[ 1 2 3 4 5 6 7 ]

Nov 18, 2003

happy bday steph! haha!! dalawa na lang kami ni aldous na teenager. =p. wala lang. sori sa lahat ng tao kasi hindi na ko nakakapagupdate ng website kasi sira yung hardisk ko. mamya pa lang ako makakabili ng hardisk pero that does not necessarily mean na makakapagupdate ako kaagad kasi hindi pa iyon makakabit kagad sa pc ko. at saka, busy ako sa lovelife ko eh. blooming daw sabi nung mga tao... ayun sa aking intelligence. hehe.... at saka dami kong inaasikasong papeles. basta.

Sira HARDDISK KO!
sori sa mga nagbabasa. mukhang matatagalan na talaga akong makapagupdate. kumakatok na HD ko, kaya mukhang kelangan na ng bago. mawawala na yung mga updated htmls ko tska yung pictures na bago! ang dami pa naman nun. badtrip! kung kelan patapos na sem...

Sept 7,

pahinga. pahinga lang ako. pero yung cellphone ko hindi. kulit kasi ni joanne eh. hehehe....

Sept 6,

ang aga kong nagiseng! alas5! alas6 kasi ung call time sa up theater. IT congress ngayon kaya nagpunta na ko dun nang naka-IT congress shirt. pagdating dun, andun na sina joanne. di ko alam gagawin ko. naassign ako sa pinto para magusher. pero naging parang bouncer ako eh! nagala-NCO look ako dun sa may pinto at ako yung nanghaharang sa mga taong makukulit na basta na lang pumapasok. yung iba nga natatakot sa itsura ko eh kaya natatawa na lang kami.

free food dito! at saka free lunch. yung food dalawang servings ng footlong at ng zesto. yung lunch, merong mga food stands na nagkeclaim ng lunch stubs worth 60 pesos na binigay sa min.

teka lang..... di pa ko tapos magkwento. upload ko lang to. bukas tapos na kwento ko. k?

Sept 5,

nagsimula ang araw na to sa centro libis kase malamang cursor party pa rin. ngayong araw na to ako unang nagkaroon nang alcohol sa katawan! napilitan akong inumin yung sanmig lite ko kasi kung hindi ko daw iinumin, uubusin yun ni joanne. e di ininum ko! alam nyo bang nabangag ako sa isang boteng sanmig lite?? paguwi nga namin kina joanne (mga 2am), humiga na lang ako sa sahig at dun na natulog kagad! ang dami pa ngang taong nakapaligid sa kin eh, pero wala akong pakialam kasi bangag na bangag na ko nun.

paggising ko, (mga 5:30), nagaalisan na yung mga tao. nagwarcraft na lang ako. bale hanggang umalis na lahat ng tao sa bahay nina joanne, ako na lang natira. natulog uli ako ng mga alas8 tapos nagising ng alas dyes. umalis kami dun ni joanne ng mga 12 kasi ang tagal nyang maligo at ang tagal nyang magbihis!!

nagtake nga pala ako ng psych test (about envy and aspiration). 1 hour credit yun para sa psych kaya required.

maaga akong natulog kasi kulang ako sa tulog, at maagang gigising bukas kasi National IT Student Congress. tsaka manonood kami cheering competition bukas!

Happy Birthday, RJ!
- Sept 4, 2003 -
bente ka na tol!

Sept 4,

gumagawa akong questions sa psych. wala lang.

ayan magaupdate na ko. ang dami kasing nangyari sa kin last week. emotions ang involved kaya hindi ko naatupag yung site ko, at iba pang aspeto ng buhay. may nakakapuna na nga ng aking hindi pagupdate, kaya heto!! basa mga peeps!

bday ni rjay ngayon!

iniisip ko lang ngayon, nasesenti ako lalo ngayon kapag naririnig ko ang kantang superman. bakit kaya?

may scheduled surprised handaan si steph sa thesis room ng 11:30. ang saya! may pansit at cake at zesto. antayin nyo yung pictures! makukuha ko yun pag nakabili na si steph na may ari nung 3650 ng infrared para maupload nya sa laptop yung images. tapos habang nagcecelebrate with the people gumagawa ako ng questions ni acel sa psych! (anak ng wala. may pagkademanding talaga yung babaeng yun pero ok lang, mabait ako eh.)

nung mga alas5 na ay pumunta na kami ni joanne sa UP theater para umattend dun sa briefing about sa National IT Student Congress na gaganapin dyan sa sept 5 at 6 kasi nga sinign-up ako as volunteer para magusher. puro CS yung mga nandun! syempre halos kakilala ko na lahat. wala akong maintindihan sa nagbibrief sa min kasi nangungulit lang ako ng mga tao. hehehe.... may free tshirt!! nagsign-up kami na magusher sa sabado (sep 6). bale dapat alas6 ng umaga nasa UP theater na kami sa sabaday.

after, punta na kaming mcdo para magdinner. 4 pairs kami! (alec + joanne, rj + steph, aldous + lj, celo & acel) yung huli hindi pair, diba celo? (hindi naman kayo member ng penarmac and the penarmac girls eh. hehe...) tapos punta na kami kina joanne para magbihis for the cursor party sa centro libis mamyang 10! sakay kaming taxi. dun kami sa harap ni joanne. (ang saya ko!) hehe...

e di nandun na kami sa bar! madilem. maraming tao! puro taga-cursor pero onti lang yung mga kakilala ko. pagdating namin naabutan namin film showing. tapos upo lang kami sa sofa. syempre occasional yung pakikipagkulitan ni alec sa mga tao. wala lang.

Sept 3,

wala daw pasok ngayon all levels kasi bumabagyo pero nagpresent pa rin kami kanina sa 198. ang galing talaga ng kagrupo kong si aldous! tol, elibs na ko sa yo!

punta kami gym after nagpresent para bumili ng tickets kasi manonood kami cheering sa sabaday. wala lang.

umuwi na si aldous kasi wala si lj (at strict ang parents nya). tapos double date na naman kami sa mcdo habang nagpaplano tungkol sa bday ni rj na gaganapin bukas (na syempre lingid yun sa kaalaman ni rj).

Sept 2,

suspended klases ngayon, pero nasa up pa rin ako.

kasama ko na naman sila (joanne, rj + steph, aldous and acel)!! first time kong nakakain sa tokyo-tokyo. sarap ng beef misono! share kami ni joanne sa ulam at sa sauce (<- share ko lang). ang sweet namin. nyehehehe... si steph, rjay at acel may kanya-kanyang order! actually, ang totoong rason kung bakit share kami ng dish ay .... mahal! namahalan ako! namahalan ako sa tokyo-tokyo. 89 pesos lang yung cheapest na meal. hehe... pero sulit naman daw kasi bottomless rice. ang sa kin lang mga tol, hindi sulet kasi hindi bottomless yung ulam.

share ko lang, may dala akong toothbrush ngayon. hehe....

Sept 1,

nakita ko na yung score ko sa 140. guess what! WORSE YUNG SCORE KO NGAYON KESA LAST YEAR!! LINE OF 4 SCORE KO!! GRRRRR!! KUNG PUEDE LANG MAGMURA DITO (at kung nagmumura ako) MATAGAL NA KO NANG MINURA YANG HINAYUPAK NA SUBJECT NA YAN! AY YUNG PROF PALA YUNG KAMURA-MURA. kung gusto nyong malaman kung bakit ako frustrated sa $@%$ na prof na yan.... click here. actually, marami pa kong dahilan bukod dyan. ayoko na lang isulat kasi nanginginig lang ako sa galit.

enewei, hindi ko na hinayaang sirain pa nitong mirandang to araw ko. nasanay na kong nasisira araw ko pag nakikita ko sya. hindi ko alam kung ipapasa ko pa itong subject na to kung nauuna na talaga galit ko bago yung will to pass the subject. nagpakasaya na lang ako.... makakasama ko naman si joanne ngayon eh. and yep, kasama ko sya hanggang sm. napasama ako kina joanne at ivy after sts sa sm. yun. naghahanap sila ng damit para sa cursor party. ginawa akong tagabuhat!! hehe...

<< ^

[ 1 2 3 4 5 6 7 ]