Bakit ba ginawa ang site na ito?

Ginawa ang site na ito matagal na panahon ang nakaraan dahil isa siya sa mga kaeklatan ko para sa thesis ko. Ngunit nung naglaon dahil na rin sa udyok ng aking mga kaibigan, nagbago ang layunin ng site. Noong nakaraang Disyembre ng nakaraang 2002 naganap ang kauna-unahang pagtitipon ng mga tumatangkilik sa anime at komiks na pinasinayahan ng Culture Crash Comics. Sa nasabing pagtitipon ay nagkaroon ako ng pagkakataong magbenta ng kopya ng aking mumunting komiks. Naging paraan ng pagkalat ng impormasyon tungkol sa aking komiks ang site at kasabay na rin ng pagiging paraan nito upang makapagpahayag ng suhestiyon at pananaw sa komiks ko ang mga taong interesado dito.

Mahirap magtagalog. In other words this site was made to be a source of information about Minsan Ako'y Nanaginip.

Sino ba ang gumawa ng Komiks na ito?

Name: Jon Zamar
Occupation:
Colorist, Layout Artist
Sex: Male
Age: 22
Status: Single ( May GF na ako sa mga nagtatanong)
Description:
*5'10 ata height ko, mga 145 lbs. ang bigat, mahaba ang buhok at balat ko ay kulay brown. Kadalasa'y napagkakamalang ako yung karakter na si Jon Dimasalanta ng kwentong isinulat ko, ngunit hindi naman ako yun.

*Honga pala ang idol ko noon ay si Rob Liefeld kaya siguro nagkaganito ang art ko.

*Seryoso na, masaya ngayon ang paligid dahil andaming Komiks na nagsusulputan at ang malaking kadahilanan ay ang Culture Crash, ang pinakamagandang local komiks publication ngayon. Sila ang aking mga tunay na idolo at sinusubukang pantayan.

Email nyo ko sa: azrafaerx@yahoo.com

 

 


WHERE I WORK...