from Superteen Magazine
HI!
The real Antoinette Taus is I could say adventurous. I'm adventurous
in a way na maganda naman at hindi 'yung makakasama. I am willing to
try bunjee-jumping, kaya lang, hindi pa ako pinapayagan ng daddy ko.
I'm fun-loving. Gusto ko, palaging masaya ang paligid ko, masaya ang
mga tao. Sa mga kaibigan naman, hinahanap ko naman 'yung mga totoong
tao talaga. Kumbaga, 'yung walang kiyeme, hindi maarte. Anything
goes….
Kasi, ganoon din naman ako. Kahit
saan mo ako dalhin, kahit anong pagkain ang ibigay mo sa akin, hindi
ako mapili sa mga ganoong bagay. Ganoon ako sa mga kaibigan ko at
gusto ko, ganoon din sila sa akin.
As a child, I guess, we could say
na feel na feel kong maging dalaga noong bata pa lang ako. Kapag
nagdadamit ako, ayokong nagsusuot ng mga damit na may mga puffed
sleeves, may mga raffles, gusto ko 'yungg tipong kung ano ang uso sa
mga teenager noon,'yun din ang gusto kong suutin. 'Di ba, nauso noon
ang buntis style ng damit, may mga ganoon din ako noon. Pero ang
liit-liit ko pa no'n, siguro mga six or seven pa lang.
I love animals, actually kahit ano
namang animals gusto ko, pero pinakapaborito ko talaga 'yung pusa.
As in bata pa lang ako, mayroon na akong cats. Nabili namin sa
friends namin sa Clark na nagpunta sa States, mga Amerikano sila. 'Yung
mga pusang 'yun, pusa silang normal lang, pero nanggaling sila sa
States kaya ang lalaki. Ang pangalan nila, Garfield and Felix. Tapos
ngayon, 'yung pusa ko si Muffy, mag-isa na lang siya.
I'm a very hardworking person…Kumbaga
nahihirapan ako minsan. Sasabihin ko sa sarili ko na nahihirapan ako.
Pero alam mo 'yun, hindi naman akoo nagrereklamo sa Diyos. Kumbaga,
kapag nahihirapan ako, ina-admit kong nahihirapan ako. Ina-admit
kong nalulungkot ako kapag may mga problema, pero, never akong
nagrereklamo sa mga bagay na ganoon. Kasi, alam ko namang he wants
something good to happen. Mas maganda nga 'yung mauna munang
maghirap ka bago 'yung sarap, kaysa 'yung saka ka mahihirapan.
Actually, nagiging inspirasyon pa
nga sa akin minsan at natutuwa pa nga ako kapag nahihirapan ako.
Naiisip ko na, at least, sa future, sana maging maganda ang
dumatingg. At saka, determined ako and I want something done.
Talagang ginagawa ko para makuha ang gusto ko.
Ako naman, hindi ako nalulungkot sa
mga temporary na bagay. Siguro nalulungkot ako, pero, hindi
masyadong ano 'yun sa akin, wala lang 'yun. Things that really
affect me are matters of the family. Like my mom and dad. Like when
something bad happens, I feel bad. At saka, matters din concerning
me, 'yung things about me, 'yung mga intriga, 'yung mga tsismis,
siyempre, hindi maiiwasang malulungkot ka rin. Parang iisipin mo,
bakit nila ako ginaganito?
Sa ngayon, tingin ko naman, I'm fit
in showbiz in terms of sa mga ginagawa ko like singing, dancing and
acting. I'm pretty well good naman sa mga ginagawa ko, hindi naman
ako nakukulelat. Marami rin naman ang nagsasabi sa akin at kaya ko
rin nage-gain 'yung confidence na 'yun to continues going on. I
guess, I am inclined in showbusiness. I love the feeling of getting
the stage and performing with people, tapos tuwang-tuwa sila,
naaaliw sila. Gustung-gusto ko 'yung feeling na 'yun. Siyempre,
there are times that I want to live a normal life. Parang ayaw mong
mag-taping kapag pagod ka. Gusto mo mag-study na lang at ayaw mo
nang makihalo sa mga tao sa showbiz na masyadong nang-iintriga. Mga
taong plastik, mga nang-aaway.
There are times na naiisip ko 'yun
at umalis na lang minsan dahil napapagod na kong makiharap sa mga
taong sobrang plastik, akala mo kaibigan mo, pagtalikod mo, inaaway
ka naman pala. Hindi mo maiaalis 'yun, when you want something
kailangang may isang bagay na kailangan mong I-save. Hindi naman
lahat, maganda sa gusto mong gawin. Kahit naman mag-work ka sa
office, meron pa rin diyan.
Sa showbiz, naka-experience na rin
ako na painful siya. Pero hindi ko na masyadong ie-elaborate dahil
baka maging masyadong malaking issue kapag ine-elaborate ko pa.
Siyempre, mahirap din kapag sinisiraan ka, to the point na
sinisiraan ka na sa mga taong espesyal sa akin,
pinagtutulung-tulungan ako. 'Yung hindi naman talaga totoo, pero,
kailangan ka pa nilang siraan. Meron ka mang masamang traits, tapos
sinabi sa tao na 'yun using that, siguro magagalit ka, pero, hindi
ka sasagot sa kanila pero magagalit ka pa sa sarili mo dahil ginawa
mo naman talaga.
And I always defend myself. Kapag
alam kong tama ako, kapag alam kong wala talaga akong kasalanan,
lahat gagawin ko sa kanila para ma-prove ko na tama ako.
Mage-explain naman ako kung dapat mag-explain.
Luckily, wala namang nang-aapi sa
akin sa showbiz, mayroong nang-aaway, pero wala 'yung nang-aapi.
Kasi, para naman magawwa mo 'yun, kailangang ikaw mismo na gumagawa
noon, meron ding kinatatayuan. Eh, usually naman, 'yung mga
nakakasama kong tao na mataas naman ang posisyon sa buhay, hindi
naman ganoon ang ugali.
As of now, satisfied ako sa career
ko. Hindi ako naniniwala sa overnight success, eh. Nakakatakot din
talaga 'yun. Kasi usually kapag overnight success ka, overnight din
ang pagbaba mo. Ako, I've been here for seven years, so, eventhough
mabagal siya, dahan-dahan naman. Umaakyat naman ako sa hagdanan.
Kumbaga, it's slowly but surely. So, I'm just hoping that it keeps
on going, hindi siya magi-stop. Kasi when the time comes na 'yung
career ko, isang level na lang na parang hindi siya umaakyat, pagod
na 'ko, eh.
But as long as I'm going one step
at a time, I think, I'll stay. I think ang ultimate goal naman is to
reach the status that people consider you as a star or as an
actress. But I don't want my life in showbiz forever! Kumbaga,
pagdating na 'yung point na na-reach ko na 'yung stage na 'yun and I
make enough money for myself. Kumbaga, puwede na siguro 'kong mag-stop.
Mayroon din naman akong regrets of
childhood, pero okey lang, hindi naman siya 'yung tipong regrets na
nagsisisi ako. Kumbaga, parang nanghihinayang lang nang kaunti. When
I was younger, na-enjoy ko rin naman. At saka, eventhough I join
showbiz when I was eleven, okey lang, that's something I want to do.
Nage-enjoy ako sa ginagawa ko sa showbiz. 'Yung paggawwa ko ng
pelikula, I enjoyed the people I'm working with. And I guess, you
could say, 'yung medyo nanghihinayang ako, kasi nga 'yung school ko,
one year lang ako nakapag-high school, first year. Tapos 'yung
second year, nag-skip ako. Noong third and fourth, nag-home study
ako. So, one year ko lang talaga na-experience 'yung high school.
Hindi ko na-experience 'yung mag-prom. So, 'yun ang isa sa mga
masasabi kong main regret ko sa pag-enter ng showbiz. Mababaw lang
naman ako.
Sa family naman, we're close.
There's a lot of communication. Like my mom, I tell her everything,
lahat alam niya! Even my secrets, crushes, problems, kapag natutuwa
ako. Minsan nga, gumigimik pa ako kasama ang mom ko, kasi, sobrang
teenager din. Pati sa pagpili ng damit. Kung puwede lang I-raid ko 'yung
closet niya. Lama din ng lahat na sobrang istrikto ang daddy ko,
pero close din kami. We also talk a lot. Kami ng brother ko, ang
nagsasabihan ng advice, nagtutulungan kami minsan sa pagdiskarte.
We are really close and very
religious, madasalin kami, sobra! I could really say that I can't
ask for other parents 'coz they really brought me up. Ako mismo,
gusto ko 'yung pagpapalaki nila sa akin. 'Yung konsensiya ko,
malakas, so, that means, maganda 'yung pagpapalaki ng magulang
gdahil naaalala mo palagi. I could say that I have good values. I
value people a lot. We value money at kahit ano pa ang sabihin mo,
hindi okey na gumastos kayo nang basta-basta.
As a friend, I'm thoughtful…makulit.
Mas madalas kong kasama ang mga non-showbiz friend ko, like my
college friends, pero mas matanda sila sa akin, they are around 20
to 21. Eh, maaga kasi akong nag-start sa showbiz. We're really happy
togetherr. As friends, sobrang good example kami sa isa't isa.
Kumbaga, wala kang masasabing bad influence. Kung mayroong isang
problema or may isang taong nagiging problema 'yung isang tao,
tinutulungan namin peror hindi kami nagiging biased.
Sa showbiz naman, siyempre si Ciara,
kahit papaano hindi pa rin mawawala 'yun. Si Dingdong, si Anne
Curtis. Si Sunshine Dizon. 'Yun nga lang, siyempre, mas deep sa
non-showbiz.
Sa lovelife naman, mahirap kasing
sabihin kung in love nga ba sila. 'Di ba, there are songgs that are
just really infatuation or really love, since bata ako, palagi akong
nagkaka-crush. Minsan, sobrang crush na crush pero it turned out na
hindi ko naman pala talagang love. Siguro, tre love for me is that
it develops through time and companionship. Hindi ko masabi kung
totoo ba 'yung mga love at first sight kasi, hindi ko pa naman nae-experience
and at the same time, wala pa naman akongg kilalang naka-experience
no'n.
Kasi, how can you really say dahil
'pag inano mo ang meaning ng love, siguro attraction at first pero
hindi love. Kasi halimbawa, nakita mo first time, tapos namatay,
iiyak ka ba? Hindi, 'di ba? I really think love develops through
companionship and time. I don't think also that it is good for
people to get into a relationship at a young age, kasi, sometimes,
you don't really know if that's love. Sometimes, you're not yet
matured enough. Kasi kapag bata ka talaga, usually big crush lang!
Hindi mo nawe-weigh 'yung mga importanteng bagay.
Definitely, hindi pa ako umiiyak
because of love. That's too much naman, parang na-in love ka na
talaga deeply. Siguro 'yung mga old crush mo na nakita mo ulit,
tapos may girlfriend na, siyempre, nakakalungkot, 'di ba? Pero
nothing deep to really make you cry.
At saka may saying na kapag na-in
love ka, sometimes, love is blind. Hindi mo nakikita ang kapintasan
ng tao. But the truth is, you see it, but you don't mind. Hindi mo
na lang pinapansin 'yung kapintasan, 'yung mga flaws niya, na-accept
mo and you help that person change kasi mahal mo siya.
In love ba 'ko ngayon? Well, I
don't know if I'm in love but I just know that there's someone
special...
Well, sa ngayon ang strength ko are
the people that I love, my family and friends. Kumbaga, when I'm
down, nandiyan sila to help me. Kumbagga, makakatulong na 'yun kahit
na anong negative na mangyari sa feelings ko. 'Yung Diyos,
kinakausap ko siya lalo na kapag ayoko nang kausapin 'yung mga tao
sa paligid ko, then, after that, it makes me feel better. Masarap 'yung
feeling kapag nakakausap mo.
Weaknesses naman, sobrang pikon ako.
At saka, huwag mong kukunin 'yung mga close friend ko at pagkatapos
gagamitin mo para awayin ako at siraan ako. Kumbaga kasi, grabe
akong magmahal ng mga tao. Kapag nakasama ko ang mga tao,
pinagkatiwalaan ko, minamahal ko talaga.
Well, I hope that you were able to
see the real me. Sana sa mga sinabi ko rin, mayroon kayong napulot
but another thing I like to add, whenever you do something, it's
important that you do your best. Ibinibigay mo nang todo lahat ng
makakaya mo. Kapag ginawa mo 'yun, walang pagsisisi. At hindi 'yung
sana, mas ginalingan ko pa or mas ginandahan ko pa. At least, you
really give your best shot at maaaring 'yung bagay na 'yun, it's not
really meant for you.
Siguro mayroon pa ring ibang
inilaan ang Diyos. Thanks a lot for reading this article. Thanks for
always being there. Thanks for believing in me and with all your
confidence, and that also boost my confidence.
|