Always be prepared to give an answer to everyone who asks you to give the reason for the hope that you have. But do this with gentleness and respect. 1Peter 3.15
Home Cults Free Articles Faith Contact Us Help Us

[ Reader's Feedback ] [ Q & A Page ] [ Q & Q Page ] Back ] Next ]

Tama ba Ang Dating Daan?

Other related Ang Dating Daan Q and A's: (1) (2) (3) (4

"Para malinaw ang lahat... labas kayo sabay sa tv sa isang diskusyon... lalabas ang totoo niyan. kung kayo ang totoo... Was kayong matakot kung kayo ang totoo. For the next 2 weeks di kayo lumitaw ibig sabihin di kayo totoo.. Culto kayo. Sa palagay ko mabuti yun para sa kapakanan naming nagsusuri. kasi mahirap yang nagtatago kayo sa website lang. Para mapatunayan kung sino talaga ang kulto pwede lumabas kayo sa telebisyon at makipagdiskusyon kay Bro. Eli. Thx. (sent via www.halebop.com)

Answer

Maraming salamat sa iyong komento tungkol sa aming website. Hindi kami hihingi ng paumanhin kung ikaw man ay nasaktan sa mga isinulat namin tungkol sa mga katuruan ni Soriano sapagkat layunin ng ministeryong ito na isiwalat ang mga kamalian at kalikuan ng mga kulto ng Kristiyanismo kung saan kasama ang "Mga Kaanib ng Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas, Inc." (Ang Dating Daan). 

Maganda ang iyong iniisip na magkaroon ng palitan ng kuro-kuro ang magkabilang panig upang ang karamihan sa mga miyembro ng grupo ni Soriano ay maliwanagan. Ngunit kung iyo lamang pag-aaralan ang istilo ni Soriano sa pakikipag-debate sa mga sumasalungat sa kanyang katuruan ay masasabi nating ito'y lumalabas na "away-bata." Ito ay sa kadahilanang lumalabas sa kanyang mga bibig ang salitang "Talo ka na! Talo ka na!" na hindi dapat na manggaling sa kanya bagkus ay hayaan na sana niyang makapag-isip at makapag-desisyon ang mga tao kung sino sa magkabilang panig ang tunay na may ebidensiya tungkol sa katotohanan. Ilan sa mga napansin namin habang nakikipag-debate si Soriano sa kanyang katunggali ay ang mga sumusunod: 

  1. Ginagawa ang debate sa kanilang lugar sa halip na sa isang neutral place. 
  2. Nakatuon si Soriano sa speech defects ng kanyang katunggali sa halip na sa theological defects. (Nire-replay pa niya ito upang makumbinse ang mga manonood na tama siya) 
  3. Sa panahon ng pagsasagutan ay mapapansin nating ang boses ni Soriano ang mas nangingibabaw sa kanyang katunggali. (Hindi po pataasan ng boses ang labanan bagkus ay kung sino ang may mas mailalabas na ebidensiya) 
  4. Ang moderator ay mapapansing madalas na pumapanig sa kaniya. 
  5. Nakatuon si Soriano sa mga literal na salin ng "Ang Biblia" (Tagalog translation ng American Standard Version) sa halip na ibase ang kaniyang interpretasyon sa orihinal na salita ng Bibliya. 

Isang halimbawa ay ang paglalahad ng kaniyang katunggali na ayon sa Bibliya ay isa lamang ang Diyos at kaniyang ipinakita kay Soriano ang Deut. 6:4. Nalalaman ng mga marurunong sa Bibliya na ang talatang ito ay ang shema ng Israel kung saan ipinahahayag ng Diyos ang kaniyang pagiging "isang Diyos." Ang hindi niya inaasahan ay ang hanapan siya ng literal na salitang "isang Diyos" ni Soriano sa talatang kaniyang nabanggit. Ang tinutukoy ng talata sa Ang Biblia ay "isang Panginoon" sa halip na "isang Diyos". Ayon kay Soriano nasaan diumano ang salitang "isang Diyos" sapagkat ang nakasulat ay "isang Panginoon." Ang hindi nauunawaan ni Soriano ay ang katotohanan na ang salitang "Panginoon" ay isinalin sa Hebreong salita na "YHWH o JEHOVAH" kung saan tumutukoy ito sa Diyos o Panginoon ng Israel. Kung ganito ang magiging istilo ni Soriano sa kaniyang pakikipag debate ay hindi malayong ang kaniyang makumbinse ay ang mga taong tamad mag-aral at mag-imbestiga ng Bibliya. Tularan natin sana ang mga taga-Berea sa Gawa 17:11.

Back to the top

Other related Ang Dating Daan Q and A's: (1) (2) (3) (4

Send your comments to Justyn

________________________________________________________________

[ Home ] [ Reader's Feedback ] [ Q & A Page ] [ Q & Q Page ] Back ] Next ]

Copyrights (C) 2001. P.O. Box 221, Ayala, Alabang, Post Office 1799, Muntinlupa City, Philippines. Mobile +(63) 917-522-6494.