Heto Na . . . Ating Jackal Virgin! -- ang kauna-unahang album ng misteryosong indie rock band mula Tacloban na tatawagin natin sa pangalang Groupies' Panciteria, mga bagong purveyors ng Pinoy Barangay Rock!

Sa CD'ng ito, labin-apat na masuwerte at masasarap na rock-awitin ang malalasap ng matagal nang nagutom nating mga tengang pinalalamon ng lab songs araw-araw ng mga korporasyon!

 


© 2005, 2007
Groupies' Panciteria


MGA PASALAMAT PARA KINA:

BERNIE ASIS sa pagco-produce sa ilang wave files namin, at sa nauna pang mga advice tungkol sa copyright, mga A&Rs at recording companies at managers, and home studio setups. Si Ginoong REYGO BATIQUIN sa napakalanding logo na maipagmamalaki bagamat minarapat naming di muna gamitin. Ang ASAWA NI TANDANG SORIA na si Cecile sa Cakewalk Sonar 4, bagong soundcard, National Library Copyright Division call, mga padalang tseke from Manila to Tacloban, at mga bagay na di kayang pantayan ng kahit na isang milyong "salamat". MONCH sa paghahanap ng Cakewalk Sonar 4 sa mga cyber-imburnal ng Makati. Mga PARENTS-IN-LAW NI TANDANG SORIA sa Bocaue, Bulacan sa pag-alaga sa The Sons. MARCEL & OFELIA ANTONIO for going out of their way to help old friend Jojo Soria de Veyra look for a manager, albeit walang napagkasunduan sa manager na iyon. JONATHAN SY for allowing us to use Gallery BIG's big name to be dragged into our niche market product as a distributor sa art circles and market, although nawala ang potential funding sana para sa cd manufacturing naming ito.

JERBY SANTO ng Kampo Xanto (unang Muziklaban grand champion, 2001 o 2002) at station manager ng i-FM Tacloban, sa pagpatugtog sa aming first single na Blangko Sa 'Yo sa kanyang istasyon at sa pag-ayos ng pangalawang gig ng banda sa kanyang Tacloban resto-bar na The Red Hut. Ang HARMONY HUB STUDIO ng Tacloban na pagmamay-ari ng napakabait na si KOKOY CRUJIDO. Si Ginoong JEAN-PAUL VERONA, bising-bisi na recording engineer ng HHub Studio at dalubhasang gitarista ng bandang Piyesa, sa pag-record ng labindalawa sa aming mga awitin, at sa pag-coproduce sa Mayora, not to mention the mixing tips na binigay sa aming mixer na si L. B- at mga guitar tips sa aming mga gitarista..:-) RANDY O sa pamasahe treat patungong Harmony Hub & sa pahiram na Panasonic SVHS camera. ATTY. R. OLEDAN sa libreng deed of assignment look-see. HASSAN CABILES ng Sizzling Delights sa first gig (acoustic nga lang) ng banda. REX MAKABENTA, isa pang dalubhansang gitarista ng Tacloban, sa mga guitar tips. LEMUEL BROSAS sa kanyang SoundForge software at acumen para sa unang song sketching recordings namin / wee-hour chauffeur services / mga sigarilyo / pahiram na amps at speakers / mga beer / at syempre his instant mixing magik! Much thanks din sa pharmacy drugs agent and former Tacloban band The Beeds drummer ANDY CASCO sa pahiram na guitars at homemade drum set / tuba the inumin (not da brass instrument) / legal drugs / & mga tips sa pag-alaga ng instrumento. Circa Marso hanggang Hulyo, 2006, nagpapadala rin si Kuya A- ng tulong sa GP mula Leyte at tumulong mag-advise sa banda para makalampas sa struggle sa Maynila, bagamat walang napatunguhan ang biyahe. JET sa pahiram na gadget at guitar. SHERWIN sa nakahanda niyang vice-SoundForge manning / beer & tuba / groupies / self-imposed na errands / grocery goodies! / pahiram na mike & keyboards / chauffeur services / yosi / housewifery / breakfasts & lunches / at video cam manning. JOMANE sa kanyang three-time presence. AGNES & JAYVEE DE VEYRA sa pagpunta sa first gig namin at sa beer treat and photo takes. MAGULANG NI TANDANG SORIA sa pinahiram na bahay na ginawa naming studio/headquarters, at iba pang bagay na di mapasasalamatan ng kanilang anak, hikbi. Ang IBA PA NAMING MGA MOMMIES: the Casco mom, Mana Pinky, and Mana Myrna with her pansit atbp. donations! JINGLE sa kanyang vegie & fish cooking. PANGKOY BROSAS sa tuba-pepsi. MACMAC sa donasyong strings / matagal na pinahiram na speaker-amp / studio timekeeping / tuba't pulutan / etc. BETBET & IRWIN sa alcohol. MANDY sa sigarilyo / alcohol / groupies. GANI sa pagtulong sa pagputol ng damo sa lawn ng aming headquarters-cum-studio. Ang TINDAHANG MacALALAD para sa donated vegie ulam at sa credit line. Sa MGA GIRLFRIENDS NINA PUDING, VAL, & JOEY. Ang ILANG MGA KAPITBAHAY NI TANDANG SORIA SA V&G SUBD, TACLOBAN sa kanilang tolerance at patience at, higit sa lahat, pag-unawa. Pasalamat din ni Joey sa mga TSUPER NG JEEPNEY SA BIYAHENG V&G TACLOBAN PHASE 3/6 sa maaaring di nila alam na di-pagbayad ng pasahe.

MGA POETRY TEACHERS NI TANDANG SORIA SA SILLIMAN AT U.P. WRITING WORKSHOPS (TANDANG SORIA SA AMIN, SI JOJO SORIA DE VEYRA SA KANILA, HEHEH). Uy, salamat din pala sa WASHBURN, GIBSON, FENDER, RJ & LUMANOG GUITARS, tsaka sa PEARL DRUMS at YAMAHA PORTASOUND PSS-270. Higit sa lahat, sa AMING MGA DIYOS.

 

 

 


PRENTE | PAUNANG SALITA | MGA TRAKS | BALITA | PHOTO GALLERY

GUESTBOOK | MGA UNANG PASASALAMAT | KONTAKIN MO, BEYBI

MGA LINKS PALABAS