COLABORACIONES/ COLLABORATIONS

05/Febrero/2001
ANG KARAHASAN SA HISTORIA NG FILIPINAS (1)
Ni Guillermo Gómez Rivera
Academia Filipina de la Lengua
Correspondiente de la R. A. E.

Manila
 
     I. ANG KASALUKUYANG PANAHON

LA SITUACIÓN DEL ACTUAL PUEBLO FILIPINO NO ES HALAGADORA PORQUE LA MAYORÍA SE ENCUENTRA EN LA MÁS ABYECTA POBREZA E IGNORANCIA GRACIAS A LA FORZOSA IMPOSCIÓN DEL IDIOMA INGLÉS.

A. ANG SITUWASYON NG FILIPINO ÑGAYON

      Ang Panahon ng pananakop ng mga Kanô sa kasaysayan ng Filipinas, may dalawang kapítulo:
      (1) Nang sila’y direktang namamahala, ---pagkatapos nilang sinalakay ang kapuluan at agawin ito sa pamamahala ng Unang Repúblika ng Filipinas ng mil otso siyentos nobenta'y otso (1898), na pinañguñgulahan ni Presidente Emilio Aguinaldo, at,
      (2) Nang sila’y patagong namamahala, ---samantalang may nakaupô na mga Presidenteng Filipino sa Malacañáng sa paniwalang lubós na malaya ang bansang Filipinas. Ito'y guinagawâ nila hanggang ñgayon upang mapagsamantalahan ang ekonomiya at likas-yaman ng mga Filipino.

B. ANG PAKANA

      Ang mga Kanô, at maka-Kanô, gumagawâ ng propaganda upang makuhâ nila na maniwalâ ang sambayanang Filipino na ang kanilang bansa’t gobierno ay tunay na malaya.
      Ang propagandang itó guinagawâ sa pagturô sa mga paaralan ng isang huwad na kasaysayan ng Filipinas upang lumabás na mabañgo at mabait ang mga Kanô samantalang pinagbabawal na pag-usapan kung kailan nagsimula ang Estado at Concepto ng paguiguing Filipino.
      Sinasabi ng propagandang itó na dahil sa mga Kanô nakamit ng mga Filipino ang kaunlaran sa pag-iisip, sa edukasyon (academic freedom), sa sariling pamamahala, sa política, sa cultura, sa wikâ at sa ekonomiya.
      Dinidiin nang mismong propagandang itó na ang mga pañgulong Filipino sa politica at sa gobierno ñgayon, may kayang magpasiya ng malaya.
      Ang mga naihalal na Presidente ng bansâ malaya sa pagdesisyon tungkol sa mga básikong isyu ng polítika na may kaugnayan sa diplomasya sa ibang bansâ ng mundo, sa edukasyon, sa ideolohiya, sa wikâ at sa ekonomiya.
      Pero, ang propagandang itó na guinagastusan ng mismong mamamayang Filipino hindi totoo dahil:
      (1) Pinipilit, at napipilitan, ang pamahalaang Filipino na mañgutang sa mga banco ng mga Kanô. Ang pagpasiya sa pañguñgutang ay napasailalim ng pagdikta at paghawak ng mga Kanong WASP (White Anglo Saxon Protestants) sa pera ng Filipinas. Ang turing sa sarili nitong mga WASP ay amo ng mga Filipino.
      (2) Kusang pinipilit ng Kanô ang Presidente ng Filipinas, kasama ng iba pang mga matataas na nanunungkulan sa gobierno Filipino, na mañgutang ng malaki sa mga banco na hawak ng mga Kanô, upang maari nilang mapagdiktahan ang mga itó ng gusto nila.
      (3) Ang polítika sa ekonomiya ng bansang Filipino ay hawak din ng mga WASP dahil hawak nila ang presyo ng kuryente at gasolina sa kapuluan. Dahil dito, ang halagâ ng pera ng mga Filipino bumabagsak kapag tumaas ang halagâ ng dolyar. Ang efecto nito ay ang paghihirap ng halos lahat na mga Filipino, lalo na ang karamihang walang kaya at umaasa lamang sa kanilang pagtatrabaho o paglakô.
      (4) Ang politikang panlabas (foreign affairs) ng Filipinas, ay hawak din sila.
      (5) Pati ang politica sa kung anong wika ang gamitian na opisyal sa gobierno at paaralan ay hawak din nila dahil pinipilit nila ang paggamit ng wikang Inglés sa ibabaw ng paggamit ng wikang Filipino. Ang pagpilit ng Inglés may relasyon sa pinakamalaking exsportasyon ng mga Kanô sa kapuluan na siyang mga pelikula kasama ang kanilang músika na nasa mga CD, cassete tape at video. Wala silang pakialam kung mamatay ang industriya ng pelikulang Filipino kasama ang musika at wikâ ng mga ito.
      (6) At upang manatiling mapasa-ibabaw ang paggamit ng Inglés, pinasok pa diumano, ng mga katutubong alipin nitong mga Kanong WASP, ang mismong Alpabeto ng Inglés sa wikang Tagalog, o Filipino, upang mawasak ang pinagbabatayan nito bilang lenguwahe na fonético na may sariling karapatan.
      Dahil sa ganitong kalagayan, ang mithiing Filipino tuñgô sa pagmamahal sa sariling wikâ at bansâ, at sa kaunlarán ng mga ito, nauuwi palagui sa pañguñgurakot sa loob ng pamahalaan at sa pagdustâ at pagpahirap sa nakakaraming Filipino sa kanilang kabuhayan. Ang nasapoder nagpapayaman na lang ng wala mang anong delicadeza at pakungdañgan sa kapwa.
      At nangyayari ito dahil ang aksiyon at administrasyon ng mga nagkakasunod na mga Presidente ng Filipinas nagapos sa tinatawag na neo-kolonyalismo. Ang kanilang mga mithiing pangsocial pinipiguilan ng mga WASP mula sa malayo.
      Dahil dito, naguiguing praktikal sa kanila ang mañgurakot na lang ng walang freno, walang takot at pakungdañgan.
      ¿Bakit nagkaganitó ang problema ng bansang Filipinas? ¿Papano malutas itó? Ang sagot ay nasa pag-aral ng tunay na Historia ng Filipinas dahil may kasabihan na: 'ang hindi marunong lumiñgon sa pinanggaliñgan, di makakaintindi ng kasalukuyan at hindi makakarating sa paroroonan.'

     II. ANG MGA DUMATING SA FILIPINAS

PARA CONOCER LA MENTE FILIPINA ES NECESARIO SABER QUIÉNES LES HIZO EL BIEN Y EL MAL.

      Ang karahasan ay ugali ng tao na walang katuwiran. Ang kapuluang kinikilala ñgayon na Filipinas, Pilipinas o Philippines, pinuntahan ng iba-ibang mga bansâ o nación.
      Ang mga bansang itó ay (1) Ang Árabe, o Arabo, (2) ang Americanong White Anglo-Saxon Protestant o WASP, (3)ang Español,(4) ang Chino (5) ang Inglés (6) ang Japón, o Hapón, (7) Ang Holandés, (8) ang mga Hindu o Bombay na taga-India.
      Ang kinikilala na mga katutubô ng kapuluang ito ay ang mga taong may lahing Ita, Malayo, Indonesio at Polinesio kasama ang mestizo nito. Ang salitang 'katutubô' sa wikang Inglés ay "Native Indian, Injun o Indigenous", sa wikang Francés "Indigene" at sa wikang Español "Indio, Natural o Indígena". Ang salitang ugat ng mga salitang "Indigenous", "Indigene" at "Indígena" ay isa lamang. At ito ang salitang "Indio" na ang ibig sabihin at Katutubô..

(1) ANG ÁRABE O ARABO.

LA INFLUENCIA MUSULMANA SE LIMITA A SOLAMENTE DOS PUNTOS EN EL SUR DE FILIPINAS, JOLÓ Y COTABATO.

      Ang pagdating ng mga Arabo sa bandang timog ng Filipinas ay walang karahasan. Sila'y dumating bilang mga misionero ng Islam at mga negosyante. Nakuha nilang pairalin ang Islam, o paguiguing Moslem o Moro, sa iilang mga tribu sa Mindanao at Sulú.
      Ang maaring maituring na karahasan sa kanila ay ang pagtatag ng institusyon ng pañgañgalipin (esclavitud o slavery) bilang isang clase social. Tinuturo ng Al Korán, ang Librong Sagrado ng mga Moslem, na ang institusyon ng esclavitud (slavery), o pañgañgalipin, ay dapat panatiliin. Puedeng pagaanin pero hindi puedeng alisin. (p.212 "Pensare la storia" ni Vittorio Messori , Milan, Italia, 1995).
      Ang institusyon ng pañgañgalipin may dahilang pangekonomiya. Ang alipin para sa mga Moros ay pera dahil guinagamit nila ang alipin na pambayad kung sila'y may bilhin. Bagamat guinagamit din ang mahahalagang mga alahas, guintô, perlas at tela bilang pera, ang pinakamahalaga sa lahat na pera ay ang alipin.
      Itó ang dahilán kung bakit palaguing sinasalakay ng mga Moros ang mga Estado ng mga Bisaya, Bicolano, Tagalog, Ilocano at iba pa bago dumating ang mga Español at sa halos kahabaan ng panahon na naguing kolonya at probisnisya ng España ang kapuluang Filipinas.
      Ang mga dating mga Estadong Étnico, o Katutubô, kailañgan magbayad ng buwis sa mga Moros sa Joló (Sulú) at Cotabato kung ayaw nilang madama ang madugong pagsalakay. At ang buwis na kinokolekta ay ang isang bilang (limampo o isa, dalawa o tatlong daang katao) ng mga alipin. (Basahin ang librong "Social History of the Philippines" ni Edgar Maccoy at De Jesús. Basahin din ang "Sulu Trade" ni Tingting Cojuangco. Basahin din ang bagong libro ni James Francis Warren, "The Global Economy and the Sulu Zone: Connections, Commodities and Cutlure", New Day Publishers, QC, 2000).

(2) ANG MGA AMERICANONG WASP.

TRAS EL DAÑO QUE HICIERON A LOS FILIPINOS EN TODOS LOS SENTIDOS, LA ÚNICA REPARACIÓN ES HACER A FILIPIAS UN ESTADO MAS DE SU FEDERACIÓN.

      Ang pag-okupá ng mga Kanong WASP sa Filipinas hindi mapayapa. Dumating silá sa kapuluan bilang mga aliado ng mga naghihimagsik na mga Filipino laban sa pamahalaan ng mg Español.
      Pero, ng lumayas na ang mga Español sinalakay nila ang República de Filipinas ng mil otso cientos nobenta'y otso. Ang digmaang Kano-laban-Filipino sinimulan ni Private William Grayson nuong a 4 ng febrero 1899. Pinagbabaril ni William Grayson ang mga sundalong Filipino sa may tulay ng Santa Mesa at San Juan upang di maiwasan ang pagsiklab ng digmaan laban sa unang República ng Filipinas. Alam ng mga Kanô na matalo nila ito sa bandang huli.
      Nang kokonti pa lamang ang mga sundalong Kano sa kapuluan, pinagpapanggap nila na sila'y aliado ng unang República laban sa mga Kastila o Español. Ñgunit nang dumating sa bandang huli ang marami pang sundalong Kano, kusa nilang inumpisahan ang guerra laban sa mga Filipino.
      Ang intensiyon nila ay (1) kunin ang reserva sa pilak at guintô ng Filipinas na may halagang lampas ng isang daang bilyong dolyar ($100 Billion) at (2) sakupin ang kapuluan.
      Kapag nadomina nila ang mga Filipino sa pamaguitan ng wikang Ingles, ito sila at ang kapuluan nila ay (1) maguiguing mercado ng kanilang mga producto at kultura at (2) neocolonya ng explotación ng trabajong murâ ang bayad at explotación ng likas yaman o recursos naturales ng mga Filipino at ng kanilang kapuluan. Ang ninakaw na pilak at guintô ng mga Filipino ay ipon nila sa komersiyo ng mga galeon na tumagal ng dalawang daan at labing-limang taon. (215).
      Ayon sa isang historiador na Kanô, si James B. Goodno, autor mg Librong 'The Philippines, land of broken promises' (p.31), "ika-anim na bahagui ng buong populasyon, o población, ng Filipinas ang pinatay, sa madugong pagmamasaker, ng mga militar at sundalong Kano na WASP".
      Ayon kay Soledad Vital de Luna, pañgalawang asawa ni Juan Luna, ang pintor, "ninakaw ng mga militar at sundalong mga Kanong WASP ang reserva sa pilak at guintô ng República de Filipinas (na ang halaga nito ay lampas sa isang daang bilyung dolyar ---$100-B---), ng bumagsak ang Malolos sa kanilang mga kamay pagkatapos na lihim at pataksil nilang pagpapaslang kay General Antonio Luna sa Cabanatuan, Nueva Ecija." ggr_flamenco@hotmail.com

  ===>Continuación: Ang karahasan sa historia ng Filipinas (2) (3) (4)

( Guillermo Gómez Rivera es Académico Coordinador de la Academia Filipina, Manila )

 

Collaborations/Colaboraciones:
Glosas filipinas (2005) (tagalog/ español) ¿Mga ignorante...(TV K) (tagalog) &
Ang identidad ng filipino... (tagalog) & Ang karahasan sa historia ng Filipinas &
Influencia asiática en el chabacano (esp.) & José Balmorí (English & esp.) & The Filipino State (English) &
Estadísticas: El idioma español en Filipinas (español) & El idioma criollo de Filipinas (español) &
Mabuhay, Gloria Macapagal (español) & Literatura hispano-filipina (español),
El espíritu quijotesco de J. Rizal y F. Zaragoza (español),
by Guillermo Gómez Rivera
Paulino Alcántara the Pilipino-Spanish football player, by Ian Estenor;   La Academia Filipina, by Tony P. Fernández
Presentation of the Book "Rizal According to Retana" (1) (2) (3) by Liz Medina;
Why the Spanish has disappeared from the Philippines?, by Jess Mendoza;  
Filhispanic Activism & El fenómeno hispano en Filipinas, by José Perdigón

Editorials (Esp & English): ¡Hola! ¿Kumustá? & Philippines (1898-1946): The re-colonization drama
Spanish Newspapers   Spanish Magazines   Links/Enlaces   Letters 2001
What about Spanish?   Have you lodge?   "Pilipino-castila" names
Spanish by jokes   Yo te diré (book)   Cine   Tuna
J. Rizal
kaibigan kastila