Mga Sinulat ni Yulz... Para sa Kapakanan ng Maralita


Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Bro. Eddie Villanueva
Paksa:
Re: Whoever Said There is No Longer Hope
Kailan Sinulat: February 26, 2004

Sagot sa isang forumer na wala sa lugar bumatikos...

Hanggang ngayong ba naman... bisto na, wala na... hinahanapan na kayo ng plataporma de gobierno, nakikipagbalagtasan pa rin ang kandidato mo at walang maipakitang plataporma.

Huwag mong i-confine lang ang isip mo sa mga walang basehang mga bagay na pakana ng mga propagandista... sayang ang talino mo. Magagamit mo yan para sa pag-unlad ng bayan... iyan ay kung hindi ka isa rin namang propagandista.

O ito ha, bibigyan kita ng halimbawa... papaano mo ipaliliwanag ang pagkakaiba ng Norway sa Pilipinas? Sagutin mo sa context ng kahirapan.

Sila... ubod ng yaman. tayo... mayaman din dapat... pero ubod ng hirap at pinagtatawanan ng ibang bansa.

Hindi mo ba alam na "pari" ang Prime Minister nila? Dalawang beses pa nahalal.

Ngayon, magsalita ka...

Huwag mong pigilan ang pagbangon ng Pilipinas... at baka madaganan ka!

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa (1): Hindi Dapat Tinatanong Kung Matalino Si FPJ o Hindi
Paksa (2): Primer: Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap
Kailan Sinulat: March 11, 2004; March 15, 2004

Basahin ang primer. I-click mo dito.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Panggising sa mga Pro-FPJ
Kailan Sinulat: March 15, 2004

(Ito ang isinulat ng isang forumer: "Basta ako, mag-samasama lamang tayo sa pag-pa-panday, magtulungan at magtrabaho ng magtrabaho para sa ating ekonomiya and ... ano nga ba yon Loren?")

Ipaliwanag mo nga kung papaano magtatrabaho ng magta-trabaho o sabihin na nating magkakatrabaho para sa ekonomiya gayong ang resulta ng propaganda at kontrobersiya sa pagitan ng mayayaman at mahihirap na galing sa kampo ni FPJ ay makapagdudulot ng kawalan ng trabaho? Nabasa mo na ba ang sinulat kong primer, "Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayayan at Mahihirap"?.

Wala pa akong nakikitang naglakas-loob na sagutin ito o magbigay ng komento. Ito ay isang katotohanan sa ating lipunan... mahirap bang pasubalian ang totoo? Magising kayo at tingnan kung papaano nagagamit ang mga mahihirap tuwing eleksyon.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Bro. Eddie vs FPJ
Kailan Sinulat: March 15, 2004

Ano ang pinakamalaking pagkakaiba?

Si Eddie Villanueva ay naglalayon na magkaroon ng maraming trabaho. Ang propaganda ng kampo ni FPJ ay makapagdudulot ng kawalan ng trabaho. Ano ang pipiliin mo?

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Primer: Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap
Kailan Sinulat: March 15, 2004

Kailangan ng Pilipinas ng maraming trabaho at negosyo? Ano ang gagawin ni FPJ patungkol dito? Ang mga maralitang katulad natin ay naglalayon na makaangat ng kabuhayan... tingnan kung ano idudulot ng pagboto ng hindi base sa mga isyu ng bansa. Sa halip na magkaroon ng maraming trabaho upang maiangat ang ekonomiya... ano ang mangyayari dahil lamang sa propaganda na ipinapalaganap ng kampo ni FPJ, yaong mahihirap kontra mayayaman?

Mag-isip ng mabuti sa pagboto at i-base ang desisyon sa mga isyu na makapagdulot ng malawakang problema sa bayan, hindi sa paghanga sa isang personalidad.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Primer: Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap
Kailan Sinulat: March 17, 2004

Ito ang ika-anim na araw na walang naglakas-loob na bumatikos sa aking isinulat na primer... ito ay kakaibang kilos ng mga KNP supporters sa forum sapagkat walang post doon na nakakalagpas ng maraming oras ng hindi sinasagot at binibira ng kung ano-ano.

Walang maka-FPJ ang nais magbigay ng pahayag patungkol dito? Bakit kung lehitimo ang usapan, hindi ninyo sinasagot... kung ang mga bagay naman na sinagot na ng paulit-ulit... iyon ang pinagpipilitan at paulit-ulit ring sinasabi na parang sirang plaka.

Kung ang inyong layunin ay ibaon ang thread na ito sa dulo para hindi na mapansin... nagkakamali po kayo sapagkat ito ay babantayan ko para laging nasa itaas. Maawa kayo sa mga maralitang ginagamit sa propagandang ganito.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Primer: Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap
Kailan Sinulat: March 19, 2004

Nakakaawa ang mga katulad ni lola 'dun sa advertisement ni FPJ... ang sabi "iboboto ko kayo"...

Ang hindi malinaw ay kung papaano ipapanday ang bukas, gayong ang propagada ay ganito... mahirap kontra mayaman". Ito ay labis na makakaapekto sa ating ekonomiya.

Dahil hindi naman lahat ng tao ay may access sa Internet, inaaanyayahan ko ang mga naliwanagan na, na ibahagi ang kanilang nadiskubre sa maraming tao na wala namang access sa Internet. Malaman nila na ginagamit lamang ang mga maralita tuwing eleksyon. At nakakalungkot, marami ang naaabuso.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re:FPJ's Candidac: A Symbol of Personality-Based Politics
Kailan Sinulat: March 19, 2004

(Ito ang isinulat ng isang forumer: "FPJ is a symbol of equality... A symbol of real Democracy...")

Equality? Pinatatawa mo ang marami! Si FPJ ay ginagamit lamang ng mga TraPo sa KNP para magamit ang isang propaganda na bumubulag sa mga maralita. Ang mahihirap kontra mayayaman. Nasaan dito ang equality na sinasabi mo?

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Sino ba si FPJ sa Mata ng Dukha?
Kailan Sinulat: March 19, 2004

(Ito ang isinulat ng isang forumer: "Sino ba si FPJ? May karapatan ba siyang maging pangulo? Artista lamang yan? Isang bobo? Ayan marahil ang kataga ng mga elitistang utak talangka... Ngunit sino ba si FPJ sa mata ng dukha? Si FPJ ay simbolo ng kahirapan. Isang taong inanalipusta dahil di nakapag aral. Isang taong pinipilit tanggalan ng karapatan ng mga elitista at matatalino kuno.. Siya ang simbolo ng pagkakapantay pantay ng mayaman sa mahirap, edukado at hindi, bobo at matalino amy kaya at wala. Ang simbolo ng tunay na demokrasya.. Kung ating mapapansin ang mga nakaupo sino sino ang nangunguna sa atin. Mga elitista, mga mayayaman, mga matatalino. Paano na ang mga simpleng tao na mahigit sa 90% ng populasyon ng Pilipinas. Walang boses. Si FPJ mga kababayan ang boses ng mahihirap, palakol na maghahati sa pader ng mayaman at mahirap.. Ang tulay na magtatawid sa bawat isa ano man ang kalagayan. Ang simbolo ng muling pagbangon ni Gat Jose Rizal.. Hahayaan ba natin na ang lumang sistemang ang elitista ang maghahariharian? Si Panday ang gunting na puputol sa ganyang tradisyon... Iboto si FPJ...")

Iyan mimso ang propaganda na ginagamit ng mga TraPo sa KNP... at ginagamit rin si FPJ para dito. Patuloy na nabubulagan ang maraming maralita sa kontrobersiya na ipinapalaganap para lamang makakuha ng simpatiya ng mahihirap at makarami ng boto.

Ako ay nakapagsasabi ng ganito sapagkat ako ay nakahanay kasama ng mga maralita. Ikaw ba ay natira sa Payatas? Ako ay oo. Hanggang ngayon mayroon pa rin akong mga kapatid na nakatira doon. Lahat ng maralita ay may pagkakataong makaangat sa buhay. Iyan ay kung mabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng mabuti at disenteng trabaho. Hindi makatutulong ang propandang ipinapalaganap ng kampo ni FPJ, ang KNP, sa pagkakaroon ng maraming trabaho. Bagkus, ito ay magdudulot ng kawalan ng maraming trabaho.

Gumising na kayo! Si FPJ ay mabuting tao... ngunit ang mga nakapaligid sa kanya ay patuloy siyang gagamitin para mapunta sa mga kamay nila ang kapangyarihan. Pagkatapos ay ano?

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Primer: Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap
Kailan Sinulat: March 19, 2004

(Patungkol sa sinulat kong article, ang 'Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap', Ito naman ang unang itinugon ng isang forumer: "Hinahangaan ko ang may akda nito dahil sa galing niyang sumulat ngunit hindi ang laman ng kanyang sinulat.. Ang mga pahayag niya ay puro paninira at walang katotohanan o duwag harapin ang kaatotohanan. Ang laban ngayon ay mayaman sa mahirap may kaya o wala, edukado o hindi yan ang katutuhanan. Kung ikaw ay di nakapag aral gusto mo pa bang magpasakop sa elitista? o kung ikaw naman ay nakapagtapos gusto mo bang magpasakop sa hindi nakapagtapos?...")

Bakit ngayon ka lang nakapagsulat? Hinihintay ko nga ang mga responses ninyo patungkol dito.

Paninirang ano? Ito ay pawang katotohanan. Ang mga maralita ay nagagamit tuwing eleksyon. Pagkatapos ay ano?

Sinabi mo, "Ang laban ngayon ay mayaman sa mahirap may kaya o wala, edukado o hindi yan ang katutuhanan." Ano naman ang kalagayan ng mga bansa na ganito ang ginawa? Silipin mo ang mga ilang bansa sa timog Amerika. Sila ang mahilig sa mga soap opera na mga Cinderella story hindi ba? Ang kilitiin ang damdamin ng mga maralita?

Bad news para sa ganitong propaganda... hindi lahat ng mahihirap ay hindi nag-iisip o makakapag-isip ng tama. Maaaring kulang lang sa pagpapaliwanag, ginagamit pa ng mga TraPo sa KNP.

Mabuting tao si FPJ, makikita rin niya ang katotohanan sa likod ng mga taong ito.

Ang kailangan ng Pilipinas ay maraming trabaho para sa mga manggagawa at kabuhayan para sa iba. Ano ang plataporma ni FPJ patungkol dito? Saan siya kukuha ng pondo? Ano ang stand niya sa foreign investment? Ito ang dapat na pinag-uusapan.

Hindi mapapasubalian na mayroong relasyong pang-ekonomiks ang mga may kayang mamuhunan o mayaman (indibidual, kumpanya, grupo o bansa) sa mga maralita. Sino ang magbibigay ng trabaho? Sino ang magbibigay ng puhunan? Saan naman kukuha ng trabaho at saan kukuha ng puhunan para maiwasan ang malawakang pagbagsak ng ekonomiya dahil sa kawalan nito? Kung gayon... ang kontrobersiya sa pagitan ng mayayaman at mahihirap ay isang propaganda. Isang hindi kanais-nais na propaganda.

Ako ay nakahanay sa mga maralita... ako ay nasa posisyong makapagsalita ng ganito.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Primer: Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap
Kailan Sinulat: March 19, 2004

Ito ang isinulat ng isang forumer: "Kaibigan, hindi ko kailangan matira sa payatas upang malaman ang kalagayan ng mahihirap.. Yan ang nangyayari ang mga panlalait ng mayayaman sa mahihirap.. Ang akala ng maraming mayayaman sa dukha ay basaha na itatapon lamang sa tabi.. Yan ang katotohanan ang laban ng elitista sa dukha.. Dito na lamang sa forum na ito ay niyuyurak ang pagkatao ng makaFPJ sa totoong buhay pa kaya.. Magisip ka kaibigan kung sinasabi mong dukha ka wag kang magpaapak sa elitista..")

Mali... ang mga dukha ay nangangailangan ng trabaho o pagkakakitaan. Marami na nga ang hindi nakatiis 'di ba? Pumupunta sa ibayong dagat para magtrabaho sa mga mayayaman na bansa. Kung may pagkakataon lang siguro at kayang tustusan ang placement fee, napakaraming maralita na ang pumunta sa ibang bansa.

Tama ka, ang mga maralita ay hindi dapat nagpapaapak kanino man sapagkat tayo ay may dignidad. Kaya tayo may labor code ay upang maiwasan ang ganitong scenario. Ito ay sapat na kung naipapatupad ng tama.

Ngunit hindi rin tayo dapat magpasakop sa mga nagpapalaganap ng maling propaganda na ang tanging layunin ay maantig ang damdamin ng maraming dukha, mahirap o maralita. Ang kontrobersiya ng mahihirap kontra mayayaman ay isa lamang propaganda na ang tanging layunin ngayong eleksyon... magparami ng boto.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Primer: Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap
Kailan Sinulat: March 20, 2004

(Ito ang isinulat ng isang forumer: "Kaibigan, nasa posisyon ka pala ng maralita. Bakit di mo unawain ang hinain ng maralita? Ayaw nilang magpaapak sa elitista.. Ikaw na nagsabing mabuting tao si FPJ, sa palagay mo ba ay matitiis niyang pinahihirapan ng mga nasa likuran niya ang maralitang ito?... Kaibigan ilang pulitiko na ang nagdaan? Puro pangako.. May natupad ba? Ako mismo ay naiinis sa pagiging hipokrito ng ibang kandidato lalong lalo na si senator roco na ipinakikita niya na galing siya sa hirap at mahal niya ang maralita... Gusto mo ba sa Pulitiko? Alam kong hindi ko na mababago ang pasiya mo ngunit alam ko rin na kahit katiting ay may humihiyaw sa iyong puso na isang hiyaw ng maralita. Pakinggan mo yun.. Wag kang maniwala sa platapormang hindi matutupad.. Maniwala ka sa tinitibok ng iyong puso.. Isipin mo ang pangaapi ng elitista sa maralita..)

Ang tunay na magiging hinaing ng mga maralita ay umangat ang kanilang antas ng pamumuhay. Papaano gagawin ng FPJ at ng KNP iyan kung ang propaganda nila mismo ang magdudulot ng kawalan ng trabaho?

Tama ka ilang pulitiko na ang nagdaan. Ngayon, dalawa lamang sa mga kandidato ang hindi taal na pulitiko. Isa sa kanila, si Eddie Villanueva, walang kahit na sinong pulitiko ang nasa likod. Ang isa hindi nga pulitiko sangkatutak naman ang nasa likod na TraPo. Si Villanueva ay palaging naroroon, nagbibigay ng paliwanag para sa ikabubukas ng isipan ng mga mamamayan sa bawat isyu ng bansa. Hindi ko pa naririnig si FPJ na magsalita patungkol sa anong mga programa ang ipatutupad.

Ngayong eleksyon... damdamin ang pinag-iigting. Pagkatapos ng eleksyon, ano?

Ilan ang mga mayayaman sa KNP? Ito ang mga tao na nagbabalatkayo at patuloy na isinusulong ang propaganda na mahirap kontra mayaman. Isang malaking kahangalan! Ang tanging habol ng KNP ay boto ng mga maaari nilang maloko na mga maralita.

Ang humihiyaw sa aking puso ay ang patuloy na paggamit sa mga maralita at ipalabas na kawawa naman sila at inaapak-apakan ng mga mayayayan... para makakuha ng boto. Ang naghuhumiyaw sa aking puso ay ang pangangailangang magkaroon ng mas maraming trabaho at hanapbuhay ang mga mamamayan lalo na ang masa. Hindi iyan makakamit kung ang propagandang mahihirap kontra mayayaman ang siyang ipinapairal, bagkos, iyan ang magiging sanhi ng higit pang pagdarahop dahil sa kawalan ng trabaho.

Kung ikaw ay may kaya namang bumili ng magagandang bagay... ano ang pipiliin mong gamitin? Mga gunit-gunit na damit? Kung ikaw ay mayaman ano ang mga gagamitin mo? Kung ikaw ay maralitang walang trabaho ngayon at naghihikahos, ano ang marahil ang ginagamit mo? Kung ikaw naman ay maralitang may trabaho at unti-unting gumaganda ang buhay, ano na ang mga gamit na gagamitin mo, yun pa rin bang mga gula-gulanit? Hindi na 'di ba? Higit na kailangan ang magkaroon ng maraming trabaho at pagkakakitaan... hindi ang mawalan nito.

Samakatuwid, ang mga bagay na tinatamasa ng mga mayayaman ay dulot ng kanilang pagiging mayaman. Iyan ang gusto nating mangyari sa lahat ng Filipino... ang yumaman, hindi ang magkaroon ng sama ng loob sa mga mayayaman sapagkat papaano pa sila magkakaroon ng pagkakataon na yumaman din kung kinamumuhian nila ang pagiging mayaman?

Ang dapat isipin ay kung papaano umangat ang kabuhayan at posible ring yumaman. Hindi ang magtanim ng hinanakit sa mga mayayaman katulad ng gustong mangyari ng KNP para makakuha ng simpatiya at ng boto.

Ikaw gusto mo bang yumaman o patuloy na masadlak sa kahirapan? Meron ka bang ambisyon sa buhay? Kaya ang nagpapalaganap ng propaganda na mahihirap laban sa mayayaman ay hindi tapat. Sila ay nagpapasilakbo ng damdamin na wala namang sapat na basehan.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re:FPJ's Candidac: A Symbol of Personality-Based Politics
Kailan Sinulat: March 20, 2004

Bakit damdamin ang pinaiigting ninyo sa inyong propaganda... para ba tulungan ang mga naghihikahos at mga dukha o para makakuha ng maraming boto?

Ano ang mga programa na makakapagpatibay ng trabaho at makakapagpalakas ng mga ikabubuhay ng mga mamamayan higit dito ang masa? Ito ang dapat malinaw. Ang kabaligtaran nito ay ang propaganda ng mahihirap kontra mayayaman na makapagdudulot ng pagkawala ng mga namumuhunan at mamumuhunan... malawakang kawalan ng trabaho... at malawakan at higit pang pagdarahop ng bansa. Ang dapat isulong ay ang kabuhayan. Nasaan ang tunay na simpatiya ng KNP sa masa sa pagsulong ng ganitong propaganda... mahihirap kontra mayayayan?

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Primer: Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap
Kailan Sinulat: March 20, 2004

Ang katotohanan para sa marami ay ang pagdarahop at kailangan ng trabaho na may magandang pasahod at kabuhayan naman para sa iba para makaahon sa kahirapan.

Alam ko ang nararamdaman ng mga maralita. Naranasan ko ang pagtatrabaho sa pataniman ng niyog. Naranasan ko ang mabilad sa araw sa pag-aani ng palay. Naranasan ko ang halos walang makain araw-araw. Naranasan ko na ang kakarampot na bigas na kayang bilhin ay haluan ng hiniwa-hiwang hilaw na saging para dumami at magkasya. At ang ulam ay kahit anong mapipitas na lamang sa paligid dahil wala kahit isang kusing na pera pambili sa palengke.

Hindi magpapatuloy ang nararanasang kahirapan kung mayroong trabaho na may magandang pasahod ang mga manggagawa o mayroong mga maliliit na mga negosyo na ikabubuhay ng ating mga kababayan. Ito ang dapat palakasin sa bawat sulok ng Pilipinas.

Huwag nating hayaan na magkaroon ng malawakang epekto sa ekonomiya ng ating bansa na sanhi ng propagandang ipinapalaganap ng mga makasariling mga TraPo na gumagamit kay FPJ. Isang extreme na scenario ay ganito: Ano ang mangyayarari kung sakaling wala ng mayayaman sa Pilipinas? Ang sagot, lahat ng Pilipino ay maghihirap at ang mga mahihirap ay lalong maghihirap maliban sa mga taong may posisyon sa gobiyerno. Bakit? Kung walang mamumuhunan sino ang magbibigay ng trabaho? Kung walang trabaho, walang sahod. Kung walang sahod, walang pagkain sa hapag-kainan at kung ano-ano pa.

Huwag nating hayaan na lalo pang lumawak ang kawalan ng trabaho sa bansa. Huwag nating hayaan na patuloy na lokohin ang mga maralita. Huwag nating hayaan na magpatuloy ang ganitong panggagamit, panlilinlang at pagpapababa ng antas ng mga mahihirap dahil sa maling propaganda na ipinapalaganap na ang mga namumuhunan ang sanhi ng ating kahirapan.

Kung walang namumuhunan, walang kabuhayan. Iyan ang laging dapat tandaan ng bawat mamamayan lalo na ng mga katulad nating mga mahihirap. Huwag magpaloko. Alamin kung ano ang gagawin ng kandidato kapag nahalal. Hindi pupuwedeng pwede na, basta't sikat at iniidolo... papaano na ang kinabukasan, bahala na?

Saan Isinulat: Election2004.PH, General Discussion, Suggestions
Paksa: Re: Ano kaya kung...
Kailan Sinulat: March 20, 2004

(Sabi ng isang forumer, "...Ano kaya kung magpasakop na lang tayo sa mga bansang mayayaman tulad ng Hapon at Amerika?")

Ang mga bansang mayayaman ay nangangailangan din ng puhunan para maitaas ang antas ng pamumuhay ng kanilang mga mamamayan. Si Prime Minister Koizumi ng Japan ay may isang commercial advertisement na nang-eenganyo ng dahuhan na mga investors na pumunta sa bansa nila.

Ang kailangan ng Pilipinas ay isang pamahalaan na pagtitibayin at pararamihin ang patrabaho at kabuhayan sa bansa na palalakasin ng mga namumuhunan.

Huwag iboto ang kandidato ng partido na ang isinusulong ay ang propaganda na ang mahihirap ay kontra mayayaman... sapagkat iyan ang magdudulot ng higit na pagbagsak ng ating ekonomiya.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Primer: Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap
Kailan Sinulat: March 21, 2004

Nagmula ako sa antas ng mga maralita. Ngunit ako ay nag-iisip para sa kinabukasan ng aking mga anak. Nakikita ko na kapag nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng trabaho kasama ng sipag at pagtitiyaga, may pag-asa rin na umasenso ang bawat Filipino.

Mayroon na bang konkreto na sinabi ang KNP patungkol sa gagawin nila sa pagpaparami ng trabaho at pagpapalago ng kabuhayan sa bawat sulok ng Pilipinas? Tanungin ninyo ngayon... huwag pagkatapos ng eleksyon. Hindi na ninyo mababawi ang boto ninyo pagkatapos. Hindi na ninyo mababawi ang mawawala para sa inyo at sa inyong mga anak.

Tingnan ang plataporma ng kandidato at kung meron mang plataporma, gaano ito ka-sincere na ipatupad ang mga nakasaad dito lalo na't hindi naman siya ang gumawa o may akda ng mga programang nakasaad dito.Meron bang conflict o pagkakaiba ang mga ito sa propagandang isinusulong ng kandidato at ng kanyang mga ka-partido?

Mag-isip mabuti... sa plataporma masasalamin hindi lang ang kinabukasan natin, kung hindi pati na rin ng ating mga anak at anak ng ating mga anak. Obligasyon ng bawat kandidato na ihayag at ipaliwanag sa taong-bayan kung ano ang kanilang gagawin pagkatapos ng eleksyon kung sakaling mahalal. Hindi biro ang maging pangulo o maging isang opisyal ng pamahalaan. Napakalaking obligasyon ang nasa balikat ng mga ito.

Bakit kayo paloloko at magpaparami ng boto ng grupo o tao na hindi mapapanindigan ang kanilang propaganda na ang mayayaman o elitista ang kalaban ng mga dukha o maralita? Tandaan ninyo ito... pagkatapos ng eleksyon, ang mga mayayaman na ito ang siya ring lalapitan ng kahit na sinong magpapatakbo ng pamahalaan para mabawasan ang papataas porsiyento ng kakulangan sa trabaho.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Primer: Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap
Kailan Sinulat: March 21, 2004

(Quote from Wile-E: "Very good points, yulz. Very logical.")

Salamat Wile-E.

Mabuhay ang mga nag-iisip ng tama para sa bayan at sa ikatataas ng kabuhayan ng bawat Filipino! Mabuhay din ang hindi nalilinlang ng maling propaganda na ipinapalaganap na pinagbabangga ang mahihirap laban sa mga may kaya sa buhay upang makakuhan lamang ng mga boto!

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Sino ba si FPJ sa Mata ng Dukha?
Kailan Sinulat: March 21, 2004

(Quote from ncel: "...Ang gobyernong pagkapantapantay ay matatagpuan lamang sa Sosyalismo o komunismong pamahalaan at hindi sa tunay na demokrasya (sa katotohanan ay hindi rin pagkapantay pantay ).. Dahil sa tunay na demokrasya lahat may pagkakataong umangat.. Lahat din naman pag hindi pinagbuti ay may pagkakataong bumagsak.. Ganon ang tunay na demokrasya.. May challenge.. Hindi lamang hihilata ka ay pakakainin ka.. kundi kailangan mong magtrabaho para mabuhay ka.")

Tama ka ncel. Ang mga maralita ay kailangan ding magsikap. Ang pagiging mayaman at mahirap ay isang indibidual o pangpamilyang layunin higit sa layunin ng pamahalaan na iangat ang antas ng pamumuhay. Hindi puwedeng dole-out na lang. Kailangan magbanat ng buto o pakilusin ang utak at katawan upang kumita sa tamang pamamaraan.

Ang trabaho ng gobiyerno ay upang bigyan ng magandang pagkakataon ang bawat Filipino higit ang mga maralita... hindi para maging tagapagbigay ng ilang kilong bigas, lata ng sardinas, at ilang supot ng instant pansit. Ano ang turo sa atin sa elementarya? "Bigyan mo ng isda ang isang tao at siya ay kakain sa isang araw. Bigyan mo siya ng magagamit sa pangingisda at siya ay kakain araw-araw." Samakatuwid ang kailangan ng mga tao, higit ang mga dukha, ay trabaho.

Ang bansang Hapon, katulad ng sinabi ko, ay nangangailangan ng karagdagang puhunan mula sa mga dayuhan na mayayaman. Sa Pilipinas, ano ang ginagawa ng KNP? Pinag-iigting ang emosyon na mula sa maling propaganda laban sa mga mayayaman. Ano sa palagay ninyo ang gagawin ng mga namumuhunan o mamumuhunan?

Sino ba si FPJ sa mga mata ng dukha? Depende kung sinong dukha ang tatanungin mo. Ang nag-iisip o ang hindi nakapag-isip? Ang tumitingin sa kinabukasan o ang sapat na ang maboto ang iniidolo at bahala na ang bukas? Ang naghahanap ng trabaho o ikabubuhay o ang umaasa lamang sa grasya na inaakala nilang isusubo lang sa kanila na katulad ni Juan Tamad?

Sino ngayon sa mga dukhang ito ang gustong makuha ng KNP ang boto?

Isang taxi driver ang nakausap ko, ang sabi hindi niya bobotohin si FPJ. Bakit sa palagay ninyo? Simple lang... siya ay dukha ngunit siya ay masipag at nag-iisip.

Malinaw pa sa sikat ng araw na ang propaganda ng KNP ay panlilinlang sa mga maralita na hindi nakapag-iisip kung ano ang tama batay sa mga tunay na isyu sa ating bansa. Ang masakit... patuloy silang ginagamit at binubulag para lamang makakuha ng boto ang KNP.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Sino ba si FPJ sa Mata ng Dukha?
Kailan Sinulat: March 21, 2004

(Nabanggit ng isang forumer (ncel) ang patungkol sa salitang komunista...)

... ang mga bansang komunista katulad ng Tsina at ang dating USSR na nabuwag na, katulad ng binaggit ko sa isang topic, ngayon ay mga bansang kapitalista na sa makabagong lipunan. Ibig sabihin kailangan ng bawat bansa ang mayayaman sa pamumuhunan. Kung hindi higit na magdarahop ang paparami na paparami nilang populasyon. Walang mayaman, walang mahirap? Ang mangyayari... lahat mahirap at wala nang pagkakataon na makaalis sa kahirapan!

Sa pananalita pa lamang... sino ang may propagandang komunista o maka-kaliwa base sa ating talakayan, ang kampo ni FPJ o si Villanueva? Malinaw na hindi si Villanueva. Si FPJ sampu ng kanyang kapartido? Kayo ang humusga.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Sino ba si FPJ sa Mata ng Dukha?
Kailan Sinulat: March 21, 2004

(Ito ang isinulat ng isang forumer: "Ang akala ng maraming mayayaman sa dukha ay basahan na itatapon lamang sa tabi.. Yan ang katotohanan ang laban ng elitista sa dukha...")

Oo nga rin pala... ni minsan ay hindi ko inisip na ako ay isang basahan sa context ng sinasabi mo.

Ano nga bang klaseng kahirapan ang naranasan mo at nakakapagsalita ka ng parang isang tunay na maralita? Katulad ka rin ba ng mga mayayaman sa KNP na nagbabalatkayo o sumusunod lamang sa isang script?

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: FPJ's Candidacy: A Symbol of Personality-Based Politics
Kailan Sinulat: March 21, 2004

(quote from Yentao (Filled._Mico_.Freed ): "...The poor have a voice. They should just know how to use it. Being taken advantage of is a state of mind...walang mauuto kung walang magpapauto. Problem is, the masses want to be manipulated by empty words and promises...and these such manipulations come for Da King himself. ...The problem with the poor is that they look at short-term gains, not long-term. You can't equate a week's worth of rice to a lifetime of poverty. the only way we can erase the mindset of personality-based politics is by not electing a personality. ...True unification and democracy can only be achieved when decisions are based on political agenda, not by popularity. ...Unification must involve all people, not just the poor. If you want to topple the educated, nothing will be gained, but much will be lost, we shall not be living in a democracy but in anarchy. Poverty is a state of mind. The only reason they feel oppressed is because they choose to feel oppressed.")

I 100% agree on the quoted statements above (see exception below). "The problem with the poor..." phrase should however be viewed not as a generalization in contrast to the generalized poor in "The poor have a voice."

Alam mo naman ang iba diyan... babaluktutin at babaluktutin ang kahit isang bagay na sinabi mo sa pamamagitan ng wala sa context na hirit.

Note: Exception is that poverty is not just a state of mind, based on my experience... but a reality caused by several variables. Yet, I agree on the statement regarding oppression.

In my opinion, the rest are very nice statements that should never be taken out of context.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Sino ba si FPJ sa Mata ng Dukha?
Kailan Sinulat: March 21, 2004

I lived 10 years of my life in Mindanao. It may be true that FPJ is a hit in movie houses. But those are movie houses. Ako ay naniniwala na napakarami ang magagaling at nag-iisip na mga taga-Mindanao.

Alam nila na ang pinag-uusapan dito ay hindi lang buhay nila. Buhay din ng kanilang mga anak at anak ng mga anak nila ang nakataya dito. Hindi puwedeng patumpik-tumpik lang ng desisyon.

Sino lamang ang malilinlang ng mga mayayaman ring namang mga taga-KNP sa kanilang propagandang mahihirap laban sa mayayaman? Dalawa lamang ang mga ito... ang mga taong hindi nagkaroon ng pagkakataon na mapaliwanagan at ang mga taong nagpapakalunod sa kamangmangan. Ating tatandaan... wala sa iisang tuntungan ang kamangmangan at kahirapan.

We have to double time and reach more to the common people. They lack information. They need information. It is our responsibility to inform them in a language that can be understood by the man on the street.

Dito kailangang lumabas ang mga babasahing mayaman sa retorika na kailangan namang makarating sa masa, lalo na at yun namang walang access sa mga forum na naririto sa Internet. Ito ay tunay na makakatulong upang mailayo natin ang mga kababayan nating kulang ang kaalaman sa tiyak na kapahamakan na dulot ng mga mapanlinlang na propaganda ng KNP.

I may not be updated, but 90% of Mindanao is non-moslem. For those 10% moslems, what is nice to hear is that there are Moslems who have expressed their support to Villanueva, who is known to deliver a concrete and well-thought platform of government instead on banking on the popularity of a known showbiz personality infamous for his ineptitude. Ito ang mga taong nag-iisip... mabuhay kayo!

Alam ninyo hindi lang talagang mahilig ang marami na magpatunog ng trumpeta. You will be overwhelmed how vast are the supporters Villanueva, not just in Luzon, but in Visayas and Mindanao as well from the Christian communities. Let us strive to reach even our indigenous people.

Ipagpatuloy natin ang malawakang pagbibigay at paghahatid ng impormasyon sa ating mga kababayan. Sapagkat ang kawalan ng tamang impormasyon ang siyang naglalagay ng katarata sa mata ng tao na magiging sanhi ng maling desisyon.

Marami na ang mga nakapag-isip at nagdesisyon para sa katuwiran. Marami na ang nagising. Marami na ang kasama sa pagbangon ng Pilipinas. At sa ating pagpapagal, marami pa ang maliliwanagan at magbabago ng pasya mula sa premature na desisyon na binulag ng maling propaganda ng mga mayayaman rin namang mga taga-KNP patungo sa isang wastong desisyon na binuo ng tamang kaalaman.

Babangon ang Pilipinas... iyan ang sigaw ng marami. Iyan din ang aking isinisigaw!!!

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Sino ba si FPJ sa Mata ng Dukha?
Kailan Sinulat: March 22, 2004

(Sagot sa isang forumer na patuloy na gumigiit na ang kalaban ng mga dukha ay ang mga mayayaman...)

Para bagang alam na alam mo ang kahulugan ng salitang "diskriminasyon". Ang kahulugan ng diskriminasyon ay ang hindi makatuwiran na trato sa isang tao o grupo na binase sa prejudice.

Ito ang kahulagan ng "discrimination" base kay Webster: The act of discriminating, distinguishing, or noting and making differences.

Ito naman ang ibinigay na kahulugan ni Webster sa salitang "prejudice": An opinion or judgement formed without due examination; prejudgement; a leaning toward one side of a question from other considerations than those belonging to it; an unreasonable predilection for, or objection against, anything; especially, an opinion or leaning adverse to anything, without just grounds, or before sufficient knowledge.

Sino ang nagbibigay ng diskriminasyon sa ating dalawa? Malinaw na ikaw. Ang diskriminasyon mo ay ang maling pagpapahayag na ang mayayaman ang kalaban at salot sa lipunan. Ako ay nagpapahayag ng may katuwiran; ikaw ay nagbibigay ng diskriminasyon sa iyong pahayag. Sino ang may katuwiran, sino ang nagsasabi ng walang laman at puro pagpapaalsa lamang ng damdamin sa isang hindi makatuwirang pahayag?

In much the same way a person who has never bore a child could not possibly feel the birth pains, there is no way that you can possibly know how the poor feels because you have never been poor. Sa wikang Filipino, ang taong hindi nakaranas manganak kailanman ay hindi mararamdaman ang mga sakit na naramdaman ng isang nanganak. Walang pagkakataon na maaari mong maramdaman ang nararamdaman ng isang mahirap sapagkat kailanman ay hindi ka naging ganito.

Ang kailangan ay trabaho at hanap-buhay. Hindi makakatulong ang propagandang inyong ipinapalaganap... mahihirap laban sa mayayaman, mangmang laban sa mga nakatapos ng karera. Iyan ang napakalinaw. Sobrang linaw, ay ayaw mong titigan at patuloy kang nabubulagan.

Huwag mong linlangin ang sarili mo at lalo na na huwag mong idamay ang mga kababayan nating nagdarahop sa ganyang panlilinlang at pagbabalatkayo. Katulad ng sinabi ko, ang kahirapan at kamangmangan ay wala sa iisang tuntungan. Maaring mahirap ang isang tao ngunit hindi mangmang, maaari ring mayaman ka ngunit mangmang. Ang kamangmangan ay pang-indibidual na katayuan, hindi panglahatan.

Mawalang-galang na lamang po, ngunit dapat sigurong basahin mong mabuti at pagbulay-bulayan ang kahulugan ng discrimination at prejudice. Baka sakaling magising ka sa mga sinasabi mo. Sa talakayan, wala kang naiprisintang konkretong batayan sa iyong mga paratang.

Bagkus, malinaw na ipinahayag ko na katulad ng ibang bansa, ang mga namumuhunan o mamuhuhunan, ay kailangang-kailangan ng ating bansa upang makatulong na tumaas ang ating ekonomiya. Maiiwasan ang malawakang kawalan ng trabaho kung tayo ay nag-desisyon o magdedesisyon ng wasto. Kailangan natin nito. Sino ang magbibigay ng ganitong patrabaho, ang mga mahihirap din? Sino ang mas higit na maaapektuhan... ang mga dukha hindi ba? Oo nga pala, hindi ka naman maaapektuhan sapagkat hindi ka maralita katulad ng nakararami. Huwag kang magpatawa sa isang seryosong talakayin.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Sino ba si FPJ sa Mata ng Dukha?
Kailan Sinulat: March 23, 2004

ELEKSYON na naman! - Mga Naging Simbulo ng Kahirapan

Kilananin ang nga naging simbulo ng kahirapan sa nakaraan at kasalukuyang administrasyon ng ating pamahalaan.

SI MANG PANDOY

Siya ang naging sentro ng debate ng mga presidentiables sa paksa sa kahirapan noong halalan 1992.

Sa ilalim ng admininistrasyon ni Ramos, si Mang Pandoy raw ang naging simbulo ng kahirapan. Siya noon ay isang masipag na tindero. Binigyan ng kung ano-anong "dole-out" ng pamahalaan katulad ng mga baboy na aalagaan, pagiging iskolar ng mga anak sa pag-aaral, atbp. Nagkaroon ng sariling TV Show at naging "adviser" sa kongreso.

Ngayon, dahil sa pagpapabaya ay lubos na nagsisisi. Naibenta na ang tirahan, ang mga baboy, at walang nakapagtapos sa mga anak sapagkat nagsipag-asawa raw ng maaga. Ngayon, nakatira sa isang squatter's area sa Fairview, umaasa na lamang sa labanderang asawa. May hika raw siya kaya hindi na nagtatrabaho. Walang pera. Wala ng kuryente sa bahay. Naranasan nang hindi kumain sa buong araw.

Siya ay sikat pa rin daw hanggang ngayon kahit na ganoon ang kanyang sinapit. May mga pulitiko pa ring lumalapit para magamit ulit ngayong eleksyon.

SI JOSEPHINE

Siya ang simbulo ng kahirapan noong panahon ni Erap. Siya ay taga-Payatas na ngayon ay nasa Erap City sa Rizal na nakatira. Sa salaysay ng Pipol sa ABS-CBN, siya ay larawan ng kabiguan. Sinabing pinangakuan ng isang senador na pag-aaralin ngunit uniporme at gamit lamang sa paaralan ang ibinigay. Nabigyan siya ng isang nagmagandang-loob na isang banyaga (Aleman) ng PhP76,000.00 ngunit ubos na raw ito.

Huminto siya pag-aaral unang semester ng unang taon pa lamang sa kolehiyo. Ngayon ay mayroon nang isang anak, tumutulong-tulong at nagtu-tutor upang magkaroon ng pagkakakitaan.

SINA JOMER, JASON, ERWIN

Sa panahon ni Arroyo ang tatlong batang ito na mula sa Payatas ang naging simbulo ng kahirapan. Nakilala sila sa kanilang mga banka na gawa sa papel na naglalaman ng kanilang mga hiling na ipinaanod sa ilog ng Pasig sa pagnanais na ito ay makarating ng Malacañang.

Sila ay pinangakuan na paaaralin at pagtatapusin sa pag-aaral at magkaroon ng kabuhayan. Tinutupad naman daw ng pamahalaan ang pangako ngunit nangangamba ang mga magulang ngayon kung matutuloy pa rin ang kanilang pagiging iskolar halimbawang hindi na manalo si Arroyo.

Si Jomer ay tumira na sa Kasiglahan Villange sa Montalban, samantalang si Jason at Erwin ay nasa Payatas pa rin hanggang ngayon. Hindi daw naibigay ang ipinangakong lupa para sa kanila.

Si Mang Pandoy, Josephine, ang mga batang sina Jomer, Jason at Erwin ay iilan lamang sa kung ilang milyong nagdarahop na mamamayan.

Ano ang maaari nating matutunan mula sa kanila?

Sabi ng mga political analysts marami ang naghihintay na lamang ng biyaya mula sa gobiyerno, kung kaya naman kung ano-anong pangako ang binibitiwan ng ilang mga kandidato na nakatuon sa "instant" na solusyon sa kahirapan, hindi naman maibibigay pagkatapos ng halalan. Halimbawa namang maibigay ito sa ilan, ito ay nawawala rin pagkatapos ng ilang panahon marahil sanhi ng hindi naman nila ito pinagpaguran upang makamtan.

Ano ang higit na kailangan ng mga maralita? Ilan sa mga suhestiyon ay ganito:

1) Pagpapababa ng corruption sa pamamagitan ng pagpapataas ng antas ng moralidad sa bawat sangay ng pamahalaan at pribadong sektor na higit na makakatulong sa pagpapataas ng ekonomiya upang magkaroon ng mas higit pang pondo para sa pagtulong sa mga maralita.

2) Sapat na kaalaman ng bawat Filipino na hinango mula sa pormal o impormal na edukasyon upang mapangalagaang mabuti ang kanilang trabaho o hanapbuhay ng hindi ito mawala sa kanilang mga kamay na magiging sanhi ng kanilang pagiging dependent na naman.

3) Pagbibigay hindi ng "dole-out" kung hindi a) pagkakataon na magkaroon ng trabahong marangal na may magandang pasahod b) hanapbuhay na mapapangalagaang mabuti upang hindi malugi o maubos ang ipinuhunan sa hindi kanais-nais na dahilan.

Ano ang mensahe ng kahirapan para sa iyo?

Pinaalalahanan tayo ng Pipol na hindi lang tayo sa gobiyerno dapat umasa at huwag tayong bumoto base sa popularidad o kasikatan ng isang kandidato.

Tama... kailangan nating pag-isipang mabuti ang ating isusulat sa balota. Ano ang gagawin ng kandidato mo kung siya ay mauupo sa posisyon? Ano sa pagiging mahirap natin ang pinag-uukulan ng panahon? Iyon bang pasisiklabin lamang ang iyong damdamin sa maling pamamaraan at sasabihing mahirap ka at ang iba ay mayaman kaya ikaw ay api? O, mayroong mga konkretong plataporma upang sagutin ang tunay at makatuwirang daing ng kahirapan? Ano ba ang mga ipinahayag na na polisiya o programa para suportahan ang mga makabuluhang layunin kung mayroon man?

Hindi lahat ng tao ay katulad nina Mang Pandoy, Josephine at ng tatlo pang kabataan mula sa Payatas... masuwerte (kaya?) at nagamit sa political propaganda. Ilan lamang ba sila sa iba't-ibang klase ng mahihirap? Ang magiging tanong lamang diyan, anong kategorya ng pagiging mahirap ang magbibigay ng boto sa isang kandidato na walang konkretong mga programa.

Mahalaga ang boto mo... huwag mong sayangin. Mayroon tayong matututunan sa mga naging simbulo ng kahirapan sa mga nagdaan at kasalukuyang administrasyon.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Primer: Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap
Kailan Sinulat: March 23, 2004

(Ito ang isinulat ng isa sa mga forumer: "Ang mga elitista ay dapat paalisin sa bansa at ibigay ang negosyo sa tunay na nagmamay ari... ang mamamayan. ...mga ilang araw mula ngayon ay tumingin ka sa mga poste lalo na sa Kalookan.. Makikita mo ang mga sinulat na panlalait kay FPJ at sa mga mahihirap.. Gusto kong mabasa nila iyon at lalong mag alab ang kanilang damdamin at tuluyang magkaisa laban sa salot ng bayan na mga elitista....")

Tila maka-komunista ang iyong mga tinuturan... nakakatakot para sa bayan. Hindi ba't binanggit ko na ang tungkol sa Tsina at ang dating USSR na mga bansang komunista? Ang mga ito ngayon ay bansang kapitalista na 'di ba? Kasi ubod na ang pagdarahop ng mamamayan nila sa ilalim ng ganitong sistema. tsk... tsk... tsk...

Yung mga sinulat ko ang i-paskel mo ha... buong-buo. Para naman maliwanagan naman ang ating mga kababayan sa maling propaganda na pinapalaganap mo sampu ng iyong mga kasama.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Primer: Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap
Kailan Sinulat: March 23, 2004

Uulitin ko, mayroon na bang konkreto na sinabi ang KNP patungkol sa gagawin nila sa pagpaparami ng trabaho at pagpapalago ng kabuhayan sa bawat sulok ng Pilipinas? Ano ang relasyon nito sa ipinapalaganap nilang propaganda na ang mahihirap ay dapat kontra sa mga mayayaman?

Mayroon akong alam na isang kumpanya may higit kumulang sa 500 ang empleyado. Nagsara ang kumpanya. Lahat sila walang trabaho. Ganito ang malawakang mangyayari kung mawawalan ng kumpyansa ang mga namumuhunan o mamumuhunan. tsk... tsk... tsk... Papaano na lang ang bayan?

Huwag pabubulag sa maling propaganda! Mag-isip mabuti... nakasalalay dito hindi lang ang buhay mo.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Primer: Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap
Kailan Sinulat: March 29, 2004

Huwag hayaang magkaroon ng malawakang kawalan ng trabaho! Huwag tumulad sa ginawa ng Argentina at nawalan ng kumpyansa ang mga namumuhunan... ayun lalong humirap ang bansa.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Primer: Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap
Kailan Sinulat: March 31, 2004

Baka kayo ang isa sa mga mawalan ng trabaho sa darating na taon pagkatapos ng eleksyon... mag-isip mabuti bago magsulat sa balota!

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Primer: Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap
Kailan Sinulat: March 31, 2004

("The poor feeding the rich and powerful." Ito ang sinulat ng isang forumer.)

...and the rich feeding the poor. That's what capitalism is all about in contrast to communism. Remember however that communist countries have left their ideals in favor of capital infusion... why? It's simple... they can no longer feed their ever increasing populace especially the poor.

It is a good thing however to always be vigilant to prevent abuse of power and wealth. Mabuhay ang mga Filipino na nagbabantay para sa kapakanan ng bayan. Ang mga mapang-abuso ay natatanggalan ng maskara!

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Primer: Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap
Kailan Sinulat: April 07, 2004

Trabahong de-kalidad? Ito ang nasa political advertisement ni FPJ... baka naman gustong ipaliwanag kung papaano magkakaroon nito. Ano ang programa? Papaano magkakaroon ng trabahong de-kalidad kung may hindi magandang tinging sa namumuhunan?

Ano ang Argentina scenario sabi ni Ping? Gusto ba nating ganito ang mangyari sa bansa natin? Buti na lang ang Argentina medyo bumubuti na ang ekonomiya. Tayo? Gusto rin ba nating suungin ang hirap na dinanas nila? Nararanasan na nga natin ngayon eh, 'di po ba? Gusto ba nating dagdagan?

Ano ang programa para magkaroon ng de-kalidad na trabaho kung wala o magkakaroon ng malaking kakulangan sa patrabaho?

Si Villanueva may magandang programa patungkol sa pagpapadami ng trabaho... ito nga ang isa sa mga programa niya na labis kong nagustuhan.

Ang iba rin sana ay huwag lang puro pa-pogi... kailangan may konkretong programa para huwag naman po tayong magulat pagkatapos ng halalan kung sino man ang manalo.

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Primer: Propaganda at Kontrobersiya sa Pagitan ng Mayayaman at Mahihirap
Kailan Sinulat: April 08, 2004

Ito( ang isinulat ng isang forumer: "Back to zero to riches.. Tandaan natin na pag ang tao nakaramdam ng hapdi ay kikilos ito upang wag ng maramdaman ang hapdi..")

Kabulaanan!

Ikaw ba ay nakaranas na ng hapdi at ganyan ka makaturan? Alam mo ba ang hirap ng mawalan ng trabaho? O may trabaho ka ba ngayon? Saan ka kumukuha ng itutustos mo sa iyong sarili at pagtulong sa pangangailangan ng pamilya mo?

Ano ang mangyayari kung tumaas pa ng husto ang rate ng unemployment?

Ito ay nangyari na sa mga bansa sa Timog Amerika... ipararanas mo rin ba sa mga Filipino? Ang Argentina matapos ang ilang taong paghihirap simula ng mawalan ng tiwala ang mga namumuhunan at ngayon ay papalusong na ay ano ang ginawa? Tuluyan bang nagmatigas at umahon mag-isa? Hindi! Kaya sila nakaahon sa pagkakalugmok ay unti-unting bumalik ang kumpyansa ng mga namumuhunan.

Back to zero to riches? Parang back to stone age to Silicon Valley, ano? Tunay na kapalaluan!

Papaano kakain ang mga nagdarahop kung walang trabaho? Papaano mawawala ang hapdi ng nararamdaman lalo na ng kumakalam na sikmura kung walang mapapagkunan ng ipangbibili?

Bakit kailangan ng mamumuhunan? Hindi lang dahil kailangan ng maraming tao ang trabaho; kailangan din nating nga mga makakapagpababa ng cost of production at teknolohiyang galing sa mga dayuhan. Tandaan mo ito, ang bansa na isolated ay bansang nagdarahop. Ito ang dahilan kung bakit ang iron curtain ng mga bansang komunista ay nabubuwag.

Silang mga bansang sarado sa capitalism ay nagdarahop at minsan ugat pa ng terorismo at pag-aaklas na sanhi ng maraming digmaan. Bakit? May mga bansang ganito na alam na alam natin na nagbebenta ng armas at nangba-blackmail ng iba pang mga bansa para may aid lang na dumating sa kanilang bansa.

Ang mga ganitong halimbawa ba ang gusto mong mangyari sa Pilipinas? Ikaw na makakaliwa? Ganito rin ba ang panununtunan ni FPJ katulad ng sa iyo?

Asahan mong lalo pang mababawasan ang mga boto niya. Sapagkat maraming marami pa ang magigising at babangon sa isang tunay na umaga na minsang pinadilim ng maling propaganda na mula sa mga katulad mo!

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Ang utak ni FPJ
Kailan Sinulat: April 08, 2004

Ito ang sagot ko sa isinulat ng isang forumer:

Mabuti ka pa naka-PDA kadalasan pang may-kaya sa buhay 'yan... Ibenta mo kaya at ipamigay sa mga maralita bilang isa sa mga instant na soluyson ng pamumudmod. Unahin mo si Mang Pandoy, kasi ayun ayaw ng magtrabaho... naging ala-Juan Tamad.

Siyempre pa one is to one ang ratio ng PDA 'di tulad ng kompyuter one is to many puwede saka kahit lumang clone puwede pa rin... Yung PDA mo ba may Blue Tooth o kaya may WLAN card at ina-access mo LAN diyan sa kung saan ka man nandodoon o 'di kaya phone jack para sa dial-up modem. Mahal kasi 'di ba kung sasabihin mong through mobile Internet Services. Sabihin mo nga kung ano model para naman lalong nakakabilib, 'di ba?

Ang "galing" ng memorya mo ano... "tila" kabisadong-kabisado mo nga eh. May lesson plan ka bang ginawa para dito? May mga guro kasi akong kilala pinagpupuyatan ang mga lesson plan nila... samatalang ikaw... ang galing! Siguro dahil nakapag-ME ka.

Ako pag mga detalye na na katulad ng mga ganyan tinitingnan ko pa sa kodigo o 'di kaya sa very friend google, may kahinaan kasi memorya ko... sa mga analyses ng mga bagay-bagay ako mas kumportable.

Meron akong kilalang isang kandidato na may pinaghalong "galing"! May kakabisaduhin munang script o "kodigo" (siguro galing kina Tito Ed) tapos mememoryahin. Dobleng galing 'di ba... Tito at Ed?

Saka yung mga binanggit mo madaling i-research... madaling kopyahin... ang plataporma nga puwedeng-puwedeng kopyahin kahit wala kang kaalam-alam tungkol dito katulad ng ibang kandidato. Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit.

Eh papaano naman nga pala ang kandidato mo na wala namang tinapos? Baka ikaw ang dapat na kumandidato... mukhang mas magaling ka pa at kuwalipikado sa dating mong 'yan. Eh kaya lang bata ka pa nga pala... wala pa sa age qualification.

Kaya malayo pa ang mararating mo... ang nakapagtataka lang yung hindi naman naabot man lang ni katiting ng edukasyon mo eh mas malakas ang dating... ang lakas ng ambisyon. Huwag mong sabihin na hindi mahalaga ang edukasyon... tanggalin na lang nating ang DepEd at ang CHED.

Anong mensahe ang nais ninyong iparating sa kanila, aber? Huwag na lang mag-aral... puwede ka namang magkaroon ng trabaho kahit na ganoon lang... "pangulo" nga pwede eh. Mag-Star Circle Quest kaya o 'di kaya Star Search imbes na umattend ng klase... drop out na lang... 'di ba tumulad sa "pangulo"?

Pahabol... isang bagay ang mahirap kopyahin... ito ang buhay ng isang taong matuwid. Ito ang dapat pagpraktisan ng kinikilingan mo, bata... lalo na't medyo hindi maganda ang reputasyon at pati nagtatrabaho lang naman na reporter pinagdiskitahan. tsk... tsk... tsk...

Opinyon lang naman itong lahat eh... opinyon lang kasi ang pwede ngayon (in reference to restriction based on the election law during Maundy Thursday and Good Friday).

Saan Isinulat: Election2004.PH, Presidential Candidate's Forum, Fernando Poe, Jr.
Paksa: Re: Ang utak ni FPJ
Kailan Sinulat: April 08, 2004

(Ito ang sinabi ng forumer: "Bakit ko ibebenta ito eh pinaghirapan ko ito [ang tinutukoy ay ang kanyang Personal Digital Assistant (PDA)]. Mas mura ng malayo ito sa PC. Di kita pinabibilib ako kasi ay may pinagaaralan ngayon dahil may pinaghahandaan akong isang bagay. At gusto ko lang magbigay ng point na si FPJ normal na tao kagaya mo at kagaya ko.. Wag niyo namang gaguhin.")

Point taken.

Ikaw ang nagbigay ng malaking pagkakaiba ninyo ni FPJ... hindi ba?

Mas mura ba iyan PDA mo sa PC... ano ngang brand at model? Meron network at Internet capability 'yan at 'di lang basta Sync kaya mukhang hindi rin papatak ng mababa pa sa PhP25,000.00 sa lokal na pamilihan. Karapatan mo 'yan perang inipon mo iyan 'di ba?

Ang punto eto... saan ka kumuha ng pera pambili? Siyempre nagtrabaho ka, puwera na lang kung rich si papa o mama at sinusustentuhan ka. Saan ka ba nagtatrabaho? Sino ang nagbigay sa iyo ng trabaho, maykaya o wala? Mayaman o mahirap? Nasaan ka ba ngayon? Katulad ka ba ni erap na nagtatrabaho rin sa ibang bansa na mayaman (iyan ay kung nagtatrabaho nga 'yan sa 'merica... mukha kasing hindi eh palaging laman ng forum, mukhang wala ng ibang ginagawa)?

Kung ikaw o si erap ay umaasa sa mga namumuhunan upang magkatrabaho, papaano ang bansang Pilipinas kung mawawalan ng tiwala ang mga namumuhunan? Buti pa kayo, nasa ibang bansa... may mayaman na mga banyagang nagpapasuweldo. Back to stone age ba muna sa 'pinas habang OK lang kayo diyan, galing ano?

Isa pang punto... contradictory 'yan sa ipinagpipilitan mong propaganda ng pagkakapantay-pantay na talaga namang sinilihan ng makakaliwang panununtunan!

Si FPJ ba katulad ng panuntunan mo? Sagutin mo... hindi mo ito sinagot ng itanong ko ito sa iyo.