|
May 15 - 16, 2003 - Alec version - gawin ko tong parang entries sa logbook ng NCOD. warning lang (at bago kayo magreact)... web site ko to tapos ako nagsulat nito. so huwag kayong magtataka kung point of view ko yung mga nangyari. ok?? kung ayaw nyo sa kin, pakwento kayo sa mga tao sa baba. |
||||||||||||||||||
|
|
||||||||||||||||||
|
unang tanong... bakit kami nandito? interns po kami sa JRDC which is under Ayala Foundation. may launching project ngayon code-named BridgeIT project na inisponsoran ng Nokia, Globe, Chikka Asia, SEAMEO Innotech, Pearsons at Ayala. ginanap ang launching project sa Hotel Intercon sa Makati. kelangang (daw) ng taong maghahandle ng mga tao, nirequest ang aming service na magusher. gets na? May 15, 0600H - damn! ang sakit ng mga paa ko! the left and the right! feeling ko di ako makakalakad! buong morning hirap akong gumalaw. 0645H - nakakita nanay ko ng band aid. yehey! may pantapal na sa mahapding parte ng paa ko! 0730H - pasok ako hum2... as usual late ng thirty minutes. 0900H - dito na ko JRDC. lahat ng teammates ko after lunch na dumating... ako lang yung maaga (since may class ako ng 7 sa hum2). ang itsura namin the whole day?? wala. tinatamad lahat... masyadong excited sa hotel experience na magaganap later. 1800H - alis na kami UP. punta na kami MRT. 1930H - dating kami ayala.. napagkasunduang kakain sa KFC glorietta... dun hihintayin si wilyne kasi nanghiram pa sya ng blazer sa friend nyang taga makati. 2045H - natapos na kaming kumain.. dumating si wilyne. nakaapat akong kanin sa KFC. 2115H - dito na kami hotel intercon. syempre di ko maapreciate yung view sa lobby kasi wala akong contact eyes ngayon. ang nakikita ko lang ay kulay beige. hehe... humingi yung attendant ng P2000 downpayment... ok! fine! binigay na yung susi na butasbutas. take note... two persons per room. punta na kaming kanyang-kanyang room.. syempre roommate ko si justin. | ||||||||||||||||||
|
:: The room :: Mukha syang panghotel. may moods yung lights.. dalawang king size beds. isang internet TV. isang refreshment bar na walang pakundangan maningil sa mga ordinaryong taong katulad natin. syempre may bath tub... may closet na may plantsa. may silya na may malaking mirror table... tanaw sa room namin yung pool. ang sayasaya di ba? | ||||||||||||||||||
|
since mabibilis gumalaw ang mga lalaki kesa sa mga babae.... nauna kami ni justin na magayos ng gamit kesa sa mga girls. punta ko sa room ni wee at lani... punta si justin sa room ni mhy at ghel. later magkakasama na kami sa room ni wee at lani... napagkasunduang magbabarhopping sa greenbelt. 2200H - punta na kaming greenbelt. natisod ako sa grass(katangahan na naman!). kaya sumakit na naman yung paa ko! malas talaga! 2300H - ganito ba sa greenbelt?? ang inet inet!! ang dami pang conio!! my golly duh?! we made tambay muna sa timezone. 2330H - pahinga muna sa may fountain... bonding bonding... May 16, 0015H - balik na kaming hotel... may nadaanang vending machine. so bumili kami softdrinks. yun na yung midnight snack namin. 0100H - nasa kanyakanyang rooms na kami. di ko na alam yung mga nangyari kasi natulog na ko. (im soooo tired... lugi ako kasi ako yung may pinakamalaking effort na ginagamit bawat step kasi pilay ako! natural lang siguro na mapagod ako kaagad.) pero ang sabi ni justin nagyaya pa yung mga girls na magbonding. 0400H - nagingay yung alarm clock namin! yung alarm clock na nakikita natin sa foreign movies! yung kulay black na may red digits. ginising ko na si justin. naligo na sya... ako natulog uli. 0430H - naligo na ko. ang lamig! sobra! maski hot na yung tumutulo sa shower! nagshishiver pa rin ako!! grabe!! hindi talaga ako sanay magbathtub. tabo pa rin da best! 0500H - bihis na kami ni justin. i feel much better after that frozen bath of mine. kinatok namin yung mga girls... no answer. inassume namin na naliligo na sila.... eniwei, balik sa room namin at nood muna TV. alas 6 pa naman yung assembly eh. 0515H - kinatok namin ulit yung mga girls. si wilyne sumagot. nakabihis na sya. naliligo na si lani. no sagot pa rin sa room nina mylene at ghel. 0550H - kinatok namin sina mylene... pinagtyagaan naming katukin kasi magaalassix na. sumagot din sa wakas... ano sa tingin nyo itsura nung sumagot??? bagong gising!!! si mylene bagong giseng!! nyaaaaah!! magaassembly na tayo!!
0620H -
binigyan na nga kami ng accomodation sa hotel... late pa rin kami!! (hi mhy! alam ko namang binabasa mo to lahat...) 0730H - nagsimula ng magdagsaan ang mga guro. kanya-kanya silang costume. syempre yung mga muslim nakasuot na pangmuslim. ako tagapin ng ID nila tsaka taga-hatid sa ballroom. 0900H - nakakita ako ng Sig SG-550 Sniper sa personal. may mga snipers na nakatambay sa labas para cover kay GMA. 0930H - dumating si GMA. ang pandak nya. hanggang leps ko lang. binati nya kami ng good morning. nakamayan ko siya. astig! 0945H - nanood na kami ng launching ng text2teach. ganda ng floodlights nila. ang high tech. parang flash! 1015H - kumain na kami ng "breakfast". bat ang wiwirdo ng mga social na food?? ang papangit pa ng lasa! and to think ginagawa sila ng mga big time na chefs (yung may malaking sombrero)! | ||||||||||||||||||
|
ano sa tingin nyo?? ang weird no?? |
||||||||||||||||||
|
1045H - balik na kaming rooms namin. isusulit namin ang time-in na hanggang 12. kasama namin yung mga interns ng UP manila (Anne, Jelai, Gladys). nakabonding namin sila... hehe.. 1220H - uwi na kami.... ang init talaga dito sa Pilipinas!! puntahan ko si Ayze, hihiramin ko yung digicam nya. 1400H - Ayze! nasakin na digicam mo! eto nga pala mga natutunan ko sa paghohotel ko in one-night. ang laki ng kita nila ha! | ||||||||||||||||||
| ||||||||||||||||||
| nakakatakot no? ako rin nabigla eh. Kaya paalala lang, kung gusto nyong yumaman, wag na wag maghohotel! ok?? | ||||||||||||||||||
|
| ||||||||||||||||||