Maraming kuro-kuro tungkol sa kung aong mangyayari pagkamataynatin . Sabi ng iba tayong lahat ay pupuksain , ang iba nama`y nagsasabi na tayong lahat ay pupunta sa langit . Naniniwala naman ang iba na may pook kung saan pupunta ang mga makasalanang kaluluwa para raw ihanda sa langit . Ngunit , hindi sinusuportahan ng Biblia ang alinman sa mga palagay na ito . Sa halip , ganito ang ating mababasa : Itinakda sa tao ang mamamtay na minsan at pagkatapos nito ay ang paghuhukom . Yaong mga may tamang relasyon sa Dios ay tatanggapin sa langit upang magpawalang-hanggang makapiling ang Kanyang maluwalhating presensya . Ang iba ay , igagawad sa kanila ang walang-hanggang kaparusahan at hindi sila tatanggapin sa harapan ng Panginoon at sa kadakilaan ng Kanyang kapangyarihan . Ang karaniwang tawag dito sa Biblia ay impyerno o dagat-dagatang apoy . May apat ( 4 ) na mahahalagang katotohanan tungkol dito : Totoo na may impiyerno . Hindi ito isang bagay na inimbento ng iglesya . Mas marami ang sinasabi ng Biblia tungkol sa impiyerno kaysa tungkol sa langit at itoy lubos na katotohanan . Binabanggit nito ang mga taong hinatulan sa impiyerno at itinapon sa impiyerno . Nakakatakot ang impiyerno . Inilarawan ng Biblia ang impiyerno na isang pook ng pagdurusa ; pook ng naglalagablab na apoy ; isang pook na may apoy na tumutupok at apoy na di namamatay magpakailanman ; at walang pahinga araw at gabi may pagtangis at nagnangalit na ngipin ; isang nagniningas na pugon . Ito ay mga kakilabot-kilabot na salita pero totoo . Ang mga inilayo sa kahit na anumang tulong o kaaliwan ng Kanyang presensya . Pangkatapusan ang impiyerno . Lahat ng daan papuntang impiyerno ay iisa . Walang labasan . Sa pagitan ng impiyerno at langit , ay may malaking bangin , anupa`t hindi makapupunta riyan ang narini at hindi na makapupunta rini ang nariyan . Ang kakila-kilabot , na kalungkutan at pagdurusa sa impiyerno ay hindi upang maglinis kundi upang magparusa magpakailanman ! Ang impiyerno ay makatarungan . Sinasabi ng Biblia na nagtakda na Siya ( ang Dios ) ng isang araw para hatulan sa katarungan ang sanlibutan at Sya`y lubusang makatarungan na ipadala ang mga makasalanan sa impiyerno . kung sa bagay ibinibigay Niya lamang sa kanila ang kanilang pinili . Tinanggihan nila si Cristo dito ; tatanggihan naman Niya sila doon . Pinili nilang mamuhay nang laban sa Dios ; pinagtibay Niya ang kanilang pinili magpakailanman . Hindi maaaring masisi ang Dios dahil sa kawalang katarungan o hindi pagiging pantay sa kanyang pagtingin sa tao . Sa liwanag ng mga kakila-kilabot na mga katotohanang ito ; kailangan mong isiping mabuti ang tungkol sa tanong na minsan nang naitanong sa isang grupo ng mga tao sa Bagong Tipan : Paano kayo makaliligtas sa kaparusahan sa impiyerno ? Hebreo 9 : 27 2 Tesalonica 1 : 19 Mateo 23 : 23 Mateo 5 : 9 Lucas 16 : 28 Mateo 13 : 42 Isaias 33 : 14 Mateo 3 : 12 Mateo 22 : 13 Pahayag 14 : 11 Lucas 16 : 26 Mga Gawa 17 : 31 Mateo 23 : 33 |
|
|