SINO AKO
Pahapyaw na impormasyon lamang ang maiaalay ko tungkol sa aking sarili. Bagama't ang mga ito ay kakapiranggot lamang na pilas sa aking pagkatao, ito na rin ay parang mga mumunting hakbang upang mas makilala ako nang lubusan.
PANGALAN: Irish Cubillan (a.k.a. Irish, Aloha, Rishi, Alet, Maia, Akerue, Bulilit, Picachu at kung anu-ano pang gustong itawag sa akin ng mga kaibigan at kamag-anak ko>
Edad: 19 taon na akong naninirahan sa lupang ibabaw
Kailan at saan ipinanganak: Unang nasilayan ko ang mundo noong Hunyo 28, 1985 doon sa ospital sa Surigao City. Iniluwal [o tinanggal (?) sa katawan ng nanay ko] ako sa pamamagitan ng Caesarian operation. Naka-horizontal daw kasi ang posisyon ko.
Unang impresyon na parating nakukuha: tahimik
Na kinalaunan ay magiging: engot o kaya kenkoy
Hobbies at interests:
- adik sa word games - text twist, squabble, scrabble, boggle, same
- umaakyat sa bubong ng bahay (sa probinsya) para lang mag-star gazing
- bumibili ng kung anu-anong libro na hindi naman nababasa
- gumagawa ng beads bracelet na hindi naman sinusuot. for effect lang, kumbaga.
- ginagawang pasttime ang pag-flood sa tagboards ng mga kaibigang may blog o website
Kabuuang deskripsyon sa sarili: Hindi ako malabo. Hindi rin malinaw. Kadalasan, matatagpuan mo akong tahimik at nag-iisip habang nilalasap ang ko aking liminal moments.
P.S. Pahabol lang. Kung napapansin n'yo, walang pictures ng sarili ko sa kahit na alin mang page sa website na ito. Ayoko kasing ipangalandakan ang mukha ko :)
|