ALWAYS MAG-ABANG NG UPDATES!

 


BALITANG MARSO, 2007:
Nagpahayag ang funding institution na di nila mabibigyan ng suporta ang CD manufacturing ng banda sa dahilang di angkop ang musical at lyrical statements ng grupo sa programa ng institusyon.


BALITANG DISYEMBRE 12, 2006:
Prinisenta ni Tanda ngayong hapon sa isang potential cd manufacturing funder ng GP ang demo at position paper ng banda.


BALITANG NOBYEMBRE 8-10, 2006:
Tinawagan si Tanda ni Kaye ng Mobiuslive.net. Inimbitahan si Tanda na gumawa ng profile ng GP sa nasabing website. Nung ma-upload ni Tanda ang profile mga Nobyembre 10, in-upload din ng Mobiuslive.net ang 13 na rock-awitin ng banda (mula sa 14-song CD nila) ayon sa pahintulot na ibinigay ni Tandang sa kanilang ibenta sa site ang mga kanta. Ang mga song files ay ipinasa sa website ng Galaxy Records, isang record company na sinumitihan ng GP ng kanilang demo earlier this year.


BALITANG LATTER SEPTEMBER, 2006:
Nag-usap sa Gallery BIG sina Tanda at Jonathan Sy, may-ari ng gallery, para magamit ng GP ang gallery name bilang official & non-exclusive distributor cum label ng magiging indie CD ng banda. One week later, nag-ok si Mr. Sy.


BALITANG LATTER AUGUST, 2006:
Nag-usap sa McDonald's Robinsons Galleria sa Ortigas si Tandang Soria at si Ghie Ajunan, isang ad agency art director, tungkol sa magiging album jewel case insert and inlay and CD top design ng indie CD ng GP na sa ngayo'y nag-aapply ng funding mula sa isang financier.


BALITANG MAYO 19-22, 2006:
Kinuha ni Tandang Soria ke Bernie Asis noong Biyernes, Mayo 19, ang katatapos lang i-coproduce ng nahuli na dalawang mga files ng L. Brosas-recorded and -produced GP rock-awitins "O Aking GRO" & "Narcopolis (Wating-ever)". Pinatugtog ng dalawa ang mga kanta sa Atchie's sa Orient Square, Ortigas Center. Pero me konting tweakings pang ginawa si Tanda sa "O Aking GRO" sa PC SoundForge niya sa bago niyang opisina na isa ring ad agency sa Ortigas Center. Yun ay kaninanng umaga lamang, ngayong Mayo a-22.



PRENTE | PAUNANG SALITA | MGA TRAKS | BALITA | PHOTO GALLERY |

GUESTBOOK | MGA UNANG PASASALAMAT | KONTAKIN MO, BEYBI

MGA LINKS PALABAS