Date: April 4 - 6, 2004                                         Adventurers: Guia Tomaneng, Ron Marco Jr., Vena Tagle, Randy Jerez, Arci Catalan, Jorge Zamora                                         Vena, reyna ng pusoy, nakapitong tagay (7/12) ....                                          Randy, maliit pero laging nauuntog!                                          Pick-up line ni Jorge: excuse me miss, turista ka din?                                          Arci, conservative....hmmm....                                          Ron, constipated....                                          Guia, napaluha pauwi, aaahh... enjoy kami sobra! Thank You Very Much Guia....                         Pero sana next time hindi bitin...hehehe.. joke lang


Our Last Night in Ilocos

     Gabi na kami umuwi, at ang saya dahil sa amin na lang yung bahay dahil wala ng yung mga housemates namin. After magpusoy, nagkaayaan kaming uminom contrary dun sa unang usapan. Napagkasunduang vodka kaya lang ang problema gabi na, pero tuloy pa rin suot ang mga pambahay at pajamas ay naghanap kami ng mabibilan which led us to Vigan, imagine three towns away yun at 11:30 na ng gabi. We found out na walang buhay ang night life sa Ilocos lalo na at election. Sobrang bilis ng takbo namin, pumapalo ng 140+ kph, sino ba naman ang di mapaparanoid gabi pa naman at ang mga kasalubong namin kung hindi truck ay bus. Wala na halos bukas na establishment na mabibilan bukod sa Café Leona kaya bumili kami ng tig-fo-forty pesos na Red Horse(5) at Cerveza Negra (2). Medyo kinabahan ako nung tumingin sa'min yung nagpapatrol na pulis, kasi 'di ba may liquor ban dahil election, medyo delikado pa kasi may pagka-political ang clans ng daddy ko. Anyway nagkainuman nung gabing yun kasabay ng pusoy dos, 'di ako sumali ang consequence kasi isang shot ng Red Horse. Out of 12 shots 7 kay ate Vena. Di naman naubos yung mga iniinom. Ang pulutan namin, kinilaw na kambing, ang dinner kasi namin puro kambing dishes.


Pusoy, Inom, Tulog

     Nagkakwentuhan uli, medyo intimate at personal, pero sa huli tinulugan nila ako. Ang weird nga namin kung kailan free na lahat ng foams sa lapag naman kami natulog lahat.
     Kinabukasan sobrang tanghali na kami gumising. Nakakahiya nga kina auntie kasi 2 a.m. pa lang gising na sila. Ang alam kasi nila maaga kami aalis, nakalimutan naming sabihin na nagchange plans kami. Bago kami umalis nagpicture taking muna uli kami.

   
Beautiful flowers in front of the Tomaneng residence

 
The guests and the hostess, i guess we can call it a "family picture"

     Eight thirty na kami nakaalis ng bahay pero dumaan muna kami sa ancestral house namin para magpaalam sa mga uncle ko at bumili ng tinubong (Ilocano delicacy).

"Filipinos are well known for their Hospitality,
a quality exemplified by the Tomanengs"

  Copyright © 2004 ronmarcojr