Nandito ka pero hindi ka 100% na nandito. Ang iyong diwa ay nasa kalawakan, naglalakbay...

hindi po ito bahay

itatago na lang natin siya sa pangalang maria irish aloha

mga produkto ng kawalang tulog

bisitahin nyo rin ang ibang sites

kung nawawala ka, gamitin mo 'to

















copyright 2005
all rights reserved
akerue

UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES

advocacy + training.
know where you're AT.



advocacy + training

Ang Union of Journalists of the Philippines (UJP-UP) ay isang organisasyon ng mga estudyanteng naglalayong isulong ang mga karapatan at kagalingan ng kapwa nila estudyante at ng sangkamasahan.

Nilalayon din ng unyon na sanayin at ihanda ang kanilang mga miyembro para sila'y magiging mahuhusay na mamamahayag. Binibigyang-halaga sa unyon ang mga prinsipyo at etika ng propesyon.

Ang UJP-UP ay naniniwala na karapatan ng bawat tao na malaman ang mga mahahalagang isyung lokal at nasyonal. Karapatan rin nilang makakuha ng impormasyong tama at komprehensibo, impormasyong makakatulong sa kanila sa paggawa nila ng tamang desisyon.

At bilang mga estudyante ng pamamahayag, naniniwala ang unyon na sila ay dapat maghanda at magsanay para magampanan ang papel nila sa lipunan - ang pagbigay-impormasyon sa publiko, lalo na sa masang nalalantakan ang karapatan dahil sa bulok na sistemang sosyo-politikal.




Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo ang website ng unyon: www.ujpup.blogspot.com