banner by bolt/lagsh
home :: <meteorcrasher :: july ::  august ::  september ::  semender ::  10.20 :: 

NEXUS

Silverbolt

SILVERBOLT

isang batang naghihintay ng
mga talang babagsak
tuwing umaga


The noun "silver" is a lustrous medium gray. The adjective "silver" is "having a soft, clear, resonant sound" or "eloquent; persuasive." The noun "bolt" is a sudden movement toward or away

19 | 10.20.1985 | Libra
Makati City | Philippines

Sophomore | UP Diliman | CMC
BA Journalism

singing | dancing | drawing | writing
adobo | comics | emotional
bipolar| science of the mind center, inc. scholar
web designer-in-training | christian | eldest son
nearsighted | dreams of joining Star in a Million| hates bitches
panic-striken | ex-band vocalist | ex-choir member
loves to eat | sleepwalker | single

CLASSIFIED INFO
Meteorcrasher: Baptism of Fire

Enter the world of the then 18 year-old Jerry.
Read and learn how his blogging days started, how he then desperately needed a girlfriend, and how he was sick of that punk rock princess!
Featuring Kate Pedroso’s layout tweaked by the ‘Crasher, Jaypee’s first guest blogging stint, and eight months of a more immature me!

11.14.04
posted by the silverbolt at 2:57 PM


THE ULTIMATE UPDATE

Oo na. Oo na. Ang tagal ko nang hindi nakapagsulat dito. Pa'no ba naman abala ako nitong mga nakaraang araw at sigurado akong ganun din kayo. Haler? Estudyante rin ako! Kailangan kong mag-enlist, pumila, magmakaawa, pumila ulet, magmakaawa at pumili ulet. Kaya kayong dalawang taong nagbabasa ng blog ko (oo. kayong dalawa), wag na kayong mag-aalala at naririto na ang pagbabalik ng kidlat...

College Scholar nga pala ako last sem.:)



Ang Mga Anik-Anik ni Xylo



Bukod sa pagbloblog, pagkanta at pagsayaw, may isa pa kong kinagigiliwang gawin. Yun ay ang pagsusuot ng mga anik-anik o burloloy ng crush ng Sangkamaskom na si Xylo.Mahilig kasi tong si Japongpong na pumorma, kaya nag-eenjoy akong sirain ang stance nya..



Hehe. Kaso nang muli kong sinuot ang mga burloloy nya ( isang mala Chun-Li na wristband, relo at shades na sinasabit nya sa shirt nya), nag-comment ang isa ko pang kaibigan na itatago natin sa pangalang Sommayah Abdullah. Sabi nya, nag-mumukha raw akong matinong tao pag suot-suot ko ang mga anik-anik ni Xylo.



Ganun? Kailan pa naging sukatan ng katinuan ang pagsuot ng burloloy? Dahil dun, mas lalo pa kong ginanahan suotin yun hanggang hinihingi ko na kay Xylo yung wristband nya.



Sabi nya, ayaw nya tong ibigay kasi one-of-a kind na lang raw yun.Kaya naman pala, eh bibilhan nya ko nun kinabukasan. Haha. tingnan nyo, ang gwapo ko na! Joke!

Actually, bukod sa mga burloloy ni Xylo, suot ko dito sa nakaraang UJP pictorial ang black shirt ni Krammer at pants at rubber shoes ni Daddy. Brief lang yata ang talagang sa'kin.



Streetdance ang P.E. ko!!!

Isa na namang hiwaga ang naganap sa pag-ccCRS ko. Ganito kasi yun, ang inenlist kong P.E. ay WEIGHT TRAINING, ang lumabas SCUBA DIVING! Ang galing noh? Sa umpisa, ok lang...mapag-aaralan naman di ba ang paglubog sa tubig? Tapos, makikita ko pa si Marina. hehe. Kaso prereq pala ang Swimming at may bayad na tumataginting na dalawang libo.

Kaya naging desperado na ko. Ayoko namang BRIDGE ang P.E. ko, noh! Mag-pP.E na nga lang ako, card game pa? Gusto ko yung something physical. Physical Education nga eh.:P

Kaya buti na lang, to the rescue ang streetdancer kong friend na si Krammer. Konting kulit lang kay Sir Jerome Dimalanta at poof, streetdance na ang P.E ko.

Sa first meeting namin, sinabi ni Sir J na kailangan naming magdala ng extra clothes even extra underwear dahil sadyang magpapawis ang area doon. Para sa may mahabang buhok na tulad ko, kailangan kong mag-cap o bandana for hygienic purposes daw.Pero ang pinakakawawa yata eh ang mga babae. Sa mga gifted with womanly attributes kailangan nilang mag-sports bra at pag may buwang dalaw, hindi dapat gawing lingguhang dahilan para hindi sumayaw.

At eto pa. Marami syang tinanggap na prerog kaya mga singkwenta na ata kami. Ang kondisyon: isang absent, drop ka na. Para namang may aabsent sa klase nya.

Daming rules pero ok lang. Basta Streedance ang P.E. ko !Wooohooo! Sasayaw kami sa Street Indakan!

Speaking of sayawan, this Friday sasayaw ako with the UP Green Minds sa CMC Cultural Night! Punta kayo, ah.Lahat ng orgs sa Maskom , mag-prepresent.:)




MemComm Mode

Nitong nakaraang Miyerkules, nagkaroon kami ng pictorial sa UJP. Wala lang. As usual, di kami masaya.



Malapit na naman ang application period at halatadong hindi ako excited. Just look at me.


Anak ni Xylo







11.02.04
posted by the silverbolt at 8:34 PM


Si Batman, Ako, at ang Sperm Cell


"Hello. Ako po si Batman. To the Batcave! Woosh!"

Hindi ba kayo nagtataka kung sino ang musmos na ito na walang kalam-alam na hindi lumilipad ang superhero na ginagaya nya?
Ang akala nya yata eh isa syang Kryptonian at hindi yung detective ng Gotham City..Tsk.. Tsk.. Batang-bata pa lang,pasaway na
Kawawa naman at napagtripan sya ng kanyang mga magulang..nakalabas pa yung brief nya..hehe..

Gusto nyo ba ng clue?

una,paborito nyang ulam ay menudo na lenggua.

sobrang hirap gisingin pag tulog; makulit pag gutom...

suplado pag badtrip; malakas lumamon; natutuwa pag kumakain ng ice cream...

obsess sa mga street dance concerts; mahilig sumakay ng bus...

di maaga gumigising; matamlay pag puyat; asar sa mga taong di marunong makipag-compromise...

addict sa color orange

kalat-kalat ang pera sa bag

O kilala nyo na ba sya?

Kung hindi pa, mamaya ko na lang sasabihin at hayaan nyo na muna akong lumihis ng paksa, para naman magkaroon ng supense...hehe.

Nung baguhan pa lang ako sa peyups ,isa sa mga una kong inisip, bukod kung pano hindi maligaw sa gubat ng Diliman ,eh kung pano ako makikipagkaibigan sa mga tao at pano ito patatagalin. Sawa na kasi ako sa mga linyang 'Friends come and go.' Kaya nga siguro ginaya ko yung lahat ng pinag-enlistan na subjects ng unang taong na nakilala ko, kasi nga --- gusto kong magkaroon ng kaibigan.

Kaya nang inimbitahan ako ng dating crush ko na si Mareng Lizzie na sumali sa sinasalihan nyang org, pumayag ako. Sa first interview ko nga,nang tinanong ako kung bakit ko gustong sumali sa org, ang sinagot ko ay "sense of belonging."

Ang drama noh? Ganun kasi ako. Minsan nga rin nagtataka ako sa mga ugali ko. Corny na madrama. Ibang klaseng kombinasyon. Yun ako dati eh. O kung ganun pa rin ako,yun ako. Siguro pilit ko pang iniimprove ang sarili ko pero ang madalas talaga na mindset ko eh maging totoo lang.

What you see is what you get.

Kaso madalas na kapag tayo ay nagpapakatotoo at nagpapalaya sa mga dikta ng iba kung ano o ano dapat tayong maging, eh kabaligtaran sa gusto natin ang lumalabas.

Lalo na kapag marami na tayong kalaban. Ang iniisip na natin eh para magkaroon ng hinahangad nating social life, conformity ang solusyon.

Pero ako,sa lahat ng bagay, pinipilit kong maging ako. Bahala kayo kung anong tingin ninyo basta eto ako. Kaso nga lang, mas madaling makibagay sa alam mong tiyak na mananalo ka.

Sa batch interview namin sa sinasalihan kong org,ako ang binoto na weakest link na hindi naman katanggap-tanggap para sa 'kin. Responsable akong aplikante,kaka-rap ko pa nga nun ng preamble para sa aming batch. Unang nagsalita ang isa naming co-app. Walang pag-aalinlangan. Tapos sumunod naman ang katabi nya. Hanggang halos lahat, Jerry ang sinabi nilang weakest link.

Pero may isang taong lumihis sa conformity ng lahat. Kahit nga ang mga mismong members ay kinuwestyon nya.

"Ako! Ako! Ako ang weakest link!"

"Eh,di nga pwede sarili mo! Sumasagot ka pa dyan!"

"Bakit? Alam nyo ba pakiramdam ni Jerry?"

Tumahimik ang lahat. Nagulat ako sa ginawa ng taong yun sa'kin.Ni hindi ko pa nga sya masayadong kilala liban na lang sa nabasa ko sa autobio nya na sya raw ang pinakamalakas na sperm cell kaya sya nabuhay,tapos nagawa nya kong ipagtanggol sa harap ng mga mems. Pagkatapos ng interview, lumapit ang mga co-apps ko na tinuringan akong 'weakest link'at humingi ng tawad.Hindi raw nila narinig ang tanong. Yung pagkadismaya ko raw sa isang mem na binastos ang nanay ko nung first interview ko ang dahilan. Mga dahilang lihis sa aking pagiging "pinakamahinang aplikante."

Ayokong masayang ang ginawa ng pinakamalakas na sperm cell,kaya pinagbutihan ko pa ang mga gawain ko sa org. At *puf*, ako ang nabotong Membership Committee head. Sorry na lang sa mga nag-iisip na hindi matanggap na ang "pinakamahina" ay hindi ganun kahina.

Syempre patuloy pa rin ang "kritisismo" at pang-mamata. Pero wala na sigurong hihigit pa sa pangyayaring nagturo sa'kin kung ano ang tunay na depinisyon ng kaibigan.

Nasangkot ako sa isang problemang di ko napanaginipang mangyari sa'kin --- lovelife.

Dito,nilapitan ko ang isa kong tinturing na kaibigan. Hindi nya kasi ako kinakausap kapag yun na ang paksa ng aming usapan kaya tinext ko sya kung bakait kapag maraming tao na ang involved, iniiwan nya ko sa ere.

"Oi,ano yung tinext mo,ang drama ah," sabi nya.

"Ah...ok lang.."

"Anong ok lang? Wala naman akong ginagawa---!"

Tumpak.Wala nga syang ginagawa. Ang tangi ko lang namang hiling eh makausap sya,hindi magdikta na ako ang kampihan nya.

Pero ang di natitinag na sperm cell, tulad ng ginawa nya ng aplikante pa kami sa org, tinulungan nya ko. Mula sa bahay nya sa Marilag St.,pinuntahan nya ko sa Philcoa para lang kausapin (at maghanap ng font para sa org publication). Sya ang naging sandalan ko sa panahong babang-baba ako sa sarili ko.

Sya nga pala yung sperm cell na lumaking bilang Batman.

*belated hapi bertdei,tol. matanda na nga ko pero mas matanda ka :P






+BIRTHDAY EDITION+

VORTEX




Membership Officer



Print Committee Head


UJP Representative

PORTAL

Abel
Amy
Allan
Bebet
Bien
C-Ann
Ceasar
Cleng
Comicboards
Culture Crash
Danilo Arao
Erika C.
Erika S.
Francine
Friendster
Gretel
Jamie
Jaycee
Jaykie
Jaypee
Joy
Julie
Kae
Kaizen
Kate
Katt
Kirk
Klara
Kubori Kikiam
Lagsh
Lawrence
Liezl
Luis Teodoro
Mark
Markj
Maya
Mayee
The_Paradox
Pat
Paul
Peyups.com
Stox
Tinig.com
Copyright 2004 © JERALD UY
Best View: 800x600 Resolution
THE SILVERBOLT
All Rights Reserved.If you need anything,just ask.