Back To
MGA TANONG NA DAPAT SAGUTIN 

MGA TANONG NA DAPAT SAGUTIN ni John Blanchard

Isinalin sa Tagalog ni R. M. Puzon





 

SINO AKO ?

    Ang mga kahirapan at suliranin ng makabagong pamumuhay ay nagbubunsod sa maraming tao , sa walang katapusang paghahanap ng kahulugan at layunin ng buhay . Nalaman na natin ang ilang bagay tungkol sa kung sino ang Dios ; ano naman ang tungkol sa atin ? Bakit tayo nabubuhay ? Bakit tayo nandito ? Ang buhay ba ng tao ay may kahulugan at layunin ?

    Ang unang bagay na dapat linawin ay ito : ang tao ay hindi basta lumabas na lamang . Siya ay hindi nangyaring aksidente na pinagsama - samang mga atomo na nagkataong magkaangkop - angkop upang maging isang tao . Sinabi sa Biblia na ang tao ay tiyakang nilikha ng isang marunong at banal na Dios . Kaya , nilalang ng Dios ang tao ayon sa Kanyang larawan ayon sa larawan ng Dios nilalang Niya ang tao ; nilikha silang lalaki at babae . Ang tao ay higit kaysa isang lubos na modernong hayop o isang sibilisadong unggoy . Naiiba siya sa ibang hayop gaya ng pagkakaiba ng hayop sa mga gulay at ng mga gulay sa mga mineral . Kung laki ang paguusapan , napakaliit ng tao kung ihahambing sa araw , buwan at bituin , ngunit binigyan siya ng Dios ng isang natatangi at at marangal na kalagayan sa sansinukob .

    Makikita ito sa isa sa mga unang utos ng Dios sa tao : Pamahalaan ninyo ang mga isda sa dagat at ang mga ibon sa himpapawid gayon din ang bawat nilikkhang may buhay na naglipana sa lupa . Ang tao ang naging personal sa kinatawan ng Dios sa lupa na may kapangyarihan sa lahat ng nilikhang may buhay .

    Ngunit binigyan rin ang tao ng ispesyal na karangalan . Ang pakakalikha sa kanya sa larawan ng Dios ay hinde nangangahulugan na kasing laki o hugis niya ang Dios ( nalaman natin na ang Dios ay walang laki o anyo ) o ang tao ay maliit na Dios , na nag aangkin ng lahat ng Kanyang mga katangian sa maliit na kantidad . Ang kahulugan nito ay , ang tao ay nilikhang isang espiritual , may katwiran , moral ; at isang walang kamatayang nilikha na may ganap na kalikasan . Sa madaling salita , siya ay isang tunay na sinag ng banal na karakter ng Dios .

    Higit pa riyan , ang tao ay laging nagagalak sa sumunod sa lahat ng utos ng Dios at dahil dito , ay ganap na namumuhay , na may sakdal na pakikipagugnayan sa Dios . Wala siyang krisis sapagkakilala sa sarili . Alam niya kung sino siya at kung bakit siya nasa mundo , at may pagtalima niyang tinanggap ang kalagayan na ibinigay sa kanya ng Dios .

    Ngunit hindi lamang siya lubusang gumanap at nasisiyahang ganap sa tungkulin niya sa mundo . Ang Dios ay nasisiyahan din sa tao . Alam natin ito dahil ang sabi ng Biblia nang makita ng Dios na kumpleto na ang kaniyang paglikha , kasama ng tao bilang kaganapang kaluwalhatian nito tiningnan ng Dios ang lahat Niyang nilikha at nakita Niyang ito`y napakabuti . Sa puntong ito ng kasaysayan , ang perpektong tao ay nakatira sa perpektong kapaligiran na may perpektong pakikisama sa isa`t - isa at sa Dios .

    Hindi ganyan ang sitwasyon ngayon ! Anong nangyari ?

    Genesis 1 :  27
    Genesis 1 : 28
    Genesis 1 : 31