.
.
.
patuloy lang
isang hakbang pa, isa pa,
pero pasasaan ma't may mararating din
malayo pa ang lalakbayin
pagod na ang kanina pang pagod
nagngangalit ang supladang langit
di makita ang tinatahak
madilim pa rin,
hanggang kailan ang pagdurusa?...
hanggang saan ang pagtitiis?
nagrerebolusyon pati ang tiyan
nanginginig di lang tuhod kundi buong katawan
saan na nga paroroon?
nangangapang walang makapa
madilim,
saan didiretso: diyan o diyan?...
uy, ano yan? nagsanga ang daan?
nagsungit ang langit, paningi'y lalong lumabo
pagiray-giray parang lasing
hakbang: isa, dalawa, tatlo
pinilit ang mga paa na humakbang
masarap manatili at magpakalugmok...
mabibigat ang mga paa, mahirap ihakbang uli
ipapahinga ang pagal na kaluluwa
sumisikat na ang araw sa kanluran
umiikot ang paligid
nanginginig ang mga tuhod...
mata'y nanlalabo sa mga luhang ayaw pumatak
dahan-dahang tumayo, walang nakaagapay
nasugatan - masakit, mahapdi, dumudugo
natisod at tuluyang natumba...
mabato - matatalim na bato
lubak-lubak ang daan
kaliwa, kanan, kaliwa, kanan...
sinundan ng ilan pang mga hakbang
Sinimulan sa isang yapak...
Paglalakbay
(Para sa mga nagugulumihanan sa lohika ng tulang ito:
Ang pagbasa ng akdang ito ay parang isa ring paglalakbay. Kaya isipin n'yo na lang...naglalakad kayo. )
Balik sa Taas