WELL-LOVED
talaga ng kanyang mga magulang si Antoinette Taus, no doubt about
that. At kahit sa pagkukuwento ng kanyang mommy na si Mrs. Cora Taus
no'ng baby pa lang ito, mapapansing she is very adored by the
family.
"She almost died. Five days
kami sa hospital, pero, nahawakan ko lang yata si Antoinette noong
day na lumabas na kami ng hospital. Noong umuwi na kami ng house,
pini-feed namin siya, pero, after fifteen minutes, isinusuka niya 'yung
kinakain niya. So, ibinabalik namin siya sa hospital.
Kaso, tinanggihan siya, imagine, five days old na baby. Eh,
ang liit-liit ni Antoinette noon, she's just 6.5 pounds nang
ipinanganak ko.
"Itinakbo namin siya sa Clark.
Maganda roon dahil halos lahat ng espesyalista, naroroon.
Pinapalitan ng formula everytime na pini-feed siya, pero, lahat 'yun,
after 10 to 15 minutes, isinusuka pa rin niya. Hindi nila ma-detect
kung ano ba 'yung reason. Para 'kong maloloka noon dahil
kapapanganak ko pa lang. Sa Angeles pa naman, bawal ang bantay,
so, nakiusap talaga kami. Kaya ako, sa floor ako natutulog
noon, pero okey lang, kesa naman nasa bahay nga kami, then, 'yung
baby naman namin, nasa hospital.
"After nine days nag-improve
siya, parang miracle. Hindi pa rin nila nalaman kung ano 'yung cause
ng pagsusuka niya. After that, she gain weight. May
midwife siya kaya kapag day time, sa amin si Antoinette, kapag
nighttime, kasama niya 'yung midwife niya.
"And as a little girl, mahilig
mag-perform si Antoinette. Mayroon kaming jukebox sa
restaurant, nandoon siya sa itaas, kumakanta at sumasayaw, gusto
niya 'yung may crowd. At kapag tumatawa siya noong baby, 'yung
two hands niya, pumapalikpik, parang chicken.
"Mayroon ding unan si
Antoinette na noong baby pa lang siya, hindi na siya makakatulog
kapag hindi niya amoy-amoy 'yun, hindi nga namin maintindihan kung
ano ang gusto niya roon. Sari-sari na ang amoy. Ilang
taon na si Antoinette nang alisin ng daddy niya, tiningnan kung ano
ang magiging reaction niya dahil hindi na healthy for her.
"Since first baby, palagi kong
kasama 'yan. At one month old pa lang siya, nailusot ko na
siya sa sinehan, palibhasa maliit, naisimple ko at naipasok sa
sinehan. Every work ko rin, kasama ko 'yan. Nahiwalay na
lang noong nagi-schooling na siya.
"And at three, ang dami-rami
na niyang country na napuntahan. Nakapunta na siya ng Europe,
Mexico, Paris, States, Canada, Japan. Kaso lang, wala na raw
siyang matandaan doon sa countries na 'yun.
"Yung mga school sa Angeles,
halos lahat, pinasukan niya, every year, nagta-try ng magandang
school. Kaya walang puwedeng magsabi na 'yun ang alma mater
niya. Elementary siya, gumagradweyt siyang valedictorian.
Noong nasa O.B., pang-second naman siya hanggang ma-accelerate at
mag-DECS, then, Ateneo na nga.
"Noong maliit siya, 99% that
time, kapag nagbi-VTR siya, siya na 'yung napipili. Noong
manood kami ng Bb. Pilipinasa na si Alice Dixson ang nanalo,
candidate naman ang daughter ng friend ng daddy niya, si Valerie
Antonio. Nakita siya ni Jojo Veloso, sabi sa kanya, 'what a
beautiful girl!' Isinama siya sa commercial, 'yung Johnson &
Johnson, si Valerie 'yung gumanap na mommy niya.
"Noong maliit pa ang mga 'yan,
every weekend, palagi kaming nasa five-star hotel si Antoinette,
kapag pauwi na kami, ayaw pang umuwi. At saka, noong maliit
pala 'yan, kamukha siya ng daddy niya, si Tom, ako ang kamukha.
Pero noong magsilaki na sila, nagkabaligtad na, mabuti naman."
source: Superteen No. 154
|