All Rights Reserved © 2002
Best Viewed using IE 4.0 or higher with 800 x 600 monitor resolution
Patapos na siya ng dumating ang iba niyang kasamahan... Bawat dumarating ay puno ng ngiti ang kanilang mga lapi... May beso-beso, may mga nag he-hello at hi, may nangungumusta at ang iba naman ay nagkukulitan. Ganyan ang tanawin sa loob ng silid na pula ang sahig... Masaya ang mga tao dito, puno ng sigla at parang walang kapaguran.
Sa loob ng silid na pula ang sahig, may mangilan-ngilang basag ng salamin sa bintana, mga kabinet, tatlong electric fan, dalawang aircon (minsan lng lumamig :) ), may piano na sira at ilang upuan na iba-iba ang sukat... Ngunit ganun man ang loob ng silid na pula ang sahig.. Masaya pa rin ang mga tao sa loob nito...
Ngunit higit na makakanaw ng pansin sa’yo ang bagay na nasa harapan nito...
Matapos ang ilang oras na pamamalagi sa loob ng silid na pula ang sahig, isa-isa ng umaalis ang mga tao dito. Puspos ng saya at sigla, puno ng pag-asa at puno ng pagtitiwala sa Kanya.
Ewan ba nya kung anong hiwaga ang bumabalot sa loob ng silid na pula ang sahig... Sa tuwina pag siya ay pumapasok dito, hindi siya lumalabas na malungkot at puno ng agam-agam ang buhay...
Isa-isa ng pinapatay ang ilaw sa loob ng silid na pula ang sahig, ngunit bago niya tuluyang patayin ang mga ilaw muli niyang tinanaw ang bagay sa harapan ng silid na pula at muli siyang nagpasalamat at nanalangin: "Sa susunod pong biyernes ulit, nawa madagdagan pa po kami sa susunod na linggo." At tuluyan na niyang pinatay ang ilaw sa loob ng silid na pula ang sahig. Di man Siya sumagot sa kanyang panalangin naniniwala siya na nakikinig Siya...
Habang papalayo siya sa silid na pula ang sahig, naisip niya, Ano kaya ang pakiramdam ng mga taong hindi na nakakadalaw sa silid na pula ang sahig??? Na-miss kaya nila ang lugar na iyon???
Pero ito lng ang nasabi niya sa kanyang sarili: "Alam ko na-miss sila ng bagay sa harapan ng silid na pula ang sahig..."
At tuluyan na niyang nilisan ang lugar na
iyon na may pangakong magkikita tayo muli sa susunod na biyernes.