Saan
Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum,
Gloria Macapagal Arroyo
Paksa: Re: GMA will Regain Lead
Kailan Sinulat: April 14, 2004
Tigilan
na ang kalokohan ng SWS at Pulse Asia!
Wala
pang 5,000 sinasabi nilang sinurbey (marami pa ang pwedeng nangyaring
kabulastugan) against tatlumpu't walong milyon (38 million) na mga
botante (.013% lang ng kabuohan). Tapos sasabihing mananalo... hibang
din ano? Basahin din kung bakit hindi kumpleto at hindi authoritative
ang "scientific" surveys nila kung kaya hindi dapat pagbasehan
ng bobotohin ng taumbayan: Click ka dito.
Maraming
estudyante diyan (usually college), tanungin ninyo kung papaano
nila binuo ang mga surveys (e.g., marketing survey) nila...
magugulat ka at tiyak 'di naman magpapabilad sa araw ang karamihan.
Ang 300 daan na sinurbey ilan lang talaga ang totoo? Siguro mga
60 lang tapos multiplied by 5. Hindi ko nilalahat, ngunit may basehan
para magduda 'di ba? Ang init ng panahon ngayon... eh papaano na
lang kung nanghula lang ang mga surveyors? Eh di patay na ang mga
naniwala?
Pero
may malaki talaga ang paniniwala ng marami na ang administrasyon
ang nagma-manipulate ng mga ito.
Tigilan
na ang panloloko at pang-iimpluwensya makakuha lang ng boto sa maruming
paraan na ginagawang tila totoong malaki ang lamang (hindi naman)
habang hatak-hatak ang ilong ng mga taga SWS at Pulse Asia para
hindi masyadong halata na propaganda nila ang lahat tungkol sa survey!
Hindi
ba naman halata, ito ang ipinapangaladakan ni GMA na sila lang ni
FPJ ang tunay na naglalaban. Ang totoo nanginginig na siya sapagkat
alam niyang milyon-milyon ang mga supporters ni Villanueva na magdadala
dito sa pagkapanalo.
Maruruming
taktika ng administrasyon... tsk... tsk... tsk... maawa kayo sa
ating bayan at mahiya kayo sa inyong mga sarili!
Bumangon
ka na! Hindi tayo mabibigyan ng magandang buhay ng mga nagpupumilit
na kumapit sa kapangyarihan tapos gastos ng gastos... saan kukunin
ang kabayaran pagkatapos? tsk... tsk... tsk...
Saan
Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum,
Gloria Macapagal Arroyo
Paksa: Re: GMA kailangan ang
suporta ni Roco at Villanueva
Kailan Sinulat: April 14, 2004
Referring
to a nasty forumer:
Para
kang si GMA kung magpahayag ng propaganda ah!
Kaso
kahit anong pilit mo... wala 'yan. Pilit nga ng pilit si Arroyo
kay Villanueva na umatras na eh kababalita lang ngayon sa ABS-CBN...
natatakot yata... nanginginig... alam na alam na lyamado si Villanueva.
Hinding-hindi
nga kaya ng kahit na sinong kandidato maliban kay Villanueva na
magkaroon ng animo mga langgam sa dami na mga supporter sa mga major
rallies nila eh... tapos itim at puti lang daw. hehehe
Saan
Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum,
Gloria Macapagal Arroyo
Paksa: Re: GMA 6 point Agenda
after Victory?
Kailan Sinulat: April 15, 2004
What
about her agenda before the supposed "victory"? Or should
we say, black propaganda? Let GMA save her face. While she thinks
she and her allies can fool the majority of the Filipinos in believing
that the surveys (of surprisingly of Pulse Asia and SWS only) should
be looked upon when choosing for a candidate.
I bet
if she can even match the crowd who gathered in Luneta during Villanueva's
political rally. Sinabayan nga niya ito eh, 'di ba? ano ang nangyari?
eh di kakarampot lang ang dumalo sa may PICC para sa rally niya!
I challenge
any candidate to match the crowd who gathered for Villanueva! And
it is not just in Manila. All around the Philippines where Villanueva
campaigns, he is swarmed by thousands and thousands of supporters!
And
what about those surveys done by other independent organizations?
Can she and her allies pay for only two, SWS and Pulse Asia? Tsk...
tsk... tsk...
What
about surveys that can't be manipulated (by groups with political
interest) such as the DZRH survey with more than 50,000 samples
through text messaging where Villanueva has the lead while Gloria
is a far second?
Gloria
knows who is the real opponent to beat. It is not FPJ but it is
Villanueva and his silent and not so silent majority.
GMA's
agenda or propaganda this election goes before what she will do
after the supposed "victory"... that is if it will ever
happen, which millions and millions don't think so. nanlilinlang
lang kasi at ginagamit ang ilang survey organizations para maisagawa
ang kanyang maitim na plano... halatang-halata naman. Of course,
itatanggi at sasabihing walang basehan. Sabi ko nga, tinubuan na
ng ugat at alam na alam na ang pasikut-sikot sa pulitika... alam
na alam kung papaano lulusot. Sorry, pero iyan ang tutoong nangyayari.
Ingat
lang ang bayan sapagkat iyan ang ginagamit na pagkukundisyon sa
mga tao bilang paghahanda para sa isang massive wide-spread cheating.
huwag nating hayaang mangyari ito!
Saan
Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum,
Gloria Macapagal Arroyo
Paksa: Re: Ang Paggamit ni GMA
sa mga Survey para sa Panlalamang
Kailan Sinulat: April 15, 2004
(Ito
ang isinulat ng isang forumer: "to put an end to this... plesase
tell us then what are u suggesting...to whom in particular should
we vote then?")
It is really up to you... this is a democratic country. One serious
suggestion though... think well. Think very well.
Marami
kang pwedeng isipin, isa doon eh pwede mong isipin kung saan kukunin
ng kandidato mo ang pangbawi sa mga ginastos niya sa kampanya. I
heard 150 million daw ang halaga ng 180 minutes airtime sa TV. Sad
to say on this specific issue, hindi ba't hindi nakuntento si GMA
dun sa 180 minutes at "nanghiram" pa dun sa ibang ka-alyado
niya based on the fictitious legal opinion that they have created
when interpreting the law pertaining to it? Nevertheless, the greater
issue is where did they get the funding and to whom will they repay
the gratitude?
Isipin
mo rin kung trapo ang mga nasa likod ng isang kandidato at tila
handang-handa nang magpalabas ng puppet show.
Kamay
na bakal? Kung ako ang tatanungin mo, mahirap... mahal ko ang bill
of rights.
In
particular, suggestion ko sa iyo sundin mo ang guideline na ibinigay
ng mga Catholic bishops. Para hindi naman bias 'di ba? Basahin mo
rin ang plataporma de gobierno ng bawat kandidato. Ngunit higit
sa lahat tingnan mo ang karakter, buhay, kakayanan at layunin ng
bawat kandidato.
For
millions and millions of supporters of Villanueva he has the best
traits of a leader we badly need at this point in our being a nation.
The late Blas Ople has stated that we are on the brink of civil
war. Unless we do something about it, we are bound to be doomed.
I challenge you to know the man (Villanueva) and his vision. There
are overflowing materials from various Eddie Villanueva official
and unofficial websites. I also suggest that you compare his character,
his life, his capability to lead, and his vision and goals for our
country to that of other candidates. He will stand out in the end.
Just give it some time and you will surely not waste your vote.
Saan
Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum,
Gloria Macapagal Arroyo
Paksa: Re: Ang Paggamit ni GMA
sa mga Survey para sa Panlalamang
Kailan Sinulat: April 15, 2004
Ang
sabi ng kampo na nagsasabi ng "sayang daw ang boto kung pipili
ng nangungulelat sa survey" sa Debate ng GMA TV Network kani-kanina
lang, matalino raw ang mga botante.
Totoong
matalino ang mga botante. Alam nila na ang sinasabing "winnability"
kuno ay "winnability" lamang sa ilang libong samples lang.
Ngunit hindi ito winnability ng buong 38 to 40 million voters! Bakit
ako boboto sa "nakakalamang daw sa survey" kung ito ang
totoo.
Marami
ring surveys diyan na ginagawa... bakit SWS lang at Pulse Asia ang
palaging naririnig? Masyado bang mahal kung pati yung iba babayaran
din?
Papaanong
magiging "winnable" si GMA? Eh di dadaanin sa panlilinlang
ng mga botante!
Ito
ang PROPAGANDA NG PANLALAMANG at PANLILINLANG ni Gloria Macapagal-Arroyo
at ng kanyang mga kaalyado:
- Ang
game plan ay sabihin from the start na dalawa lang ang talagang
naglalaban.
- Iimpluwensiyahan
o magkukumisyon ng ilang survey groups na magsasabi na sila ang
nangunguna.
- Ibabase
ang kampanya base sa mga ganitong uri ng survey para impluwensiyan
at linlangin naman ang mga botante na hindi masyadong nag-iisip
sang-ayon sa kanilang kunsensya, karakter at plataporma ng kandidato.
ITO
AY PAGKUKUNDISYON SA MGA TAO GINAGAWANG PAGHAHANDA NG ADMINISTRASYON
SA MALAWAKANG PANDARAYA NA KANILANG GAGAWIN MAPANATILI LAMANG SA
KANILA ANG KAPANGYARIHAN KANILANG KINALULUNGAN.
MAGALING
ANO? Siyempre, ang nangungunyapit sa kapangyarihan ay gagawin ang
lahat 'wag lamang mawala sa kanila ito.
MATALINO
ANG MGA BOTANTE KAYA ALAM NA NILA ANG PROPAGANDA NG PANLALAMANG
AT PANLILINLANG NG KAMPO NI GMA.
Ginagalang
ko pa rin ang kanyang pagka-pangulo. Ngunit ang kanyang pagiging
pangulo ay isang buwan na lang at magwawakas na. Sa kanyang nalalabing
mga araw bilang pangulo, gumawa na lang siya ng tama at hindi pa
niya dadalahin iyon sa kanyang kunsensya habang panahon. Pwera na
lang kung talagang makapal na ang kalyo.
Huwag
na niyang gamitin ang mga survey na ganito na alam na alam naman
din niya sa sarili niya hindi authoritative sa magiging resulta
ng eleksyon. alam niya sa kanyang sarili na ito ay ginagamit lamang
nila para maka-impluwensya!
bagamat
palagi kong gagalangin ang opisina ng pangulo, nakakawala ng galang
sa personalidad at karakter ni Gloria Macapagal-Arroyo! Ang kanyang
game plan ay napakabulok at hindi nagtuturo ng mabuting values para
sa mga tao at higit sa lahat, sa kabataan.
Matalino
ang mga Filipino... hindi padadala kay GMA at kaalyado sa kanilang
panlilinlang at panloloko!
Babangon
ang Pilipinas at tiyak mabubulgar ang mga tiwali magkubli man sila
sa dilim! Hindi lamang mawawalan ng tiwala sa kanila ang mga tao,
mawawalan rin sila ng mas maraming boto... sapagkat ang karamihan
sa mga Filipino ay matalino.
Saan
Isinulat: Presidential Candidate's Forum,
Gloria Macapagal Arroyo
Paksa: Re:
Ang
Daming Pera ng Campaigners ni Gloria
Kailan Sinulat: April 16, 2004
tsk...
tsk... tsk... siyempre ang bawi pagkatapos ng eleksyon.
Saan
Isinulat: Election2004.PH,
Presidential Candidate's Forum, Gloria
Macapagal Arroyo
Paksa: Re:
Manila: solid for GMA
Kailan Sinulat: April 19, 2004
Manila
solid for GMA? Hahaha!
Noong
Pebrero 22, 2004 may political rally si Villanueva sa Luneta na
dinaluhan ng pagkarami-raming tao, sinabayan ni Ate Glo sa may PICC.
Ano ang nangyari? Kakalog-kalog 'di ba?
Napakabuti
pa nga ng media kay Gloria eh 'di ba? Nakatuon ang balita sa lakas
ng puwersa ni Villanueva! Eh kung nakatuon ang balita sa HINA ng
puwersa ni GMA, ano na ang nangyari? Eh 'di lalo lang naging katawa-tawa
sa pagyayabang ninyo na lamang sa ilang survey ng halata namang
nabayaran.
ANONG
KALOKOHAN ANG PINAGSASASABI NG GUMAWA NG TOPIC NA ITO!
Saan
Isinulat: Election2004.PH,
General Election Discussion
Paksa: Re:
GMA- spending at Least P30 Million of OUR MONEY everyday for Her
Campaign
Kailan Sinulat: April 16, 2004
Wala
naman daw ebidensya...
Eh
bakit sa palagay ninyo? Alam na ang pasikut-sikot... tinubuan na
ng ugat sa pulitika at nangungunyapit sa kapangyarihan.
Maawa
naman sa bayan at tigilan na ang nakawan!
Saan
Isinulat: Election2004.PH,
Presidential Candidate's Forum, Gloria
Macapagal Arroyo
Paksa: Re:
Buwagin ang Paggamit sa mga Survey Bilang Propaganda ng Panlalamang
Kailan Sinulat: April 19, 2004
Ito
ang isinulat ng isang forumer" ..."naghahanap ka lang
ng gulo kapag natalo iyang manok mo. Isa pa kelan ba nandaya si
GMA eh first time nya palang tumakbo bilang presidente? Naantabayan
mo ba ang career nya na puro kadayaan ang nangyari?..."
Sino ang gagawa ng gulo? Ikaw? Si GMA? Si FPJ? Yung ibang kandidato?
Sino? Yang gulo na iyan ang magiging sanhi ng "civil war"
na sinasabi ng namayapa nang si Blas Ople. The more na kailangan
ng bayan natin ang pagiging pangulo at liderato ni Villanueva.
Ibukas
mo ang mga mata mo... hindi nga pahuhuli ang mga nasa high profile
na posisyon na gumagawa ng tiwali 'di ba at tinubuan na ng ugat
para hindi malaman ang pasikot-sikot ng batas?
Muntik-muntik
na nga 'yung asawa eh, kaya hindi matanggap-tanggap yung bulaklak
na ibinibigay sa kanya nung kaarawan niya... nakaapekto kasi ng
malaki sa kampanya niya ngayong eleksyon.
Hindi
ba't pilit nag-aabot ang langit at lupa sa pagtanggi ni GMA na gumagamit
siya ng pondo ng pamahalaan para dito? Ngayong kampanya, sa palagay
mo gaano kalaki ang ginagastos ni GMA sa kampanya niya? SAAN SA
PALAGAY MO BABAWIIN PAGKATAPOS NG HALALAN? Tsk... tsk... tsk...
Pwede
ka pang magmulat ng mata... hindi pa huli ang lahat. Ang kailangan
ng bansa ay isang tunay na pagbabago at hindi superficial lamang.
Bakit
hindi magamit ni GMA ang datos ng kalagayang pang-ekonomiya ngayong
halalan? Mas lalo kasing bumagsak. Tsk... tsk... tsk...
Bakit
sa palagay mong patuloy niyang pinipilit si Villanueva na umatras
sa kandidatura? Siyempre alam niya na NAPAKALAKAS ni Villanueva,
tagilid ang laban niya.
Bakit
sa palagay mo at tila si Gil ay kunwari galit sa Comelec at ngayon
naman lalapit-lapit pa kay Dolphy? Obvious ba? Siyempre... para
hindi mapagbintangan ang kampo ni GMA. Magagaling ang mga gumagawa
ng propaganda ni GMA... Tsk... tsk... tsk... bulok!
Na-obserbahan
mo ba ang pagkawala ng sigla ni GMA sa kamera na pinalalabas sa
telebisyon? Pressured na pressured na 'yung tao eh (ngayon medyo
nakangingiti na... napagsabihan siguro ng ilan sa mga propagandist
niya). GAGAWIN ANG LAHAT MANATILI LAMANG SA POSISYON AT KAPANGYARIHAN
KAHIT ANG LOOB NIYA NAGHUHUMIYAW... "BAKIT KO BA GINAGAWA ITO?
PATI SI VILLANUEVA GINAGAWAN KO NG MASAMA". BAKA HINDI PA TUMITIMO
SA KANIYA NA PATI ANG KALIGAYAHAN AT KAPAYAPAAN SA PUSO NIYA AY
UNTI-UNTI NANG NAWAWALA. Tsk... tsk... tsk...
Pero
iilan lang naman ang nagbubulag-bulagan eh. Hindi ka rin naman nag-iisa...
kasama mo si GMA. Baka mawala rin ang sigla, kapayapaan at kaligayahan
diyan sa puso mo, kaya alalay lang. Kaya't isipin mong mabuti kung
karapat-dapat nga ang iyong kinikilingan... para sa bayan.
BANGON
PILIPINAS!
Saan
Isinulat: Election2004.PH,
Presidential Candidate's Forum, Gloria
Macapagal Arroyo
Paksa: Re:
Macapagal is the Person to Beat
Kailan Sinulat: April 19, 2004
Ito
ang response sa paksa na isinulat ng isang forumer.
Dream
on...
Papaanong
siya ang magiging candidate to beat eh ginagawa nga ang lahat ng
magagawang propaganda para lang sirain si Villanueva. Alam mo ba
kung bakit?
Pero
hindi mapapasubalian ang katotohanan sapagkat lalabas at lalabas
din ang totoo kung sino ang talagang kinakabahan ngayong eleksyon
at nagtatago sa mga maruruming taktika. Gusto mong malaman kung
sino? Itanong mo kay GMA at sa mga malalapit niyang mga kaalyado.
Saan
Isinulat: Election2004.PH,
Presidential Candidate's Forum, Gloria
Macapagal Arroyo
Paksa: Re:
GMA for Continuity?
Kailan Sinulat: April 19, 2004
Sagot
sa isang topic na pinamagatang "Go for Continuity:Lets GO GMA..."
Go
for Continuity:Lets GO GMA...???
Anong
continuity? Continuity para mas lalo pang lumobo ang ating utang
at tuluyan ng lumubog ang ating bansa? Continuity sa hindi naman
natigil na korapsyon kaliwa't kanan... may Pidal pa pagkatapos ng
Velarde. Continuity ng kapangyarihan matapos mangako na hindi na
tatakbo... malakas din ang hatak ng temptasyon ano... hindi maiwan.
tsk... tsk... tsk...
|