Ito ang saligang tanong . Kung walang Dios , ang paghahanap sa kanya ay walang saysay . Ang sinumang lumalapit sa Kanya ay dapat maniwalang may Diyos . Bagamat hinde nga mapapatunayang may Dios sa pamamagitan ng maka - matematikang pangangatuwiran , ang mga ebidensya naman ay lubhang kapani - paniwala . Kunin halimbawa ang sansinukob . Ang sabihing ito ay bunga ng isang aksidente ay nagbubunsod ng maraming tanong na wala namang kasagutan . Ganon din ang Big Bang na teorya . Halimbawa , saan galing ang mga materyales o elemento na nandoon sa simula pa ? Kahit isang big bang ay hinde maaring makagawa ng anumang bagay na mula sa wala .  Palasak na pniniwala ang Ebolusyon , ngunit mahina din ; paano magiging isang bagay ang isang wala , lalo na ang iba´t ibang uri ng buhay sa mundo . Lahat ng mga ibang teorya ay kasinghina ng ebolusyon . Ang taning katanggap-tanggap na paliwanag ay ito : Sa pasimula ay nilikha nf Dios ang langit at lupa . Ang ating mundo ay hinde galing sa malaking sakuna na nabuo ng mga pasumalang pangyayari ng mga elemento na laging naroon . Kung tutuusin , ang santinakpan ay nilikha sa pamamagitan ng salita ng Dios , anupa´t ang nakikita ay nilikha sa pamamamagitan ng di nakikita . Ang nilikha ay may pasimula at ang lumikha ay ang Dios . Sinabi Niya at ito ay nangyari , nag-utos Siya at ito ay tumatag . Pinatitibayan ito ng kamangha-manghang kaayusan at disenyong makikita sa lahat ng dako , at sa pandaigdigang batas ( unversal law )na nagpapanatili sa lahat ng bagay , mula sa kalaparan ng kalawakan hanggang sa kaliit - liitang organismo . Ngunit ang disenyo ay nangangailangan ng taga - disenyo at ang batas ng mambabatas at ang dalawang ito ay ang Dios . Ang Dios na lumikha ng sanlibutan at ng lahat ng narito ay ang Panginoon ng langit at lupa . Ngunit , and pinakamatibay na ebidensya ng paglikha ng Dios ay ang tao mismo . Hinde katulad ng ibang mga nilikha , may tinatawag na personalidad ang tao ; nakapagdedesisyon siya nang nang katalinuhan ; may konsensya siya at nakakakilala ng tama at mali . Siya`y umiibig at mahahabag . Higit sa lahat , likas sa kanyang katauhan ang sumamba . Saan niya nakuha ang mga katangian , ito ? Hinding - hinde kayang ibunga ito ng isang ebolusyon o ng pagbugso ng sunod - sunod na aksidenta na nagkataonlamang . Ang pinakamalinaw na kasagutan ay ito : Hinugis ng Panginoong Dios ang tao mula sa alikabok sa lupa . Pagkatapos hiningahan Niya ang ilong nito ng hininga ng buhay . Ang tao ay hinde aksidente , nakahihindik at kahanga - hanga ang pagkalikha sa tao ng Manlilikha ng sansinukob . Hebreo 11 : 6 Genesis 1 : 1 Hebreo 11 : 3 Awit 33 : 9 Mga Gawa 17 : 24 Genesis 2 : 7 Awit 139 : 9 |
|
|