Back To
MGA TANONG NA DAPAT SAGUTIN 

MGA TANONG NA DAPAT SAGUTIN ni John Blanchard

Isinalin sa Tagalog ni R. M. Puzon





 

NANGUNGUSAP BA ANG DIOS ?

    Ang tanong na ito ay napakahalaga . Kung aasa lamang tayo sa sarili nating kakayahan , tayo ay lubusang walang kaalaman sa Dios . Matatarok mo ba ang mga hiwaga ng Dios ?  Maaabot mo ba ang mga hangganan ng Makapangyarihan sa lahat ? Ang Dios ay higit at lampas sa ating pagka - unawa at kailangan natin ang kanyang Sarili sa atin .

    Ang Paglikha ay isa sa mga pangunahing paraan na ginagamit Niya upang magpakilala sa atin , ang kaluwalhatian ng Dios ay ipinahahayag ng mga kalangitan , ang mga kalawakan ay nagsasaad ng mga gawa ng kanyang mga kamay . Ang kalakihan pa lamang ng sansinukob at ang kagilagilalas na pagpagkakabalanse nito , ang di mabilang na pagkakaiba - iba ng uri ng nilikha , at kagandahan nito ay naghahayag ng malaki tungkol sa Dios na lumikha nito . Sa paglikha , ipinakita ng Dios ang Kanyang napakadakilang kapangyarihan , kagilagilalas na karunungan ,  at matalinong pag - iisip . Mula pa nang likhain ang sanlibutan , ang mga hinde nakikitang katangian ng Dios ang walang hanggang kapangyarihan at banal na kalikasan ay maliwanag na nakita at nauunawaan mula sa mga bagay na nilikha . Kaya wala nang maidadahilan ang tao .

    Kapag tayoy nakikipagtalastasan sa isa´t - isa ,nakabatay tayo ng husto sa mga salita . Ang Dios ay nakikipag - usapdin sa tao sa pamamagitan ng mga Salita ng Biblia . Halos 4,000 beses na nabanggit sa Lumang Tipan pa lamang ( 500 beses sa unang limang aklat ) ang mga salitang tulad ng ang Panginoon ay nagwika , at sinasabi ng Pangnginoon , at inutos ng Panginoon . Kaya nga inihayag na ang Banal na Kasulatan ay di nagsimula sa kalooban ng mga tao ,, kundi nagsalita ang mga tao mula sa Dios nang kasihan sila ng kapangyarihan ng Espiritu Santo .

    Wala sa anumang aklat , liban sa Biblia , natin matatagpuan ang mga tala ng napakaraming malilinaw at detalyadong mga hula ng mga taong nagangkin na sila`y nagpahayag mula sa Dios , at pagkaraan ng takdang panahon ay natupad nang buong katotohanan .  Ang pagsasabi na ang katuparan ng mga ito ay nagkataon laman , ay walang kalaban - laban .

    Ang isa pa ay ang malalim na timo ng Biblia sa buhay ng tao . Walang aklat na makakapantay sa kapangyarihan ng Biblia na baguhin ang buhay ng tao . Milyung - milyong tao sa mulat - mula pa hanggang ngayon ay nagpapatotoo sa kanilang personal na karanasan na ang kautusan ng Panginoon ay ganap , muling nagpapasigla sa kaluluwa . Ang patotoo sa Panginoon ay tunay na nagpapapantas ng hangal . Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid , itoy nagdudulot ng galak sa puso  . Ang mga utos ng Panginoon ay maningning , nagdudulot ng liwanag sa mga mata .

    Pagkaraan ng 2,000 taon walang dalubhasa sa anumang larangan ang nakapagpatunay namali ang Biblia ,. Ito ay dahil sa lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Dios . Kaya dapat tanggapin natin ito hinde bilang salita ng tao , kundi bilang Salita ng Dios .


    Job 11 : 7     Awit 19 : 1    Roma 1 : 20    2Pedro 1 : 21    Awit 19 : 7 - 8
        2Timoteo 3 : 16    1Tesalonica 3 : 18