Power of 2
POWER OF 2®

you never have to be alone again.
[site map] [links]

home

Selected Works of Winette and Aislinn Selected Works of Winette and Aislinn

Utang ng Ina... by Winette
How To Gain Weight... by Winette
Huwag N'yo Kong Subukan... by Aislinn
Saksi Na Pag-ibig... by Aislinn

Upclose and Personal

Photo Gallery

Sign In

On-line Advertisement Take the Plunge
2001 Swimsuit Collection



POWEROF2 ®
SAKSI NA PAG-IBIG

PAGE 1

Frame 1

TITLE: SAKSI NA PAG-IBIG

TOP CAP: Matapos ang insidente ng pagpatay kay Kokoy Lagmay, si Mia ay kakatapos lang magbalita ng isidente sa telebisyon…

MIA: (balloon} Ito po si Mia Monteverde, nag-uulat para sa GMA-CBN News.

ILLUSTRATION:

Si Mia ay isang sexy at magandang reporter: mahaba at itim ang buhok may maliit na mukha, maputi at makinis ang kutis, nakasuot ng pulang blazer at mini skirt. Nakatayo siya sa bandang kanan-harap ng gusaling pinangyarihan ng krimen. Mejo malayo sa likuran nya ay may makapal na mga taong usisero. Dalawang magkaibigan ang bahagyang nakahiwalay sa mga tao at nakatingin kay Mia habang siya ay nagrereport sa harap ng camera.

Frame 2

ATONG: Uy, pare ang lupit non ah!

KAIBIGAN: San?

ATONG: Yun o, yung reporter.

KAIBIGAN: Pareng Atong, oo nga! Malupet!

ILLUSTRATION:

Dalawang lalaking usisero sa krimen ang nakatayong nagkwekwentuhan na nakatingin kay Mia na nagrereport mejo malayo sa kanilang kaliwa. Si Atong, nasa kanan, ay isang simple at payat na lalaki: nakasuot ng putting t-shirt, naka-maong na pantalon at naka-tsinelas. Ang kanyang kaibigan naman ay halos ganon din ang tipo ng suot, iba lang ng kulay.

BOTTOM CAP: Talagang nagandahan kay Mia ang magkaibigan, lalo na si Atong… kaya minabuti nila itong lapitan…

Frame 3

ATONG: Hi! Ako pala si Atong. Diba kaw si Mia Monteverde?

MIA: Oo

ATONG: Sabi ko na eh! Lagi kasi kitang napapanood sa TV!

MIA: Ganun ba…

ILLUSTRATION:

Full-body na side view na magkaharap sina Mia at Atong. Yung kaibigan ni Atong ay nasa likuran niya at ang cameraman ay nasa tabi ni Mia na isang matipunong lalaki na may bitibit na malaking camera.

BOTTOM CAP: Sabay alis ni Mia, kasama ang kanyang cameraman…



|page1| |page2| |page3| |page4| |page5|

Back to Top



________________________________________________
copyright2001©POWER OF 2®
Winette Manzanilla and Lenis Aislinn Chua
University of the Philippines, Diliman, QC
All Rights Reserved.