Power of 2
POWER OF 2®

you never have to be alone again.
[site map] [links]

home

Selected Works of Winette and Aislinn Selected Works of Winette and Aislinn

Utang ng Ina... by Winette
How To Gain Weight... by Winette
Huwag N'yo Kong Subukan... by Aislinn
Saksi Na Pag-ibig... by Aislinn

Upclose and Personal

Photo Gallery

Sign In

On-line Advertisement Take the Plunge
2001 Swimsuit Collection

POWEROF2 ®
UTANG NG INA
Bangko Sentral ng Pilipinas

May ideya ka ba kung magkano ang utang ng ina mo? Oooops… teka lang, ang ibig kong tukuyin ay ang utang ng ating inang bansa. Alam mo bang ang kasalukuyang utang panlabas natin ay humigit-kumulang sa 52.164 milyong dolyar o 2,608,200,000 bilyong piso? At sa populasyon nating 75 milyon, nangngahulugang ang bawat isa sa atin ay may utang na 34,776 libong piso. Magkano ba ang pera mo sa bulsa ngayon?

Kamakailan lang ay binagyo na naman ang ating bansa. Maraming lugar na naman ang lumubog sa baha. Ngunit ilang linggo lang ay humupa na rin ito. Katulad ng baha ay sinasabing lubog na raw ang ating bansa sa utang. Hindi pa man daw tayo ipinapanganak ay may utang na tayo. Kung ating titingnan ang Figure 1 makikita natin na mula noong 1979 hanggang sa kasalukuyan ay napakalaki ng itinaas ng utang natin. Halos "lumubog" na nga raw tayo kung sabihin pa ng iba. Subalit sa kasamaang palad, ang utang ay di tulad ng baha, hindi araw, linggo, buwan o taon ang binibilang upang mawala. Marahil wala na tayo ngunit nandyan pa rin ang mga utang natin.

Figure1: Total foreign Exchange Liabilities

Maikling kasaysayan… Noong 1983 ay nakaranas ang ating bansa ng matinding krisis. Bumagsak ang ating ekonomiya dala ng pagbagsak na rin ng ating pamahalaan dahil sa mga corrupt na namumuno. Kinailangan ng ating bansa na makiusap sa mga creditors para sa isang debt moratorium. Ang debt moratorium ay nangangahulugan ng panandaliang pagtigil natin sa pagbabayad ng utang. Mas pinapahaba ang pagbabayad para na rin makabangon ang ating ekonomiya. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang debt moratorium ay ibinibigay lamang kung mayroong matinding krisis ang isang bansa, tulad noong 1983 kung saan wala ng dollar reserves at ang mga investors ay umalis na.


|page2| |page3|

Back to Top


________________________________________________
copyright2001©. POWER OF 2®
Winette Manzanilla and Lenis Aislinn Chua
University of the Philippines, Diliman, QC
All Rights Reserved.