Power of 2
POWER OF 2®

you never have to be alone again.
[site map] [links]

home

Selected Works of Winette and Aislinn Selected Works of Winette and Aislinn

Utang ng Ina... by Winette
How To Gain Weight... by Winette
Huwag N'yo Kong Subukan... by Aislinn
Saksi Na Pag-Ibig... by Aislinn

Upclose and Personal

Photo Gallery

Sign In

On-line Advertisement Take the Plunge
2001 Swimsuit Collection




POWEROF2 ®

Pang-apat, CULPABLE VIOLATION OF CONSTITUTION.

Napag-alamang iniutos niya sa Commission ng Customs na I-turn-over sa Malacanang ang 52 luxury vehicles na nakumpiska galing sa mga smugglers para ipamigay sa mga cabinet members at ibang senior officials.

In-appoint din ni Estrada ang ilang cabinet members at kanilang mga deputies o assistants sa iba pang posisyon o trabaho na labag sa nakasaad sa Constitution.

SINU-SINO ANG MGA NANATILING PRO-ERAP O ESTRADA LOYALISTS SA KABILA NG LAHAT NG PARATANG SA PANGULO?

Karamihan ng mga kabilang sa pro-Estrada groups ay mga manininda at ang iba pang mga mahihirap nating mga kababayan na pinangungunahan ng mga leader ng People's Movement Against Poverty, Katipunan ng Sambayanan at iba pang mga urban poor groups.

SA PAANONG PARAAN TUMUGON AT NAGPAKITA NG SUPORTA ANG MGA PRO-ERAP PARA SA PANGULO?

Susundin nila lahat ng sasabihin ng Pangulo, anya ng mga pro-Estrada groups. Sumang-ayon at sinuportahan nila ang pagtawag ng Pangulo para sa isang snap elections na gaganapin sa May at idinagdag na kailangang ipaubaya na lamang sa democratic process ang kahahantungan ng ating bansa. Sinabi pa ni Ronald Lumbao, spokesperson ng People's Movement Against Poverty, na kailangang ituloy ang laban ng mga mahihirap, na ang labanan ay wala na sa lansangan, kundi sa snap elections. Nanawagan din siya paghandaan ang laban na ito para pumili muli sila ng isang kandidato sa pagkapangulo na mangangalaga sa mga interes ng mga mahihirap, tulad ng ginawa ni Pangulong Estrada.

ANO ANG NAGING HATOL SA OUST ESTRADA CAMPAIGN?

Matagumpay! Sa kahabaan ng Edsa-Ortigas, kung saan naganap 1986 People Power, ay siya ring pinagdausan ng People Power II na pinuntahan ng libu-libong mamamayan na galing sa iba't ibang sektor sa lipunan. Noong January 16, matapos harangan ng 11 na senador ang pagbubukas sa envelope na magbibigay linaw sa katotohanan, ay nagmistulang mga langgam ang mga mamamayan na walang takot na ipinahayag ang kanilang galit at pagkamuhi sa Pangulong Estrada. Mula January 16 hanggang 19 ay papalaki ng papalaki ang lumalahok sa mobilisasyong ito uoang ipakita na nagkakaisa ang mga Pilipino sa layuning pagpapatalsik kay Estrada. Tila ang mga pro-Erap ay walang nagawa dahil sa pag-alab ng sentimyento ng dumaraming bilang ng mga oposisyon. Sa wakas, pagdating ng January 20 ay bumigay narin ang Pangulong Estrada sa kahilingan ng mga tao; siya ay kusang nag-resign at ito ay indikasyon ng tagumpay na pagpapatalsik ng taumbayan sa isang pangulong nang-aabuso at nambubusabos sa mamamayang Pilipino. Muli, napatunayan nating ang sama-samang pagkilos ay nagluluwal ng makasaysayang pagbabago sa lipunan. Tanong ngayon ng bayan: "Bakit mo kami sinubukan?!"



Back to Top

Back to Page 1
________________________________________________
copyright2001©POWER OF 2®
Winette Manzanilla and Lenis Aislinn Chua
University of the Philippines, Diliman, QC
All Rights Reserved.