Mga Tula ni Yulz...


Saan Isinulat: Election2004.PH, General Election Discussion
Paksa: Patula Para Matuwa
Kailan Sinulat: April 01, 2004

(Sagot sa isang tula na naunang naisulat ng isang forumer na maka-GMA)

Huwag Mabibibla
ni yulz

Huwag ka sanang mabibigla
Taliwas sa iyong salita
Sa kasalukuyang namamahala
Ang nakararami ay wala nang tiwala

Si FPJ ang palaging puntirya
Si FPJ lamang ba ang kaya?
Isipin ang papalubog na ekonomiya
Lalong naghihirap ang maraming pamilya

Hindi natin kailangan ang may karanasan
Kung ito rin mismo ang dahilan
Kung papaano lulusutan
Ang bawat butas ng batas sa ating lipunan

Hindi rin kailangan ang walang kaalaman
Sa pagpapatakbo ng bansa it ay kailangan
At ano ang sabi ni Roco sa kandidatong ito?
Wala raw utak at walang puso

Ano gayon ang ating kailangan?
Yaon bang nakikipagbalagtasan?
Ito ba ang makakaahon sa ating kahirapan?
Ito ba ang sagot sa mga hinaing ng bayan?

Ang kamay na bakal ay nakakatakot naman
Sapagkat maari itong umabuso sa taong-bayan
Kung may pinsala sa mga wala namang sala
Hindi ba't ito ang mas salot kaysa silang nagkasala?

Tunay na pagbabago ng ating bansa
Makakamtan kung may pagkakaisa
Ang bawat Filipino sa paghalal sa isang tao
Na matuwid at may kakayahang mamuno