Ating samahan…
Ating panawagan…
Makiisa sa
KAPATIRAN SA GITNANG SILANGAN (KGS)

Nag-umpisa sa isang simpleng barkadahan noong 1985 - kuwentuhan
ng mga nakaka-homesick na buhay sa 'Pinas
gagala sa
Batha kapag Biyernes para makakita ng mga kababayan o kaibigan
paminsan-minsang party kung may mag-iimbita. Wala pang organisasyon
noon. "Bawal kasi," anang iba. Baka mapauwi nang
'di oras, sayang ang riyals at dolyar.
Ngunit may kakaibang sitwasyon sa 'Pinas noon. Matindi ang
diskontento ng mga mamamayan laban sa rehimeng Marcos.
Kailangan ang isang organisasyon ng magbibigay impormasyon
sa iba pang kababayan tungkol sa mga pangyayari sa Inang Bayan.
Isang organisasyon na mag-uugnay sa problema at pangyayari
sa Pilipinas. Isang samahan na kakalinga at lilingap sa may
problemang mga kababayan. 
Nagdesisyon ang barkada. Kailangan nang kumilos upang ipaabot
sa iba pang kababayan ang kahalaga-han ng pagkakaisa. Unti-unti
ay nagkahugis ang bunga ng pagsi-sikap ng magbabarkada.
Nabuo ang KGS mula sa masikhay na pagmumulat, pakikisala-muha
at pagmomo-bilisa sa kapwa migrante.
Nabuo ang KGS upang tumugon sa tawag ng panahon.
ang pagkakaisa at pagbuhay sa diwa ng bayanihan ng
mga migranteng manggagawang Pilipino.
ang pagtutulungan ng mga kasapi at buong komunidad
ng Pilipino sa usaping paggawa at pangkulturang kalagayan
sa Saudi Arabia upang ipaalam sa mga migranteng manggagawa
ang kanilang mga karapatan ayon sa batas ng Pilipinas at sa
alituntunin ng Kaharian.
ang pananaw na ang isang samahan ay dapat may malalim
na pagsusuri sa kalagayan at mga pangyayari sa lipunan sa
pamamagitan ng talakayan at paglulunsad ng edukasyon.

1. Tumutulong sa pagbibigay ng mga payong legal at gawaing
para-legal lalo na sa mga migranteng manggagawang may mga
kaso laban sa kanilang mga kumpanya.
2. Bumibisita sa mga bilanggong Pilipino at nagbibigay ng
tulong na para-legal sa kani-kanilang mga kaso.
3. Naglulunsad
ng mga edukasyon o pag-aaral na may kaugnayan sa kalagayan,
buhay at pakikibaka ng mga migranteng manggagawang Pilipino.
4. Nagkakampanya upang ibasura ang mga di maka-migrante at
di-makatarungang programa at patakaran.
5. Nakikipag-ugnayan sa iba't-iba pang mga organisasyong
Pilipino at mga migrante sa loob ng Kaharian at sa labas ng
bansa.

Ang KGS ay binubuo ng mga indibidwal na migranteng Pilipino
sa Riyadh at mga karatig na bayan.
Nabigkis ang pagkakaisa ng mga migranteng manggagawa sa tulak
ng pagmamalasakit para sa kapakanan ng OFW's.
Ang mga migranteng ito ay nagpapasyang mag-alay ng panahon
upang kumilos at ipaabot sa iba pang kababayang Pilipino ang
kahalagahan ng pagkakaisa.
Hinaharap ang hamon ng panahon sa kabila ng agam-agam na
maaaring ito ay labag sa kultura't pamamalakad dito sa Kaharian.
Naniniwala na ang tunay na diwa ng bayanihan, ang mag-alay
ng sarili at panahon para sa kagalingan ng kababayan at ng
sairling bayan ay siyang lakas na magbibigkis sa KGS upang
maging matatag sa pagsasabuhay ng mga layunin, paninindigan
at mithiin nito.
Hinihikayat ng KGS na maging kasapi ang mga interesadong
indibidwal na nagnanais makapag-ambag ng kanilang makakayanan
- panahon, tulong materyal at pinansyal - para sa gawain na
may kinalaman sa migranteng Pilipino.
Bukas din ang pagsapi sa KGS ng mga indibidwal na kasapi
na ng iba pang samahan na may ibang saklaw na gawain.
Makiisa at tumulong sa migranteng Pilipino.
Huwag hayaang manaig ang takot o anumang limitasyon sa
pag-oorganisa sa ating hanay upang ipaglaban ang karapatan
at kagalingan ng migranteng manggagawa at aping mamamayan.
|