|
Date : April 4 - 6, 2004
Beaching Hours with the Beach gods and goddesses The way to Ilocos Three weeks ang inabot ng pagpaplano namin ng Ilocos trip pero three days before the date lang namin na-finalize. Nagkaroon kasi ng konting problema sa transpo, siyempre 'di ka makakarating kahit saan kung wala kang sasakyan, at sa mga kasama kasi 'di malaman kung ilan talaga at sinu-sino ang makakasama. Anyway, pagkatapos ng sobrang nakakatense na pagpaplano at paguubos ng load ay natuloy din kami. Ang mga official na kasama ay sina Arci, Vena, Ron, Jorge, Randy at syempre ako (Guia). Ang mga guys kina kuya Randy na natulog para sabay-sabay na sila punta sa meeting place. Si Arci naman, sa 'min na natulog, sabay na kami punta sa meeting place. Habang si ate Vena ay nasa Music Warehouse pa the night before, susulitin daw ang bakasyon nya :) April 4, ang alis namin, ang meeting place, Chowking Plaridel 4:00 in the morning. Matapos kong mangulit na on-time dumating, kami pa ni Arci ang late, hmmph..., so 4:30 na kami nakaalis ng Plaridel.
Medyo tahimik kami nung first few hours ng biyahe, mukhang mga 'di nagsipag tulog. Nung nagpa-gas kami sa Capas, Tarlac medyo naalimpungatan na ang mga tao kaya nagsimula na ang kwentuhan. Tapos nung huminto kami sa may Pangasinan para mag-kape naghanap na kami ng cards, wala palang nagdala ng baraha, nag alala tuloy kami na baka 'di kami makapagpusoy. Huminto uli kami sa may La Union para
bumili ng daing. Medyo spontaneous na ang kwentuhan bawal na ang academic
at Lakan topics kasi on vacation daw kami. Napagusapan din namin na
'di kami iinom para naman daw ma-enjoy ang maiksi naming bakasyon. Sa
daan na rin namin pinlano ang itinerary namin. Mabilis kasi ang biyahe
namin (100 - 140+ kph), astig kasi ang driver namin kaya halos saktong
walong oras lang ang tinakbo namin. "Had so much fun on the way, we can only anticipate more" |
HOME Itinerary: (best viewed in order) The way to Ilocos Highway Beach, Sta Maria, Ilocos Sur Guia's place at last Vigan City 'Tomaneng' Beach First Night in Ilocos Paoay Church Fort Ilocandia Laoag Cathedral Sta. Monica Church Marcos' Mausoleum 'Tomaneng' Beach Part 2 last Night in Ilocos Burgos Museum Bantay Belfry Highway Beach, Sta. Maria, Ilocos Sur Epilogue
|
Copyright © 2004 ronmarcojr |