ang pangwakas na kaparusahan ay darating pagkatapos mamatay , sa Araw ng Pahuhukom , kung kailan bawa`t isa`y magsusulit sa Dios . Jeremias 17 : 19Genesis 2 : 17 Marcos 7 : 21 - 22 Kawikaan 20 : 9 1 Juan 3 : 4 Awit 7 : 11 Roma 14 : 12 |
|
|